Chapter 62

4.7K 60 8
                                    

"Ano?!" Nakakabinging sigaw ni Pat sa aking tainga ng araw na iyon sa canteen.

Nagkatinginan naman ang aming kapwa schoolmates at hindi maiwasang mataan ako ng mga ito at si Pat.

"Hindi ko alam Pat..maski ako ay nagulat.."

Napatigil ito sa pagnguya at tumabi naman ito sa akin sa upuan.

"Eh anong sabi mo?"

"Edi oo..pero diko maintindihan..parang napakabilis ng pangyayari.." Pahayag ko sa mahinang boses.

"Sabagay ay may punto ka..siguraduhin mo lang na handa kang i-level up ang relasyon mo sakanya.."

"Mahal ko si Levi at sya lang ang nakikita kong makakasama ko habambuhay pero hindi ko maiwasang mangamba lalo pa at maraming mapanghusgang mata sa aming paligid.."

"Natatakot kang malaman ng tao na gusto kang pakasalan ng isang gwapo, hot, bilyonaryo, bachelor na malaki ang agwat kumpara sa iyo? Diyos ko Ellie, kung ako lamang nasa posisyon mo ay mas lalo ko pang aasarin ang mga mapanghusgang mga mata.." Pagtataray ng aking kaibigan.

"Hindi naman sa ganon pero hindi ako handang marinig kung ano ang sasabihin ng mga tao.." Sambit ko kay Pat.

"Hindi magtatagal ay malalaman ng buong mundo na ikaw ang piniling makasama ni Levi habambuhay at dapat ngayon pa lamang ay masanay ka na sa samut saring opinyon na inyong matatanggap. Sumabak ka sa buhay ng isang bilyonaryo Ellie at what do you expect? Levi is famous at maraming naghahabol rito. Dapat nga ay matakot ka at baka mabingwit pa yan ng iba.." Pananakot naman ni Pat.

"Mahal ako ng lalaki at hindi nya gagawin ang bagay na sinasabi mo"

"Ano nga ang balak mo fren?"

"Kakausapin ko ito pag uwi.."

May sasabihin sana si Pat ngunit naputol iyon ng biglang umalingaw ngaw ang boses ng TV Patrol host na si Gretchen Fulido. At nanlaki ang aking mga mata ng nakita ko ang picture namin ni Levi sa screen.

"Diyos ko, yung muka mo nasa TV" Bulong ni Pat.

"Sshhh.." Pagsuway ko rito at saka dumapo ang aking tingin sa TV.

Nagpapasalamat naman ako at ay may kanya kanyang pinagkakaabalahan ang mga tao sa canteen kaya hindi nila napansin ang balita. Ngunit ng nagsimulang magsalita ang host ay naglingunan ang mga ito sa TV.

"Punta naman tayo sa Showbiz balita. Spotted ang hottie CEO ng Maximus na si Levi na kumakain ng street foods kasama ang isang misteryosong babae na naka pula. Mukang sweet na sweet ang dalawa at makikitang close ang mga ito"

"Diyos ko.." Hindi ko maiwasang bulong sa sarili.

"Maalalang nakaraan lamang ay hindi natuloy ang supposed wedding nito sa aktres na si Peachy dahil napiling maghiwalay na lamang ang dalawa at heto nga ay kumakalat sa social media ang picture ng rumored couple. Ito na nga ba ang sinasabi ng lalaki sa kanyang text kung saan ay siya ang 'special woman' sa buhay nito?"

"Special Woman?! Talagang special ang friend ko dahil sya naman talaga ang love ni Levi!" Marahas na pahayag ni Pat at kamuntik pang makipag away sa telebisyon.

"Pat ano ba, wag kang pahalata" Tugon ko rito.

"Sinubukan muli ng team namin na hingan ng pahayag ang kampo ni Levi ngunit hindi sumagot ang mga ito. For more updates about philippines showbiz balita, follow us on facebook---"

Nagsimulang umingay sa loob ng canteen at halo halong reaksyon ng mga tao at panay ang tingin sa aking direksyon.

"Tara alis na tayo dito.." Pag-aya ko kay Pat at saka lumabas na nga kami ng canteen.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon