"Wag ka umiyak be!" Sabi naman ni Frances kay Joy dahil nagpatuloy na ang iyak nito gaya ni Shaina kaya nagkakalat na ang mga luhang dugo sa entablado.
Tila napaka gandang tignan ang nangyayare sa kanila para kay Rosana na nakaupo lang at pinagmamasdan silang umiiyak ng dugo. Hindi niya maipaliwanag yung sayang nararamdaman niya ngayon.
"Ano bang ginawa mo samin?!" Lakas loob na tanong ni Clark sa babaeng may pasimuno nito.
"Isa lang naman yung gusto ko, yung sumunod kayo!" Sagot ni Rosana sa kanila na patuloy paring nag iiyak sa entablado."Tama na!" Sigaw ni Jasmine sa kanya.
"Sige bibigyan ko kayo ng palugit, bukas na bukas din magsisimula na ang ating laro sa entablado" nakakaaliw pa ang boses nung sinabi niya ang mga salitang iyon.
Naglakad na siya papalabas, nakasunod sa kanya yung mga naka maskara niyang mga tauhan.
"Alam niyo? Walang mangyayare kung iiyak lang kayo jan" tumingin silang lahat kay Troy na mukang hindi inalintana yung nga dugong pumatak sa mga mata nila."K-kaya nga girls, need din nating harapin lahat to" sabi namn ni Johnloyd na may maarting boses. Tumayo na si Helena, Jasmine at Francheska dahil sumang-ayon sila sa mga ito na kailangan nilang harapin ito.
Hellena P.o.v
Ayoko naman kasi sumali sa mga ganito eh. Si Mommy lang ang nagpumilit sakin kasi malaki yung premyo at yung allowance na ibibigay samin. Hindi ko nga rin alam kung bakit nasama ako dito, hindi ko naman ginalingan para hindi makapasa.
"Alalayan niyo ko di ako makakita" sabi ni Francheska, natabunan na siguro ng dugo yung mata niya dahil sa kakaiyak niya. Hindi ko maintindihan kung ano yung nangyayare samin. Bakit kami umiyak ng dugo?
Pumunta na agad kaming Cr para makapag linis ng katawan dahil kasi sa dugong nagkalat sa katawan namin at nagkamantsa narin yung mga damit namin. Iniwan na nga namin sila doon na panay iyak parin, baka maubusan nga sila ng dugo kakaiyak nila. Dumiretso agad silang dalawa sa shower room, malaki kasi yung Cr dito at may anim na shower room.
Naghilamos muna ako dito sa may lababo para makikita ng maayos.
"Hahahahahaha"
Napatingin ako sa salamin, may narinig akong tumatawa dito sa Cr.
"Bakit kayo tumatawa?" Tanong ko kila Jasmine, kaming tatlo palang naman yung nandito eh. At hindi ngayon ang oras para magtawanan.
"Anong tumatawa ka jan?" Narinig ko yung boses ni Jasmine sa isang shower room. Hindi naman ganyan yung boses ng tawang narinig ko.
"Hahahahaha"
"Ahhh!!"
Umupo ako at humawak sa tenga ko, sa oras na kasi na yun sa tapat ng tenga ko na narinig yung tawa.
"Anong nangyare sayo?!" Hinawakan ako ni Jasmine at Francheska at inalalayang tumayo.
"Beeeee ano bang nangyayare sayo! Kinikilabutan ako sa kinikilos mo eh" kahit na nakatakip yung tenga ko ng dalawang kamay ko narinig ko parin yung boses ni Francheska.
"HAHAHAHAHA!"
"AAAAAHHHHHH!" Napapikit na ko dahil hindi parin mawala yung tawang naririnig ko na palakas na ng palakas.
Inuga uga na ko ni Jasmine at tuluyan na kong dumilat. Nakatingin silang dalawa sakin na parang natatakot na. Madami paring mga dugo sa mga damit namin dahil sa dugong iyak namin kanina.
"Ano ba ang nangyare sayo?" Tanong muli sakin ni Jasmine. Hindi ko alam kung ano yung isasagot sa kanya kasi nakatulala lang ako. Hindi mawala sa isip ko yung tawang narinig ko kanina lang.
Eulla P.o.v
Kasama ko sila Kim, Fatima at Wendy na pupunta ng Cr para makapag linis ng katawan. Grabe yung mga dugong naiwan namin dun dahil sa iyak namin na bigla nalang naging dugo. Ang lapot at ang lansa nito, nakakalat na nga siya sa mga muka namin eh.
"Ano ba ang nangyare sayo?" Napatingin kami sa tatlong nakaupo sa lapag bago ka makapasok sa Cr.
"Bakit?!" Lumapit si Kim sa kanila para alamin ang nangyare. Kaibigan ko yan si Kim simula palang nung mga bata kami at likas na matulungin at mabait yan sa lahat. Kaya yung mga paninirang puri na ginagawa sa kanya? Walang mga katotohanan.
"Hindi ko nga alam eh" sagot sa kanya ni Jasmine..
Lumapit kami at tinulungang itayo si Helena. Nangangatog siya at hindi namin alam kung anong nangyare sa kanya.
"H-hindi niyo ba narinig yung tawa?" Tanong niya kila Jasmine.
"Hahahaha" napatingin ako sa may cubicle sa dulo. May narinig kasi akong tumatawa dun.
"Narinig ko" sabi ko sa kanila at dahang-dahang naglakad papunta sa dulong cubicle. Agad kong tinulak yung pinto pero wala namang tao dito.
"Ano bang meron sa lugar na to?" Yinakap ni Fatima ang sarili sa takot."Nako! Tara na nga at maglinis, tinatakot lang natin sarili natin eh" sabi ni Wendy at pumasok na sa isang shower room dito. Kung ako tatanungin may narinig talaga akong tawa at nanggaling yun sa dulong cubicle.
Hayss siguro nagugutom lang ako.
Ayos na naman si Helena siguro maglinis narin ako ng katawan.Tristan P.o.v
"Pre ayos ka lang ba?" Nagulat ako nung tinapik ako ni Paulo.
"Wala namang ayos satin ngayon" sagot ni Acun.
Hindi ko parin maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon, may halong takot at pangamba na baka hindi na talaga kami makalabas dito. Kasama ko ngayon sila Jason, Clark, Acun at si Paulo. Magkaka teammate kasi kami sa Basketball sa School at naging magkakaclose. Actually si Acun bago palang sa team namin pero hindi pa naman siya ganong ka galing sa Basketball pero kailangan kasi namin nun ng members kaya nasali siya.
"Hindi ba kayo nagugutom?" Tanong ni Jason na humawak sa tyan. Hapon na kasi kami at hindi parin kami maka move on sa nangyare kanina sa stage.
"Gutom na nga ako eh" sagot ko sa kanila.
"Tara hindi tayo magkakalakas kung naka busangot lang tayo dito" nauna nang naglakad si Clark papunta sa maliit na restaurant dito sa lugar nato. Medyo malawak kasi tong lugar na to at may mga matataas na pader na hindi talaga kayang akyatin.
"Wow.. may luto na pala" sabi ni Jason nang makarating kami dito sa maliit na restau. May luto na nga rin talaga at mukang mainit init pa siya.
"Wag muna tayong kumain niyan mamaya may lason yan" pinigilan ni Acun si Jason na sasandok na sana ng pagkain. Pero agad lumuha si Jason ng kutsara at sumobo ng ng kaldereta yun kasi kulay orange eh.
"Hmm sarap" patuloy siya sa pag nguya.
Bigla siyang napatigil at humawak sa lalamunan."Ugh!!" Mukang nasusuka na yata siya. Kinuha namin sa kanya yung kutsarang hawak niya.
"Joke lang hahahaha, masarap siya ah!" Sabi niya sabay kuha muli sa kutsara niya. Baliw talaga tong lalaking to hindi naman to yung oras para magbiro. Binatukan tuloy siya ni Clark.
"Abnormal ka! Kala namin mamatay ka na!"
"Aray naman!"
----- ---
