Chapter 24

5.1K 88 0
                                    

"I said open this!" Mariing sabi nito ngunit sa mahinang boses.

Sa nanginginig na kamay ay pinihit ko ang door handle at ng bumukas iyon ay pumasok si Levi at sinarado ang pinto sa kanyang likod.

Halos umaapoy ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.

"Does Caleb know you're dating my employee?" Pag akusa nito.

"Nagkakamali ka. Magkaibigan lang kami ni Marco" Pagdadahilan ko sapagkat totoo naman iyon.

Hindi ko rin maiwasan ang matunaw sa tingin ni Levi sapagkat hindi pa rin ako maka get over sa nangyari sa amin.

"I dont buy that shit"

"I dont care, Levi"

"Caleb does. Should I got tell him?" Levi taunts. At gusto ko syang sakalin sa mga oras na ito.

"Hindi nya kailangan malaman, isa pa, hindi na nagpaparamdam ang kapatid mo sa akin" Pahayag ko rito.

"And he has every right not to talk to you. For fuck sake Ellie, are we not enough? Now you wanna fuck my employee?" Halos makikita na ang ugat sa panga nito dahil sa galit.

"Ikaw lang ang gumagawa ng malisya. Magkaibigan lamang kami. And if you dont believe that, its your problem, not mine!" Hindi ko maiwasang magalit na rin sa pakikitungo nito sa akin.

"It is my problem because you're my brother's girlfriend" Sambit nito ngunit alam kong hindi lamang iyon ang dahilan nito.

"Ex-girlfriend" Sumbat ko rito.

Huminga ito ng malalim at tumingin ng deretso sa akin.

"You're nothing but a slut.." Halos sampal sa aking mukha ang sinabi nito pero pinili kong tanggapin iyon dahil mas importanteng hindi nya malaman ang aking sikreto.

"Yes, Levi. I'm a slut. Malandi. Kabit!" Nagbabadya ang luha sa aking mga mata pero bago pa mangyari iyon ay tinulak ko ito at nagmamadaling lumabas ng banyo ngunit hinarang ako nito.

Ang gusto ko lamang gawin sa mga oras na iyon ay lisanin ang lugar. Hihingi na lamang ako ng tawad kay Marco at magpapalusot kay Marie.

Ngunit bago ako makalabas ng banyo ay naramdaman kong tumunog ang aking cellphone ngunit dahil sa lakas ng pagkakapihit ko ng pinto ay nahulog ang aking cellphone sa bathroom tiles.

Bago ko pa makuha iyon ay nagawa na ni Levi at saka nito sinagot ang tawag.

Dalawang tao lamang ang maaring tumawag sa akin sa ganitong oras. Si Cath o si Marie.

Pinagdadasal ko na lamang na si Cath iyon. Ngunit hindi iyon ang gustong mangyari ng tadhana.

"Ibalik mo sakin ang cellphone ko!" Pinilit kong abutin ito kay Levi ngunit its too late.

Sandali nitong tiningnan ang screen at binalik ang tingin sa akin.

"Who's Marie?"

Hindi ko akalain na Ang dalawang katagang iyon ay maghahatid ng nag uumapaw na kaba sa aking dibdib.

Kailangan kong sagutin iyon sapagkat kailangan ko ang pera. Ngunit papaano kung hawak ni Levi ang aking cellphone?

"Huwag!" Halos talunin ko ang espasyo sa pagitan namin ng nakita kong pinindot ni Levi ang answer button.

Mabuti na lamang at hindi nito sinagot iyon ngunit ng buong akala kong ibibigay nya iyon sa akin, nilagay nya ang tawag sa loudspeaker.

Gusto kong umiyak at lamunin ng lupa sa ginawa ni Levi. Ang pinakatatago kong sikreto mabubunyag at tuluyang mababago ang tingin ni Levi saakin.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon