Chapter 51- Road

9 1 0
                                    

Jason P.o.v

Tumatakbo na naman kami pero this time sa gubat naman. Sino ba naman kasing mag aakala na may hahabol pa rin samin. Nagkahiwahiwalay na naman tuloy kami at ang kasama ko ngayon ay sila Joy, Clark at Acun. May humahabol sa aming mga nakahood at may dalang patalim.

Hinawakan ko na nga si Joy sa kamay para makatakbo siya ng maayos. Kung alam ko lang na mangyayare to edi sana nauna na kami at hindi na kami nagpatagal doon.

Paglingon ko wala nang humahabol samin kaya tumigil na kami sa pagtakbo.

"Nasan na kaya yung mga yun" sabi ni Acun na naghahabol ng hininga. Nakakapagod na sobra.

"Maglakad lakad na tayo" anyaya ko sa kanila. Wala kami dapat sinasayang na oras.

Napapansin ko si Clark na medyo hindi na makalakad ng maayos kaya lumapit ako sa kanya para alalayan. Ganun din ang ginawa ni Acun kay Clark. Kung hindi lang sana namatay si Tristan kasama pa sana namin siya ngayon.

Nagugutom na ko at nauuhaw narin.

"Umuulan" napatingin ako kay Joy na ngayo'y nakatingin sa itaas. Sa dami kong iniisip hindi ko na napapansin na umuulan na pala. Ang lakas na ng ulan pero dahil sa mga puno dito hindi naman kami ganoong nababasa. Binitawan ko muna saglit si Clark at kumuha ng malaking dahon sa may lapag. Ipina-ikot ko ito at sinalo ang ulan na bumabagsak.

Napansin ni Joy ang ginagawa ko kaya ginaya niya rin ako. Uhaw na uhaw na talaga ako.

Matapos kong makainom bibigyan ko si Acun ng tubig at ininom niya rin iyon. Pati narin si Clark kahit na may tapal ang bibig nito. Hindi nga siya nakainom ng marami.

Muli kaming naglakad.

"Nasan na kaya si Frances" wika ni Joy habang naglalakad na kami. Kitang kita sa muka niya ang pag-aalala.

"Wag kang mag-alala sa kanila, makakalabas yun doon" sabi ko naman dito at dinampi ang kamy ko sa ulo niya.

Sa paglalakad namin may nakita kaming kalsada. Mukang ito na nga yung kalsada!

"Hmp! Makakalayo na tayo dito" umiyak muli si Joy. Hindi ko na siya napigilan dahil pati ako naiiyak narin.

*Ting ting

Tumingin kami sa mga relo namin na tumutunog na naman gaya kanina.

"Sirain yung relo bilis!" Sabi ni Acun at agad na naghanap ng bato. Ipinatong niya yung kamay niya sa lapag at pinagpupukpok yung relo gamit yung bato na nakita niya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya yun ginagawa pero ginawa ko nalang din yung ginagawa niya.

Pati narin sila Clark at Joy ay ginawa ang ginagawa ni Acun. Naka ilang pukpok din ako bago masira ng tuluyan yung relo na bakal. Medyo nagkasugat din yung braso ko dahil sa pag pukpok ko.

"Aray! Bakit ba natin to sinisira?!" Natatarantang tanong ni Joy habang sinisira rin yung relo niya.

"Basta basta" sagot naman sa kanya ni Acun.

Lumapit ako kay joy at tinignan yung kamay niyang may gasgas dahil sa pag pukpok niya. Hinipan ko iyon.

"Mag ingat ka" sabi ko dito habang patuloy parin hinihipan yung sugat niya. Pero muka namang walang talab yung hipan ko kasi sa patak ng ulan dito.

"Bakit mo pala pinatanggal yung mga relo?" Tanong ko kay Acun.

"Kasi mukang doon tayo tinatrack ni Rosana" sagot naman nito. Hindi ko yun naisip.

Tumingin nalang ako sa kalsada, kahit may kalsada dito wala namang dumadaan na sasakyan kaya kailangan pa siguro naming maglakad ng kaonti para makahingi ng tulong.

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon