Chapter 9

6K 89 1
                                    

Ang gabing iyon ay hinding hindi ko malilimutan hanggang ako'y nabubuhay. Naranasan kong madurog ang aking puso ng dahil kay Caleb, mahusgahan at masaktan ng mga tao sa aking paligid, pero bandang huli ay hindi ko naman akalain na mabubuong muli ang aking pagkatao dahil kay Levi.

Pinadanas nya saaking hindi ako nag iisa. Dahilan upang muling gumulo ang aking isip. Alam ko na malaki ang aking pagtingin kay Caleb, at sa kabila ng halos araw araw naming pagsasama ay nahuhulog na ako rito.

Ngunit si Levi ang gumugulo nito. Hindi ko maaaring sabihin na mahal ko ito sapagkat iyong nangyari sa kaniyang kwarto ay ang pangatlong beses pa lamang na pagkakakilanlan ko rito.

Ang tanging alam ko lamang kay Levi ay una, ang kanyang pangalan, pangalawa, kung saan siya nakatira.

Sexual attraction.

Tama.

Yun lamang ang nararamdaman namin sa isat isa and nothing more. I am sexually attracted to Levi at hindi ko tinatanggi iyon.

Because my heart belongs to Caleb.

Pero lumipas ang isang linggo matapos ang party ni Jackson ay hindi ko na muling nakita ito pati na si Levi.

Hindi rin sya pumasok sa history class ng buong linggo. Namimiss ko na ito. iniiwasan ba ako ni Caleb? Gusto ko malaman ngunit papaano? Ni Anino nito ay hindi ko masilayan. Tanging sa billboard sa EDSA ko na lang nakikita ang guwapo nitong mukha.

"Tabi, paharang harang ka sa dinaraanan ko" Si Juliet na binundol pa ako bago dumeretso upang kumuha ng palamig sa ref. Habang ako naman ay naghuhugas ng aming pinagkainan.

Ngayon ay linggo at wala naman akong ibang raket kaya sa bahay na muna ako namalagi buong araw.

Pero mas nais ko pang tumambay na lamang sa luneta park kesa makasama ang aking mga pinsan na walang ibang ginawa kundi itrato akong parang katulong sa bahay.

Hindi ko naman masabi ito kay Mama sa halos araw araw naming pag uusap dahil ayaw ko lang bigyan ng sakit ng ulo ito lalo pa at mahina ang kanyang benta sa palengke ngayon.

"Huy kinakausap kita!" Sigaw ni Juliet.

"Sorry. Ano yon?" Tanong ko matapos kong punasan ang aking kamay.

"Sabi ko ano nangyari dyan sa loob ng hita mo? Bakit ang daming pula?" Sabi nito at nanlaki naman ang aking mga mata. At tila nanigas ang aking katawan.

Nalimutan ko nga palang magsuot ng mahabang short. Napansin tuloy ni Juliet ang mga kagat na iniwan ni Levi sa aking katawan ng gabing iyon.

Namula ng matindi ang aking pisngi.

"Ha? Wala. kagat ng Surot" Pagsisinungaling ko kay Juliet.

"Talaga ba? Pati sa leeg mo oh" Pang aasar pa nito at pagturo sa aking leeg. Alam nito kung ano iyon, gustong gusto lamang talaga ako nitong pagkatuwaan.

Inayos ko naman ang aking buhok at sinadyang takpan ang mga halik at kagat na iniwan ni Levi upang hindi mapansin pa ni Juliet at lalo lamang akong kantyawan.

Hindi ko malilimutan ng una kong makita ang mga ito. Talaga namang halos maiyak ako sa taranta at pagsisisi dahil hindi lamang isa o dalawa ang iniwan ni Levi. Para bang gusto nitong makita ng buong mundo ang kanyang mga love marks.

"Carlos halika, tignan mo ang daming chikinini ni Ellie. Haha!" Patuloy na pangangantyaw nito at wala naman akong magawa kundi magbuntong hininga na lamang.

Nanumbalik naman ang ala ala ng umagang paalis na kami ni Pat sa Mansion ni Levi matapos ang party.

Flashback

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon