Chapter 63

4.5K 58 6
                                    

"Wow! Grabe! Ang gandaaa!!" Hindi ko mapigilang magtititili matapos namin sumakay sa yate nito upang magtungo sa islang pagmamay-ari ni Levi matapos ang  halos apat na oras na meeting nito sa isang luxurious hotel sa boracay.

"Careful, baby" Paalala ng lalaki ng tumayo ako malapit sa ramp at kumuha ng mga pictures.

"Babyyyy? pakuha ng picture pleaaaase? Gusto kong makita nila Mama ang ganda ng isla" Paglalambing ko rito habang nakahiga ito at nagbabasa ng libro sa top deck ng yate.

"Fine.." Sambit ni Levi at saka kinuha ang aking cellphone. Napansin naman nya na may kalumaan na ito.

"I'll buy you a new phone when we get back to the city" Sambit ng lalaki.

"Okay lang. Gumagana pa naman ah" Ika ko.

"This is why everytime I try to call you, the signal sucks.." Pagrereklamo nito.

Pinagmasdan ko ang lalaki. Napagwapo at makalaglag panty ang mga abs nito at kitang kita ang kanyang torso sa suot nitong kulay aqua blue na board short. Ganun din ang muscles nito sa mga hita ay bakat na bakat sakanyang suot.

Ang ibang colleagues ni Levi ay sumama rin ngunit nakabukod sa kani-kanilang sariling yate habang kasama ang kani-kanilang mga nobya na tila mga modelo.

Pansin ko naman na hindi ako sinasali ng mga ito sakanilang mga usapan habang magkakasama kami sa hotel kaya minabuti ko na lamang bumalik sa aming kwarto ni Levi upang doon na hintayin ang lalaki.

Ang yate ni Levi ang pinakamalaki at pinakamagara sa mga ito. Kaya naman hindi ko maiwasang inggitin ang mga babae at talagang pinakita sa mga ito na ako ang napiling makasama ng lalaki sa isla.

Hindi din ako makapaniwala na may mga babae pang napiling makipag-flirt sa aking nobyo habang kaharap ang mga boyfriends ng mga ito.

Napapailing na lamang ako at laking pasasalamat ko na hindi masyadong pinapansin ni Levi ang mga babae.

At isa pa ay alam ko namang kaibigan ng mga ito si Peachy kaya lalo lamang ako na out of place sakanila. Minabuti ko na lang hindi sabihin kay Levi ang pagtrato sa akin ng mga girls dahil ayokong masira ang mood namin pareho sa outing na ito.

"Eh naririnig mo pa naman ako kaya okay na yun" Sambit ko sa lalaki na hawak hawak pa din ang aking lumang basag na cellphone at parang gusto na nitong ibato iyon sa dagat. Natatawa ako sa reaksyon nito.

"What the hell Ellie. Here, just use mine" Sabi nito at saka sinimulan akong kuhanan ng mga litrato at tuwang tuwa naman ako at panay ang aking pose.

"Thank you!" Sabi ko at saka hinalikan ito sa pisngi.

"Keep my phone. It's yours" Sabi nito at nanlaki ang aking mga mata.

"H-ha? eh papano ka?"

"It's fine. The meeting's done anyways"

"Eh ang mahal nito, Levi"

"Baby, you have to get used to the stuff I give you..I'm planning to buy you a new car but you don't want it. Now that I offered to buy you a new phone, ayaw mo rin" Maski nakakunot ang noo ng lalaki ay napakagwapo pa rin nitong pagmasdan.

"Because I don't really need them, babe" Niyakap ko ito ng mahigpit at saka ginantihan ng halik sa labi.

"By the way, where's your ring?" Nagtatakang tanong nito ng mapansing hindi ko suot ang aming engagement ring.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon