Third Person P.o.v
Lumipas ang araw na wala ni isa sa kanila ang nakaisip na tumakas sa lugar na iyon. Ramdam parin nila marahil ang takot na baka pag punta nila sa malaking pader ng lugar ay agad na may hahabol at kukuha sa kanila.
Lahat sila ay nasa entablado na at nakaharap kay Rosana. Nakaupo itong naka bentekwatro pa.
Nasa kanya kanya narin silang mga grupo at suot narin nila ang mga damit bilang pagkikilanlan kung saan silang grupo naka destino para hindi na magalit pa sa kanila si Rosana dahil sa hindi pag sunod sa kanya.
Maya maya pa ay may biglang lumitaw sa screen.
------------
Lahat ng grupo ay aarte ngayon. Ayon ang ating aktibidad ngayong araw.
-------------
"Anong ibig nitong sabihin?" Tanong ni Macky nang mabasa niya ang nakasulat.
"Aarte? Tayong lahat? Pero hindi ako marunong umarte" dagdag pa ni Macky at tumingin sa mga kasamahan.
"Ako din hindi" sabi naman ni Mailene.
"Wag kayong mag-alala" wika ni Rosana. Napatingin naman sa kanya ang lahat.
"Ang lahat ay makaka arte" dagdag na sabi ni Rosana.
"Paano?" Tanong ni Acun sa kanya.
Pinababa ni Rosana ang ibang grupo sa entablado at ang natira ay ang Team A.
Nang makaupo ang lahat ay may humarang agad sa kanilang mga binti upang hindi sila makaalis sa kanilang mga upuan.
"Saglit anong gagawin nila?" Tanong ni Johnloyd kay Rosana.
"Aarte nga!" Sigaw nito dahilan para matahimik ang lahat.
Kisha P.o.v
Hindi ko alam kung anong klaseng pag- arte ang sinasabi nitong babaeng may sapak sa utak. Bakit niya ba kasi pinapahirapan ng ganito? Ano bang kasalanan namin para pahirapan niya.
"Anong nangyayare?" Napatingin kami kay Kim na nag salita at tila naglalakad na palibot sa amin na nasa gitna. Kami lang kasi yung mga natira sa stage at ang ibang grupo ay nakaupo na.
"Kim bakit ka ba naglalakad?" Tanong sa kanya ni Eulla.
"Hi-hindi ko rin alam" may nginig na boses na sagot naman sa kanya ni Kim. Patuloy lang siya sa paglalakad paikot ikot samin.
"Ahh!!" Napunta naman ang atensyon ko kay Shaina na katabi ko dahil hinihila yung damit niya nila Clark at Troy.
Lumapit ako at hinawakan yung mga kamay nang dalawang lalaking humihila sa damit ni Shaina.
"Ano bang ginagawa niyo? Mahuhubaran si Shaina!" Sabi ko sa kanila at pinipilit tanggalin yung mga kamay nilang nakahawak kay Shaina.
"Bitawan niyo siya!!" Sabi kong muli.
Pero sa hindi ko maipaliwanag na pangyayare ay biglang ang kamay ko mismo ang nagsira sa damit ni Shaina. Hindi ko alam yung nangyayare, parang may kumukontrol sa sarili kong katawan. Nakatingin lang ako kay Shaina na ngayon ay wala nang emosyon at kita na ang kanyang panloob.
