Frances P.o.v
"Tulungan mo ko Frances" lumapit ako kay Kim at tinulungan siyang makatayo. Nakalayo na samin sila Hellena kaya kami nalang yung natira dito.
Malapit na yung halimaw na nakita namin kanina. Nakakulong lang siya kanina tas mamukat mukat mo nakawala na agad siya sa kulungan niya. Hinabol niya pa kami.
Inakay ko agad si Kim hanggang sa makalakad na kami. Halos buhat ko na siya at piling ko hindi na kaya ng mga tuhod ko yung bigat.
*Dug. Dug. Dug
Papalapit na siya samin at nararamdaman ko na yung paglakad niya papunta samin.
"Bilisan natin!" Sabi sakin ni Kim at pinisil pa yung braso ko. Hindi na ko nagsalita pa at binilisan nalang ang paglakad. Hindi ko na kasi kayang tumakbo.
"BRUUAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!"
Ang lakas na ng hangin na nanggagaling na mismo sa likod namin kaya alam kong nasa likod nalang siya.
Nagmadali na kong maglakad at ganon din ang ginawa ni Kim kahit na halos naka pasan na siya sakin. Ang sakit na talaga ng katawan ko anytime pwede na kong bumagsak."Aaahhh!!!" Nadapa na naman si Kim. Ang tangi ko nalang hawak sa kanya ay yung kamay niya.
"May humihila sa paa ko!" Sigaw niya sakin, hinila ko rin yung kamay niya para hindi siya mahila ng tuluyan.
"Ahh! Frances!" Sigaw niyang muli nakakalmot niya na yung braso ko. Hindi ko na talaga kaya nakahiga na ko at pinipilit na hilahin siya pabalik pero hindi ko na magawa. Ang dulas ng kamay niya dahil sa pawis.
May naramdaman akong may humawak rin sa kamay ni Kim at pareho na naming hinihila si Kim.
"1..2..3 hilaaaa!" Hindi ako sigurado kung sino yung tumutulong samin pero parang boses niya ni Troy.
"Isa pa!" Sabi niya kaya muli namin siyang hinila.Paghila namin muli kay Kim ay nakuha na agad namin siya.
"Tara na takbo" sabi nung lalaking kasama namin kaya agad na naming pinagtulungan si Kim para makatakbo kami ng maayos. Naririnig na ko na naman yung bilis ng pag yabag ng paa ng halimaw sa sahig kaya parang yumayanig dito.
Kabang kaba na yung nararamdaman ko. Pero kahit ganon buo parin naman yung mindset ko na dapat makaalis kami dito ng buhay.
Uhaw na uhaw na ko! Gusto ko nang uminom ng sobrang lamig na tubig!
Dapat pala bago kami pumunta dito eh nagdala ako ng tubig. Ayy jusko hindi dapat yan ang iniisip ko ngayon. Kailangan ko lang talaga na makatakbo ng husto.
"Dito tayo" sabi ni Troy at dinala kami sa pa kanan na daan. May maliit na taguan doon at dun na muna kami nag stay. Hindi ko alam kung makikita niya ba kami dito at hindi ko rin alam kung may night vision ba yung mata niya.
Naaalala ko yung pagmumuka ng halimaw na nakita namin. Harap harapan pa talaga namin siya nakita.
*Sniff
*Sniff
Nandito na siya malapit na samin. Buti nalang at may nakita agad kaming taguan para hindi niya kami makita. Nakakalito din tong lugar na to kasi ang daming pasikot sikot akala ko isang daan na paderetso lang yun pala pagkalawak lawak pala dito.
*Sniff
Inamoy niya yung lugar kung saan kami nagtatago ngayon.
Third Person P.o.v
Inamoy ng halimaw ang tinataguan nila Frances. Pero hindi niya malaman kung sila ba yun.
*Booogshh