Tinignan ko ang aking relo at halos Alas kwatro na ng hapon. Mag iisang oras na akong nakatayo sa tapat ng kulay asul na bahay. Tinignan kong muli ang papel at sinigurado kung tama nga ba ang aking nabasa.
#87 Maharlika Street sa Blumentrit
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit dinala nga ako ng aking paa sa lugar na ito. Hindi safe at hindi ko alam kung ano ba ang aking madadatnan sa bahay na ito.
Pero mukha namang maayos ang lugar at matao. Kaya kung sakali mang may mangyari sa aking masama ay mabilis akong matutukoy rito.
Huminga ako ng malalim at binalik ang papel sa aking bag. Gusto kong malaman kung ano ang meron sa lugar na ito. Nagpaalam naman ako sa aking supervisor na may daraanan lamang ako at sinabi ko rin kay Maica ang aking plano at kung saan ako pupunta. Para kung may mangyari mang masama sa akin ay mabilis na mapupuntahan ako nito.
Malakas ang kabog ng aking dibdib at matindi ang nerbyos na nararamdaman ko habang naglakad papunta sa bahay.
Walang doorbell at gate kaya naman nagsimula akong kumatok. Mahina lamang iyon at wala namang sumasagot. Nilakasan ko pa ang pagkatok sa pintong kahoy ngunit wala talagang sumasagot. Sumilip ako sa bintana at nakitang nakabukas ang TV.
Umulit pa nga akong kumatok ngunit walang nasagot. Kaya naman nagpasya akong pihitin ang door knob at laking gulat ko namang bukas iyon.
Pinihit ko pa ito bago tuluyang bumukas ang pinto at dahan dahan akong pumasok sa loob.
Maliit lamang ang bahay ngunit Dalawang palapag iyon.
"Tao po?" Sabi ko pero walang sumasagot.
"Hello?"
"Tao po?"
Nagpasya na lamang akong maupo sa sofa at hintayin ang taong nakatira ron.
Hindi nga nagtagal ay nadinig ko ang mga yabag pababa ng sala. Mabilis ako tumayo at ng makita ko ang isang babaeng buntis ay binati ko ito.
"Sino ka?!" Nagulat nitong tanong habang hawak ang tiyan.
"P-pasensya na po kung pumasok ako ng walang paalam pero kanina pa ho ako sa labas at walang sumasagot.." Pahayag ko sa babae at naguluhan naman ito.
"Eh sino ka ba?" Nakapamaywang na tanong nito.
"Sorry. Ako nga pala si Ellie Rose" sambit ko.
"Rose? Ikaw ba ang katrabaho ni Garette?" Tanong ng babae at may kung anong bigat ang pumatong sa aking dibdib.
Bakit binigay ng lalaki ang address ni Garette? At bakit hindi ko alam na nakatira ito dito? Ang buong akala ko ay may sariling apartment ito sa Cubao.
"Mawalang galang lang pero kaano ano nyo si Garette?" Napalunok na tanong ko.
"Asawa ko si Garette" Sambit ng babae at para akong binuhusan ng napakalamig na yelo sa buong katawan.
Malaki na ang tyan ng babae at tila malapit na itong manganak anumang oras. Ibig lamang sabihin ay nilihim ni Garette ito at nagsinungaling pa ito sa akin.
"G-ganun ba. Pasensya na sa abala pero mauuna na ako..congrats sa baby" Sambit ko at pakiwari ko ay anumang oras ay matutumba ako sa hilo. Nakokonsensya ako sapagkat buong akala ko ay totoo ang namamagitan sa amin ng lalaki. Na wala kaming sinasaktang tao. Pero eto nga at malaman laman kong kasal ito at ang malala pa don ay buntis ang asawa nito.
"Diyos ko.." Halos hinahabol ko ang aking hininga habang nahahapong umupo sa waiting shed.
Ganun na lamang ba ang kamalasan ko sa buhay? Saan ba ako nagkulang at madalas akong lokohin at pagsamantalahan ng mga tao sa aking paligid?
BINABASA MO ANG
Maximus (A tagalog novel)
RomanceSi Levi Maximus ay isang hot shot billionaire sa edad na 29 at nag mamay-ari ng isa sa mga sikat at matagumpay na kumpanya sa buong mundo. He's smart, aggressive, at madiskarte. Ngunit higit sa lahat, Levi doesn't play around when it comes to busi...
