Chapter 50

4.8K 66 1
                                        

Parang nanumbalik ang lahat ng alaala makalipas ang isang taon.

Isang linggo na ako nakatira sa Mansion nito at isang linggo na rin kung saan ay hatid sundo ako ni Mang Art sa aking paaralan at sa trabaho.

Hindi ko na kinuwestyon ang desisyon ng lalaki sapagkat mauuwi lamang iyon sa away. At hindi ko kailangan ng stress sa aking buhay ngayon. Masyado nang maraming mabibigat na bagay ang nakapatong sa aking dibdib at hindi ko na dapat pang dagdagan iyon.

Totoo naman ang sinabi ni Levi na hindi na nga sya naninirahan sa Mansion sapagkat madalas na umuuwi ito sa Penthouse with Peachy. Magkasama nang dalawa sa iisang bubong at twing naiisip kong nagsisiping ang dalawa ay tila mapupunit ang aking puso.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi na katulad ng dati ang pagmamahal ko rito. Dahil tumira muli ako sa kanyang Mansion, lahat ng alaala ay nanumbalik at lalong hindi ko magawang kalimutan ang lalaki.

Naroon pa rin ang mangilang ngilan kong gamit. At totoo naman ang sinabi ni Levi na sya ang bibili ng underwear ko. Napapailing ako ng makitang puro branded designer clothes at underwears na binili nito. Hindi na ako tumutol sapagkat ayokong magalit ang lalaki.

Isang linggo na rin ang nagdaan ng pag iwas ko kay Garette. Nagpasya akong mag leave muna sa trabaho dahil sa mga kakaibang nangyayari. At bukod don ay si Levi mismo ang nagdesisyon na hindi muna ako magtrabaho dahil na rin sa stress na naranasan ko ng nakaraan.

Pero panay pa rin ang pag uusap namin ni Maica sa bago kong number. Simula daw ng hindi ako pumasok ay hindi na rin dumadalaw ang misteryosong customer ngunit si Garette ay mangilang beses nang dumaan sa Bar upang hanapin ako pero hindi nila sinabi kung nasan ako. Kahit ang mga kaibigan at magulang ko ay hindi alam na nakatira ako sa Mansion ni Levi.

Papatayin ako ng aking ina sa sermon kung nalaman nyang bumalik ako rito.

Madalas kung matapos ang aking klase, deretso na kami ni Mang Art dito sa Mansion at paminsan minsan ay tumutulong ako kila Lisa sa gawaing bahay kahit hindi pumapayag ang mga ito.

Namiss naman namin ang isat isa kaya madalas ito lamang ang kausap ko buong araw at kung gabi naman ay nakakulong lamang ako sa kwarto at nagcecellphone. At inaamin kong minsan ay iniistalk ko ang instagram ni Peachy at di ko naman maiwasang magselos sa mga litrato nitong kasama si Levi.

Nasa Switzerland ang dalawa para sa isang importanteng business trip ni Levi. Halos madurog ang puso ko tuwing nakikitang nakangiti ang lalaki sa mga litrato kasama ang fiance.

Kaya naman nahihirapan akong matulog sa gabi dahil kahit nakapikit ako ay nakikita ko ang masayang litrato ng mga ito. Kaya mas pinipili kong isubsob na lamang ang aking mukha sa pag-aaral.

Kinabukasan sa School ay nagkita kami ni Pat at kinuwento ko rito ang mga kaganapan ng nakaraan.

Maski ito ay hindi makapaniwala.

"Shet, parang mesa pelikula ang buhay mo fren!" Sabi nito habang kumakain sa canteen.

"Pero bakit feeling ko ako ang kontrabida pagdating kay Levi at Peachy?" Sabad ko habang tahimik na iniinom ang softdrinks.

"Hindi ah. Nagkataon lamang na nagkrus ulit ang landas nyo..at may stalker ka kaya tinutulangan ka lang nito.. wala naman kayong ginagawang masama.." Paliwanag ni Pat at may punto naman ito.

"Hindi ko alam Pat. Dapat nga ba akong bumalik sa Mansion?" Tanong ko rito.

"Alam mo fren, magpasalamat ka na lang at tinutulungan ka nito at wag kana masyado mag isip isip at baka mahospital ka ulit" Panenermon nito at tumahimik na lamang ako.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon