Chapter 18- Behind The Mask

32 2 5
                                        

Luis P.o.v

Bakit ganito pa yung nangyayare samin ngayon? Nahihirapan na kami at may dalawa naring namatay sa kasamahan namin dito at ang isa ay kaibigan ko pa talaga.

Nandito kami ni James sa likod naman ng Cr.

At hindi parin siya tumitigil sa kakasuntok sa pader. Kanina ko pa siya pinipigilan dahil bukod sa may paso kami sa braso dahil sa nag init ito nung nakaraan ay nagkakasugat pa siya dahil sa pagsuntok niya sa pader.

"Pre tara na, baka makita na naman tayo ng mga tauhan ni Rosana" sabi ko kay James.

Yumuko naman siya at nagbigay muli ng malakas na suntok dito. Nagdudugo na yung kamao niya dahil sa lakas ng suntok na pinapakawalan niya.

"Ayy nako!!" Sabi niyang muli at tumingala sa pader.
"Kung nakatakas lang tayo nung nagtangka tayong lumabas buhay pa sana ngayon si Jan" ani ni James.

"Sorry pre, hindi ko balak saktan yung damdamin mo kanina" sabi niya sakin.

"Okay lang yun, wala yun" sabi ko naman sa kanya. Naiinitindihan ko naman siya dahil sa nangyare kay Jan.  Kahit na pala away ako dati hindi naman ako masamang tao. Medyo mainitin ang ulo ko pero hindi naman sa bawat oras.

"Gusto ko na makatakas dito" sabi ni James. Nararamdaman ko yung kasabikan niyang makalabas sa lugar na to, pareho lang naman kami ng nararamdaman.

"Kung may paraan lang" sagot ko naman sa kanya.

"Pre, ayan na naman sila!" Maga ang muka na sabi sakin ni James na nakatingin sa likod ko. Ayun na naman yung naka hood na tumatakbo patungo samin kaya agad kaming tumakbo papalayo sa kanila.

Bakit ba sa bawat oras na napupunta kami sa pader ay nakahabol at nakabantay agad sila samin?

Huminto ako sa pagtakbo at tumingin sa likod. Alam kong napahinto rin ng pagtakbo si James.

Papalapit na siya samin isa lang siya kaya siguro kaya ko siyang sapakin. Sa suntukan hindi ako magpapatalo dito.

"Luis!" Tawag sakin ni James mula sa likod pero hinintay ko lang na maka punta yung nakahood na naka maskara sa harap namin.

Malapit na siya sakin kaya hinanda ko na yung kamao ko sa kanya.

*Bugsh

Sinapak ko siya sa muka at mukang nag crack yung maskara na suot niya.

Ha!! Tama lang yan sayo.

Sinapak ko siyang muli sa muka na nakasuot ng maskara hanggang sa nasira na ang maskara. At nahulog na ito sa lapag.

"AHHH!!! LUIS ANO YAN??!" sigaw ni James, hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko dahil nasa harap ko ngayon yung naka hood at walang tao o kahit anong nagsusuot dito. As in wala siyang muka, wala siyang ulo.

"A-ano ka ba?" Na maintain ko parin na tanungin siya kahit na nanginginig na yung katawan ko sa nasaksihan.

Yumuko siya at kinuha yung kalahati ng maskara na nawasak ko gamit kamao ko. Nakalutang lang yung maskara sa kanya at kitang kita ko yung loob nito..

"Tara na pre!" Hinawakan ni James yung balikat ko at hinila na para makatakbo. Pero parang hindi yata ako makalakad at lalo na tumakbo.

Pero pinilit ko parin, lumingon akong muli pero hindi naman na kami hinahabol ng naka hood. Pero inalalayan ako ni James na makalakad kahit na hihikbi hikbi pa siya.

Troy P.o.v

"Okay ka lang ba?" Narinig ko yung boses ni Hellena sa loob ng clinic dito. Mukang nandito yata sila sa loob nito. Ano namang ginagawa nila dito?

Si Macky kinausap sila Acun at pupunta na sana ako sa kanila. Hapon narin kasi at wala akong kasa kasama.

Lumapit ako sa pinto ng clinic at bubuksan na sana ito pero nabuksan na siya at nakita ko si Hellena na mukang pinagpapawisan.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya, pero kinalas niya yung kamay ko sa pagkakahawak ko sa kanya sa braso at tumingin sa ibang lugar.

"Uhm, okay lang ko" sagot nito at naglakad na paalis sa harap ko. Ano kayang problema niya sakin parang lagi niya nalang akong iniiwasan.
Nung nawala si Polo na kaibigan namin parang may bigla akong na realize. Dapat maging masaya na ako sa mangyayare samin ngayon habang hindi pa ko namamatay.

Sinundan ko ng tingin si Hellena na pumunta sa Cr. Ang ganda niya kahit nakatalikod lang siya. Manang mana siya sa nanay niya na sobrang ganda. Matagal na kaming may relasyon ng mama niyang teacher, naging prof ko kasi siya kaya nabihag ako sa ganda niya. Pero nalaman ko na medyo matanda na siya sakin at may asawa't anak na siya kaya medyo tinigilan ko na rin yung mama niya.

Pero nalaman ko na si Hellena pala yung anak niya na sobrang balingkinitan at ang ganda ng kutis. Namangha at nagandahan na ko sa kanya kaya nagustuhan ko siya. Sinundan ko siya sa Cr at ngumiti sa kanya.

"Hellena" wika ko dito habang nakangiti.

"Ba-bakit ka ba nandito? Cr to ng mga babae!" Sigaw niya sakin at tinulak tulak ako para makalabas ng Cr. Nararamdaman ko yung kamay niya na sobrang lambot na dumadampi sa katawan ko.

"Sige, mag cr ka na pagtapos mo usap tayo ah" sabi ko sa kanya at tuluyan nang lumabas ng Cr nila. Sumandal ako sa pader dito at hinintay siyang makalabas.

"Pre, anong ginagawa mo dyan?"  Napatingin ako kay Macky na papalapit sakin.

"Huh? Eh wala naman" sabi ko dito.

Ano bang ginagawa ko dito, sa labas ng Cr ng babae?

Ayy nako nahihilo na ko parang sumakit yung ulo ko.

"Tara na nga" anyaya ko kay Macky at lumayo na sa Cr ng mga babae.

"Ano bang ginagawa mo dun?" Tanong niyang muli..

Hindi ko talaga alam kung anong ginagawa ko dun. Hindi ko alam kung anong nangyare at napunta ako dun.

"May ginawa lang ako" sagot ko nalang sa kanya para hindi na siya magtanong, pero wala talaga akong ideya kung bakit.

Pumasok na kami kung saan kami humihiga, sama sama na kami dito sa loob dahil ayaw namin na may masaktan na kahit isa sa amin.

Hellena P.o.v

Ano bang nangyayare kay Troy, lagi nalang siyang ganon sakin pero maganda naman pakikitungo niya sa iba. Kinabahan nga ko nung nakita kong sinundan niya ko sa loob ng Cr. Nakangiti pa siya sakin at ang creepy talaga.

Alam ko naman na siya yung kabet ni Mommy pero bakit pati ako tinatalo niya. Baliw na ba siya? Kinikilabutan tuloy ako sa mga kinikilos niya kapag sakin siya nakikipag usap eh. Kaya hanggat maaari ay linalayuan ko na siya. May galit din ako sa kanya syempre kasi siya yung kabit ni Mommy.

Basta ayoko siyang harapin pero kahit papano naman may awa parin ako. Kaya pinapansin ko parin siya. Binuksan ko yung gripo dito sa lababo at nag hugas ng kamay, tumingin din ako sa salamin medyo meron na kong wrinkles sa bandang gilid ng pisngi ko. Kailangan ko na maglagay ng cream para hindi tuluyang masira yung muka ko.

"Hahahaha" napatingin ako sa dulong cubicle. Doon nanggagaling yung tawa na napakinggan ko lang nung nakaraan pero mas rinig na siya at buhay na buhay na yung boses.

"Hahahahaha" tawa muli nito..

Kailangan lakasan ko yung loob ko.

Naglakad ako papalapit doon at binuksan yung pinto ng cubicle dito sa dulo.

"Hahahahaha"

"Grace? Bakit ka naman tumatawa? Natakot naman ako sayo" nakahawak ako sa dibdib ko habang sinasabi yun sa kanya.

Akala ko naman kung sino yun, kinilabutan tuloy ako sa takot. Nakaupo siya sa toilet at nakangiti sakin.
"Sige na busy ka yata dyan" sabi ko sa kanya at naglakad na at pumasok sa isang cubicle.

Kanina pa kasi ako naiihi.

--- --

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon