Frances P.o.v"Bigyang oras sa pagbasa, Sa darating na Hulyo 20 araw ng biyernes. Ang mga magagaling po sa pag sayaw, kanta, arte at iba pang klaseng talento ay maaari na pong mag audition sa iisang lugar na babanggitin, ito po ay para sa mga estudyanteng magbibigay kulay sa ating Paaralan at magpapakita ng iba't ibang talento sa iba pang panig ng lugar. Ang audition ay gaganapin sa roof top ng MFrancesagiliw Building 11:00am to 6:00pm lamang po at paunawa po sa mga sasali ay kailangang buo na ang loob sa desisyon sapagkat, kapag napili ka na ay wala ng atrasan pa. At sa mga mapilili naman po ay magkakaron kayo ng paunang allowance na nagkakahalaga ng 50,000. Maraming salamat"
"Bigyang oras sa pagbasa, Sa darating na Hulyo 27 araw ng biyernes ay maaari narin kaming pumili sa mga estudyanteng magagaling sa pag di-direct ng isang kwento. Kailangan lang po namin ang inyong talento para sa pag-gawa ng kwento mula sa ating Paaralan. At sa mga magagaling naman po sa pag-gawa ng script ng kwento ay maaari narin pong magbigay saamin ng inyong entry. Ito po ay ipapasa sa Guidance Office sa oras na 11:00am to 6:00pm lamang po kasabay sa mga mag di-direct at paunawa po sa mga sasali ay kailangang buo na ang loob sa desisyon sapagkat, kapag napili ka na ay wala ng atrasan pa. At sa mga mapilili naman po ay magkakaron kayo ng paunang allowance na nagkakahalaga ng 70,000 Maraming salamat."
"Sali tayo dyan be" sabi sakin ni Joy na nakatingin sa naka paskil. Hindi ko alam kung bakit may paganito yung school? At may pasuhul pa talaga ah.
"Ano ba yan? Artista search ata yan eh, di naman ako marunong umarte" sabi ko naman dito at hinila na siya papuntang room."Hindi lang naman sa pag-arte yun no! Meron pa yun para sa mga magagaling mag direct at sa pagsulat ng kwento, magaling ka pa naman sa pag di-direct"
Ano ba naman tong si Joy, alam naman niya na di ko hilig ang mag sasasali sa mga ganyan eh. Pinupush niya pa ko ng husto, as if naman na sasali ako dyan.
"Ay nako Joy ewan ko sayo di ako magaling sa pag di-direct marunong lang ako" pagpapaliwanag ko sa kanya. Di naman kasi ako magaling sa mga ganyang bagay eh, sadyang may sipag at tyaga lang ako.
"Sayang naman yung allowance na matatanggap" sabi niya ng may paghihinayang sa muka.
"Sa kanila na yun" sabi ko naman at naglakad na papasok sa room.
Pagpasok ko palang ang mga pinag-uusapan na agad ay yung tungkol sa nakapaskil doon sa bulletin board. May mga grupo ako ng kaklase na gustong mag audition. Hindi ko nalang sila binigyan ng atensyon may gagawin pa kasi akong report namin mamaya. Samantalang sila bising-busy sa pag-uusap tungkol sa audition.
Senior High palang kami at Grade 11, unang pasok ko palang sa school na ito sobrang hassle na at ang hihirap ng mga pinapagawa. Buti nga nakakapag pasa ako kahit papano eh, halos isang buwan palang kami dito pero ang dami na naming nagawa. Pero kaya naman kahit papano.
Yung school namin nato, may nag enroll na sikat na artista at meron ding bago palang sa showbiz at hindi pa masyado kilala. Paniguradong hindi nayun sasali sa sinasabi doon sa nakapaskil at kung sakali man na sumali sila baka di pa sila nag a-audition pasok na agad.