Lumalakas na ang hangin at kailangan na naming lumisan ni Mama sa ilog at hakutin ang aming mga nalabhang damit.
Matapos hakutin ay bumalik na kami sa aming bahay upang isampay ang mga ito.
Lumipas ang isang buwan simula ng nagpasya akong bumalik sa aming baryo. Hindi ko naman magawang aminin sa aking mga magulang ang totoong nangyari at sinabi ko na lamang na sa susunod na semester na muli ako mag eenroll at baka ituloy ko na lang sa Mababang paaralan sa karatig baryo.
Mabuti na lamang at naintindihan ako nila Mama at Papa at mas maigi na nga raw na pumarito na lang ako sa baryo upang matulungan din sila sa gawain sa bahay at mga paninda ni Mama sa palengke.
Matapos magsampay ng damit ay binuhat ko ang tiklis at pumasok sa loob ng bahay.
"Oh, anak magmeryenda ka muna" Si Mama na naghain ng kakanin sa lamesa habang si Papa ay busy naman nanunuod ng TV.
Nakakatakam ang amoy ng biko kaya naman hindi na ako nagdalawang isip lumapit sa lamesa at nagsimulang kainin ang masarap na luto ni Mama.
Bigla namang tumunog ang TV, hudyat na nagsisimula na ang balita. Dali dali naman lumapit si Mama sa may TV katabi ni Papa samantalang ako naman ay nanatili sa aking kinauupuan.
Pumasok ako sa aking kwarto at nagpasyang humiga. Dumapo ang aking mga daliri sa aking leeg upang hanapin ang necklace na minsan ay nagbibigay ng alalaala sakin tungkol sa aking mga nagdaang naranasan.
Nasa ganon akong posisyon ng biglang tila narinig ko ang pangalan ni Levi.
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at humahangos papunta sa sala.
"Ma laksan mo yung TV!" Sambit ko kay Mama.
"Diyos ko kang bata ka eh ginulat mo ako" Pagsesermon ni Mama.
"Ayon umano sa isang saksi, nag pang abot ang magkapatid Maximus sa labas ng isang sikat na Pub sa maynila na pag aari ng isang artista. Nakuhanan ito ng video at inupload sa youtube kung saan ay mabilis din namang nabura"
Nanlalaki ang aking mga mata habang nagsasalita ang mamamahayag na si Jun Veneracion.
Halos hindi ako makapaniwala na sa TV ko muling makikita ang lalaki.
"Nagulat na lamang po kami ng nagsimulang mag away ang dalawa at nag pang abot pa. Hindi po namin alam ang tunay na pangyayari" Pahayag ng isang lalaking saksi.
"Hindi nagbigay komento ang dalawa matapos humingi ng impormasyon ang isa sa aming team ngunit ayon sa kalapit na source ng Maximus, dahil daw ito umano sa isang babae"
Hindi ko akalain na mangyayari ito at maipapalabas pa sa news. Sikat ang pamilya Maximus dahil isa ito sa pinakamakapangyarihang pamilya sa buong Asya at ang pangyayaring ito ay talagang magdudulot ng tsismis sa bansa.
"Kilala mo ba yan anak? Artista ba yan?" Pag uusisa ni Papa.
"H-hindi po Pa..hindi ko po sila kilala.." Pagsisinungaling ko bago bumalik sa aking kwarto.
Matapos kumain ng hapunan ay hindi ko pa rin magawang alisin sa aking isip ang balita.
Ano nga ba ang tunay na pinag-awayan ng magkapatid? Kilala ko si Levi. Hindi ito ang klase ng tao na magsisimula ng gulo. Lalo pa at sa publiko ito naganap.
Nagbuntong hininga ako ng malalim tsaka nagpasyang bumalik sa kwarto.
"Anak!" Wala pang kinse minutos ay tinatawag muli ako ni Mama.
"Ellie!!" Ano kaya ang problema nito?
"Maaa? Ano?" Tanong ko kay Mama.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...
