Frances P.o.v
Gabi na at lahat kami ay nakapaikot dito sa isang kwartong nakita namin. Kasama namin yung mga lalaki dahil natatakot kami na baka kung ano ang mangyare samin. Dinala din namin yung mga unan at kutson na nandoon sa kwarto namin.
"Ano nang plano natin?" Tanong ni Luis sa amin.
"Alam niyo? Hindi pa naman natin alam kung ano yung mangyayare kaya chill lang kayo" maarteng sabi naman ni Johnloyd na katabi si Maika Fay.
"Chill? Sa nangyare satin kanina makakapag chill ka ba nun?" Sabi ni Lius at humiga na ng maayos. Medyo malawak naman tong bakanteng kwarto na nakita namin. May air-con naman dito kaya hindi naman kami naiinitan. Bakit kaya masyadong maganda yung lugar na to para samin? Nakakatakot din at the same time kasi hindi namin alam kung anong mangyayare samin.
"Kanina nga nakakatakot sa Cr" napatingin kami kay Eulla.
"Kanina kasi may narinig talaga ako" humawak siya sa tenga niya habang nag kukwento.
"Pag tingin ko wala naman" natulala siya at parang inaalala yung mga nangyare.
"Si Helena tanungin niyo" sabi nito at tinuro si Helena. Napatingin naman siya samin na parang natatakot.
"Dito siya sa harap ng tenga ko tumawa" wika ni Helena.
Hindi ko alam kung nagbibiro ba sila kasi parang hindi makatotohanan yung kwento.
"Naririnig ko parin yung tawa niya" yumuko siya at yinakap ang dalawang binti nito.
"Sorry Joy, hindi ko alam yung nangyare sakin kanina kasi parang may kumontrol bigla sa kamay ko kaya nasabunutan kita" sabi naman ni Grace na lumapit pa kay Joy para manghingi ng dispensa.
Hindi naman siya sinagot ni Joy kasi parang hindi naman makatotohanan yung sinabi niya.
"Ayy nako! Wag nga kami Grace! Hindi mo kami mauuto sa pagpapaawa mo" sabi sa kanya ni Kim. Nakayuko lang yung ibang kasama namin dito at yung iba ay naghahanda nang matulog.Piling ko hindi ako makakatulog sa ganitong sitwasyon namin ngayon.
"Tulog na tayo Frances" anyaya sakin ni Joy at natulog na siya. Kilala ko tong si Joy, kapag may ayaw siyang pag-usapan tumatahimik nalang siya. Grabe kasi yung pagkasabunot sa kanya ni Grace kanina, sumunod talaga yung buong katawan niya sa paghila ng buhok niya, naawa nga ko sa kanya kanina eh.Third Person P.o.v
"Ayy nako! Wag nga kami Grace! Hindi mo kami mauuto sa pagpapaawa mo" tumingin ng masama si Grace kay Kim sa mga binitawan nitong salita. Sa totoo lang hindi naman talaga alam ni Grace ang nangyare may bigla nalang kumontrol sa kamay niya.
Sa sobrang pikon ni Grace sa sinabi ni Kim ay tumayo siya at lumabas ng kwarto. Napailing nalang si Kim nung lumabas ito dahil parang pinapakita niya lang na guilty siya sa nangyare.
Madilim na ang paligid at pumunta siya sa Cr upang magpalamig. Binuksan niya yung gripo at humarap sa salamin.
"Aaaaaaahhhhh!!" Sigaw niya sa loob ng banyo, pinadyak padyak niya pa anng kanyang paa dahil ayaw niya ang nangyayare. Naghilamos siya ng muka at tumingin muli sa salamin na parang nasisiraan na ng pag-iisip.
"Ayoko na dito!" Tumulo ang luha niya habang nakaharap sa salamin. Naririnig ang hikbi niya sa loob ng banyo na wala kahit isang tao.
"Bakit ba nangyayare to saken" tumingala siya para hindi bumagsak ang mga luha niya.
"Wag ka nang malungkot" isang malamig na boses ang narinig niya sa hindi niya alam kung saan nanggaling. May tatlong ilaw sa loob ng banyo pero parang madilim parin ang liwanag na ito.
Lumingon lingon siya dahil hinahanap niya kung saan nanggaling yung boses.
"Wag ka nang umiyak" lumingon muli siya sa bandang kanan. Kinakabahan na siya sa naririnig dahil hindi niya alam kung sino ito.
"M-may tao ba dyan?" Naglakad siya nang dahan-dahan papunta sa mga cubicle na nakasara. Pati narin ang mga shower room dito ay nakasara din. Inisip niya na baka may tao lang kaya umatras na siya ng lakad."Hahahaha" napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa huling cubicle. Hindi siya pwedeng magkamali dahil rinig na rinig niya ang bawat boses na nanggaling doon.
"Sino yan?"
Biglang namatay ang mga ilaw at kahit na sobrang dilim na nakita niya ang babaeng lumabas mula sa isang cubicle.
Mahaba ang buhok at maraming dugo sa katawan.
Sumigaw na siya ngunit walang lumalabas na boses sa bibig niya. Hindi niya magalaw ang buong katawan sa sobrang takot. Papalapit na sa kanya yung babae. Tila ika-ika pa itong naglakad papalapit sa kanya. Napaupo na siya dahil nanginginig na ang kanyang katawan. Napaatras na siya hanggang sa napasandal na siya sa pader.
Lumalapit parin sa kanya yung babaeng maraming dugo sa katawan. Muling sumigaw si Grace pero wala paring lumalabas sa kanyang bibig. Hinawakan siya ng babae sa magkabilang balikat at may itim na lumabas sa bibig nito na pinasa sa bibig ni Grace. Matapos nun ay nawalan na ng malay si Grace.
Kisha P.o.v
"Naiihi ako"
Bumangon ako para gisingin si Shaina, gusto kong magpasamang umihi. Natatakot pa naman ako sa Cr kasi sa labas pa nito. Gabi pa naman at hindi naman ganong kaliwanag sa labas.
"Shaina" gising ko dito habang nagkukusot pa ng mata.
"Hmm?"
"Samahan mo kong umihi naiihi na ko" sabi ko dito. Kanina pa ko naiihi pero pinipigilan ko lang kasi natatakot pa kong lumabas.
"Hmm"
"Uy Shaina samahan mo na ko" inalog ko na siya pero hindi parin siya nagigising.
"Pst"
Napalingon ako.
"Pst"
Tumayo si Maika at nagpagpag ng damit.
"Tara samahan na kita" sabi niya.Omygad! Kala ko kung sino na yung tumatawag sakin.
"Sama na rin ako" napatingin kaming dalawa kay Johnloyd na nag unat pa bago tumayo. Kahit na hindi pa namin ganon kakilala ang isa't isa meron naman kaming mga nameplates eh. Kaya nakakabisado namin agad ang pangalan ng isa't isa.
"Bakla ka! nanjan ka pala" lumapit sa kanya si Maika at humawak sa braso nito.
"Oo kanina pa ko nandito" medyo sarcastic na sagot naman nung bakla ay este ni Johnloyd.
"Tara na naiihi na ko" sabi ko sa kanila na nakahawak pa sa pantog ko. Halos kilabutan na ko sa sobrang ihi.
"Tara na nga baka mamaya jan ka pa magkalat" pinagunahan ni Johnloyd ang lakad dahil kaming dalawa ni Maika medyo natatakot parin dahil rin sa kwento ni Hellena at Eulla samin kanina. Hindi ko nga alam kung totoo ba o hindi pero parang totoo. Nakakatakot naman kasi sa lugar na to eh, kami lang yung tao. Maganda nga pero muka namang hunted.
Hayss. Sa nangyare nga samin kanina nung umiyak kami ng dugo sa stage? Sobrang nakakakaba na eh, ano ba tong nangyayare samin?
"Hintayin ko nalang kayo dito" sabi ni Johnloyd at nagpaiwan sa labas ng Cr.
"Hala!!" Nauna si Maika sakin pagpasok.
"Anong meron?" Tanong ko dito at tinignan yung tinitignan niya.
"Ahhh!! Sino yan?!"
"Hala bakla!"
Pumasok na sa loob si Johnloyd at siya ang tumingin sa babaeng nakahandusay sa sahig.
"Si Grace to! Humingi kayo ng tulong sa mga kasama natin!" Sigaw samin ni Johnloyd kaya agad akong tumakbo sa labas kahit na linalamon na ko ng takot ngayon.
---- --