"Kung makakapit akala mo tuko.." Bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang magkasintahang nakababad sa tubig ng dagat.
Nasa kwarto lamang ako at pasikretong nakadungaw sa bintana habang sinisilip si Levi at Peachy.
Oo aaminin ko, nagseselos ako habang nagtatawanan ang dalawa at nagwiwisikan ng tubig sa beach. Ang lalaki naman ay mukang tuwang tuwa sa presensya ng babae at mayat maya y hinahalikan ito.
"Grrr..chill Ellie..kalma lang..tapos na kayo.." Bulong kong mulinsa sarili.
Kahit anong pag iiwas ko sa mga ito ay sadyang pagtatagpuin kami ng tadhana. Ayokong isipin ng lalaki na magkukulong na lamang ako sa kwarto at ayokong isipin ng staff na killjoy ako.
Pinauna ko talagang mag almusal ang mga ito upang hindi ko makasalubong at matapos ang mga ito ay tahimik akong nagpunta sa pantry upang kumuha ng almusal at dinala dito sa kwarto. Panay naman ang katok ni Maica at Jeff kaninang umaga pero nagkukunwari akong tulog. Kaya hinayaan na lamang ako ng mga ito.
Pero unti unting nagbago ang aking isip matapos maalalang narito ako upang mag enjoy.
Kaya naman kinuha ko ang aking bag at hinalungkat ang aking kulay baby pink na two piece bikini. Regalo sa akin iyon ni Pat sapagkat mas bagay raw ng aking balat ang kulay nito at isa pa ay mas malaki raw ang aking suso at pwetan kaysa rito.
Nilakasan ko ang aking loob bago ko kinuha ang aking shades at towel at saka lumabas patungo sa beach.
Hinanap kagad ng aking mata si Maica at Jeff at ng makita ako ng mga ito ay nagpalakpakan at nagsigawan pa ang mga ito habang ang mga kalalakihan ay panay ang pito habang naglalakad ako sa ilalim ng sikat ng araw.
"Oh, pak na pak! Winner!" Ang mga baklang staff na todo suporta sa akin at natatawa naman ako.
Ngunit gusto kong makita ang reaksyon ng binata. At hindi nga ako nagkamali. Seryoso ang tingin nito at tila nasurpresa sa aking presensya lalo pa at exposed ang aking tinatagong balat.
Aminado akong hindi lang talino ang aking asset at sapagkat mayroon din akong masasabi pagdating sa hubog ng katawan. Kaya naman mataas parati ang aking iskor sa swimsuit walk tuwing sasali ako sa beauty pageants sa aming baryo.
Kasabay ng pagtalbog ng aking dibdib at pwet ay kasabay din ng hiyawan ng mga kalalakihan. Nakasimangot si Levi at hindi ko mawari kung anong nararamdaman nito sa mga oras na yon.
Inalis ko ang aking tingin sa lalaki at nilakasan ang aking loob bago nagpasyang sumuong sa tubig. Tanging hiling ko lamang ay hindi ako malunod.
Pag ahon ko sa tubig ay sya namang paglapit ng isang foreigner sa akin. Nasa medyo malalim kaming banda at may kalayuan sa pampang kaya naman wala akong choice kundi hayaan itong lumapit.
"Hi, miss. I'm Mason" Isang boses Australiano ang bumati sa akin na nakasakay sa kanyang surfboard.
"Hi, I'm Ellie"
"So, do you want to surf?" Bulgar na pagtatanong nito.
"W-what? Sorry but I dont know how to.." Sagot ko habang piaanod naman ng alon.
"Come, I'll teach you.."
"Really?" Naeexcite kong tanong sapagkat matagal ko na ring gustong matuto kung papaano nga ba sakyan ito.
"Yeah, I'll help you.." Pang eengganyo ng lalaki at saka inalalayan akong umupo sa surfboard nitong mahaba.
"Wow!" Sambit ko at dahan dahan itong nagpedal patungo kung saan namin aabangan ang alon.
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...
