Chapter 49

4.5K 57 1
                                    

"She's fine, she just need some rest and I'll be listing down some of the vitamins and meds she needs to take in case the fatigue and stress comes back again.."

Isang boses ng babae ang aking naririnig sa background ngunit ang diwa ko ay tila pagod na pagod at nahirapan akong ibuka ang aking mga mata.

"Thanks Anne" Boses ni Levi iyon at biglang bumalik ang mga alaalala kahapon.

Kung saan naglakas loob akong puntahan ang address na binigay sa akin ng misteryosong customer sa bar na syang dahilan upang mabuko ko ang nililihim ni Garette.

Naramdaman ko ang mga yabag ni Levi papalapit sa aking higaan.

Unti unti kong binuksan ang aking mga mata at mabilis kong nakita kung nasaan ako.

Nasa ospital ako at hindi ko alam kung saan at paano ako napunta rito. Pero ang tanging nasa isip ko lang na may pakana nito ay si Levi.

Sapagkat ito ang huli kong nasilayan kagabi bago nagdilim ang aking paningin.

"Ellie?" Bigkas nito na nakatayo sa tabi ng hospital bed.

"Hmmm..."

"How are you feeling?"

"Bakit mabigat ang pakiramdam ko?" Nanghihinang tugon ko

"It's normal..they gave you some painkillers..you passed out last night.. what happened Ellie?" Tanong nito. Mukang pagod ito at wala pang tulog. At isa pa ay ganun pa rin ang suot nito mula kagabi.

"Hindi ko alam kung papano sasabihin.." Pag uumpisa ko.

"Why? Tell me..I'll listen.." Umupo ito sa tabi ko habang hawak hawak ang aking mga palad.

Hindi ko alam bakit nito ginagawa iyon at kung ano ang sumapi rito upang hawakan ang aking mga kamay. Hindi magandang tingnan at baka may makakita pa at ikalat sa social media.

Napabuntong hininga ako at hinila ko ang aking palad. Tila natauhan naman ito at napansin ang kanyang ginawa.

At nag umpisa na nga akong ikwento rito ang mga nangyari. Kailangan ko sabihin ito sakanya sapagkat boss ko ito at hawak nito ang kapakanan namin sa bar. Pati na rin kung ano ang nangyayari sa bar nito ay kailangan nitong malaman.

"Sa bar..may isang customer..lalaki..nasa early 40's ito at parating malaki kung magbigay ng tip..ngunit sa akin lamang nito ginagawa iyon..madalas ay isang bote lang ang order nito tapos umaalis na.. "

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Nag aalalang sabi ni Levi.

"Minsan nung nagpunta ito sa bar ay may iniwan syang papel para sa akin bago ito umalis..imbis na pangalan ko ang nakalagay don, tulad ng parating nilalaman nito, ay isang address.."

Tahimik na nakikinig ang lalaki ngunit kitang kita ang pag aalala sa mga mata nya.

"Pinuntahan ko ang address kahapon..at hindi ko mawari kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa nasabing lugar.."

"Hanggang sa nakilala ko ang isang babaeng buntis na nakatira don.."

"Ang babaeng buntis ay asawa ni Garette.." Halos maiiyak kong paliwanag kay Levi.

Nanigas ang panga ng lalaki sa mga narinig at hindi nito nagustuhan iyon. Kitang kita ang galit sa mga mata nito at naglabasan ang ugat nito sa leeg.

"I knew it..." Sambit nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa lalaki.

Tumayo ito at nagpunta sa bintana. Malayo ang tingin nito at malalim ang iniisip.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon