Hindi parin tumatayo ang iba sa Team B, kaya kumilos na ang mga naka hood para buhatin at ilagay sila sa entablado.
"Ayoko nga! Ayoko sumali!" Sabi ni Macky habang kumakawala sa paghawak sa kanyan.
"Ayoko please!" Sabi muli nito.
Pero wala silang nagawa dahil nadala na sila sa entablado. Nasa kanila lang nakatutok ang ilaw.
"Wag mo kaming sasaktan" iyak ni Hellena na nakaupo at yakap ang dalawang tuhod.
Puno na ng tensyon at kaba ang buong tanghalan. Tila nasisiraan na silang lahat ng pag-iisip dahil iba't iba na ang kanilang natutunghayan.
"Si-" napahawak si Fatima sa bibig habang itinuturo si Macky na hawak ang leeg at nakalutang sa ere.
"T---uuskkkllllo-ong!!" Namumula na yung mata nito dahil sa sakal na siya rin mismo ang gumagawa.
"Macky!!" Sigaw sa kanya ni Troy na nakaupo.
"ahhhh!!!" Naagaw naman ni Jasmine ang eksena dahil tila may humahawak sa dalawang kamay niya patalikod at hinihila ito pataas.
Agad namang hinawakan nila Hellena at Francheska na kaibigan niya ang paa nito dahil patuloy parin itong hinihila pataas.
"Macky!!" Sigaw naman ni Paulo at pinipilit abutin ang paa ni Macky.
Hindi makapaniwala ang iba sa mga napapanood. Ang kanilang luha ay timigil at nakatitig lang sa mga nangyayare sa entablado.
Pulang pula na ang muka ni Macky dahil sa pagsakal at lumalabas na rin yung mga ugat nito sa noo. Hindi nila alam ang gagawin.
"Tulungan natin si Jasmine!!" Sigaw ni Hellena dahil hindi na tumigil ang paghila dito sa kanya. Kakagaling lang sa panget na sitwasyon ni Jasmine at ganito naman ang nangyayare sa kanya ngayon.
Tinulungan ni Hellena, Francheska at Paulo si Jasmine na hinihila na talaga pataas. Sabay si Mark, Fatima at Luis at tinatalon talon naman si Macky para maabot ito.Umuubo na ito dahil sa pagsakal nito sa sarili.
"Sumampa ka sa balikat ko Fatima!" Sabi ni Paulo kay Fatima.
"Ano ka ba ayoko nga!" Medyo nahihiyang sabi naman sa kanya ni Fatima.
"Ano, ikaw nalang Mark!" Sabi naman ni Paulo kay Mark at agad naman nitong sumampa sa balikat nito para maabot nila si Macky. Kahit na medyo mabigat si Mark ay pinilit parin ni Paulo na buhatin ito. Tila nag papanik na ang lahat sa mga nangyayare sa kanila.
Wala mang kumontrol sa katawan ng lahat, may mga ka myembro naman sila na parang may sariling pag-iisip ang mga katawan. Ang kanila nalang gagawin ay tumulong para walang mamatay muli sa kanila.
Nahawakan na ni Mark yung paa nito at hinila. Ngunit sadyang mabigat ito kaya hindi niya pa mahila ng buong lakas.
Hindi kalaunan ay nahila niya ito ng bahagya pero yung paa naman ni Macky at nag tatadyak tadyak kaya na tadyakan ang muka ni Mark at nawalan ng balanse si Paulo kaya natumba silang dalawa.
"Aray!" Sabi ni Mark na nakahawak sa ilong nito na nagdudugo dahil sa pag tadyak sa kanya.
"Mag ingat ka Mark!" Sigaw sa kanya ng nobya na nanonood lang sa kanila. Paminsan minsan ay tinatakpan ni Mailene ang mata niya upang hindi na mapanood ang kakaibang nangyayare.Maya-maya pa ay nahulog na sila Jasmine at Macky. Si Macky ay wala ng malay samantalang si Jasmine naman ay nasaktan sa pagkakahulog.
Agad na nag silapitan ang lahat kay Macky at Jasmine.
"Macky!" Gising sa kanya ni Paulo pero hindi ito nagigising.
Hindi na makapag salita pa ang kaibigang si Troy dahil parang naulit na naman sa kanya ang nangyare noong si Polo ang namatay. Hindi lang tumitigil ang luha niya habang nakaupo siya at nakatitig sa mga nasa entablado.