Third Person P.o.v
"Tumayo ang Team C"
Nang makababa na ang Team B sa entablado nag sitayo naman ang Team C.
Kinakabahan ang bawat isa dahil ayaw nilang matalo sa laro.
" 5.. 4.. 3.. 2.. 1 magsimula na!" Sabi ni Rosana kaya kanya kanya na silang takip ng bibig at ilong.
Samantala si Eulla at Fatima naman na hawak ng dalawang naka hood ay nagtatangka pang tumakas sa pagkakahawak sa kanila.
"Bitawan mo ko!" Sigaw ni Eulla sa nakahawak sa kanya.
Habang ang Team C ay nagpipigil parin ng hininga *boogshh
Natumba si Wendy dahil naubusan na ito ng hangin. Hindi niya kinaya ang matagal na pagpigil ng hininga kaya nahimatay ito. Wala namang magawa ang ibang ka myembro.
"Bumaba na ang iba" sabi ni Rosana kaya agad na bumaba yung iba at naiwan na nakahiga doon si Wendy na wala paring malay.
Nang makaupo na ang lahat, agad na may humarang sa mga binti nila para walang makakilos at gumambala sa gagawin.
Kahit na hindi pa gising si Wendy ay may lumabas na sa screen na mechanics ng bagong laro na gaganapin sa entablado.
----------------
Be the best woman win!
Ito na ang pagkakataon niyong iligtas ang sarili. Sa loob ng salamin na pader kailangan lamang ng 1 o 2 maliligtas dito. Anong gagawin para mangyare yun?
Patayin ang kasama sa loob.
-----------------
Galing sa taas may bumababang isang malaking wall glass na pakahon at wala talaga silang kawala doon. Lumabas narin doon ang dalawang naka hood kaya silang tatlo nalang ang natira sa loob.
"Kinakabahan ako" sabi ni Joy sa kaibigang si Frances. Hindi na nakasagot si Frances dahil blangko na ang isip nito sa mga nangyayare. Gustong gusto niya na talagang makalabas sa lugar na yon. Muntik na nga siyang matalo kanina dahil sobrang hina niya sa larong pagpigil ng hininga.
Hindi naman makapag salita si Kim at tila hinihintay lang ang mangyayare sa mga kaibigang nasa loob ng isang malaking glass wall.
"Be the best girl win hahahhahah" nakakairitang sabi ni Rosana sa mga nasa loob nito.
Galing din sa taas may nahulog ding mga iba't ibang klasing matutulis at delikadong bagay.
Buti na lamang ay medyo malayo sa kanila ang pagbagsak nito dahil kung sila ang nabagsakan nito siguradong patay na agad sila.
Maya maya pa ay nagising na si Wendy at nagulat sa mga nasa paligid niya. Tumingin siya sa screen na may nakasulat na bagong mechanics ng laro.
"Anong ibig sabihin nito?" Tanong nito sa sarili at tumingin sa paligid. Hindi nila nakikita ang mga taong nasa labas. Medyo nahihilo pa siya at naghahabol ng hininga. Nakita niya rin yung mga delikadong bagay na nakakalat na sa entablado.
Agad na lumapit si Wendy sa glasswall at pinaghahampas iyon.
"Pakawalan niyo kami dito!" Sigaw niya habang patuloy parin siya sa paghampas dito. Nakikita siya ng mga kasamahan niya sa labas na naaawa sa sitwasyon nila sa loob.
