Frances P.o.v
Buti nalang makakaalis na kami sa lugar na'to.
Magkatabi kami ngayon ni Acun sa upuan at nasa harap naman namin sila Joy. Buti nalang ligtas sila at walang nangyareng masama sa kanila.
Pero inaalala ko sila Kim. Baka may nangyare ng masama sa kanila.
Tumingin ako sa mga taong nandito sa loob ng mini bus. Nakayuko di Hellena."Hellena, nasan na pala si Jasmine?" Tanong ko dito, nung tumingin siya sakin namamaga na yung mata niya.
"Wala na siya eh" garalgal na sagot niya sakin.
Sa tatlong magkakaibigan siya lang yung naligtas?
"Si Francheska nakita mo ba?" Hinawakan niya yung Kamay ko at kitang talaga sa muka niya na umaasa parin na buhay pa yung kaibigan niya. Sasabihin ko ba sa kanya na nakain ng halimaw si Francheska?
Siguro hindi muna kasi baka manghina siya pag nalaman niya.
Umiling nalang ako sa kanya bilang sagot. Umiwas na ko ng tingin sa kanya at tumingin nalang sa bintana.
Umikot yung sasakyan na sinasakyan namin.
"Kuya wait! Bakit niyo po inikot?" Tanong ni Johnloyd sa lalaking nag dadrive.
"Ahh.. nakalimutan kasi namin yung isang tent" sagot sa kanya ng babaeng nasa likod ng driver. Asawa niya yata yun.
"Ganon po ba?" - Johnloyd.
"Alam niyo ba mga bakla? Nasa bicol pala tayo" sabi samin ni Johnloyd.
Huh? Bicol to?
"Seryoso ba?" Tanong ko kay Johnloyd.
"Oo nasa bicol tayo, ang layo pala ng binyahe natin hindi natin napansin" sagot niya naman.
"Ahh! Basta ang daming nakakatakot na nangyare satin! Buti nalang ligtas na tayo ngayon" wika naman ni Maika na katabi niya na mukang lamig na lamig parin. Ang lamig ba naman kasi dito eh.
Pagsabi naman ni Mailene nun hindi ko sinasadyang makita yung itsura ng babaeng nasa likod ng nag dadrive. Bahagya kasi tong ngumiti at tumingin kay Maika.
Joy P.o.v
Ligtas na rin kami sa wakas ngayon!
Ligtas narin si Frances kaya nakahinga narin ako ng maayos. Hindi ako makapaniwala may ganong mangyayare samin. Hindi ko yun makakalimutan lahat lahat! Nakatatak na yun sa puso ko at sana yung Rosana na may gawa nun samin ay mabigyan ng leksyon. Madami siyang pinatay sa mga kasamahan namin at hindi yun pwedeng patawarin.
"Bakit po tayo huminto?" Tanong ni Johnloyd na tumingin sa bintana.
Katabi ko ngayon si Jason na tumingin din sa bintana.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong nya.
Ano bang meron? Lumapit ako sa bintana at sinilip. May maliit na garahe yata ng sasakyan yun.
"Pre dito na kami" sabi nung lalaki sa kausap niya sa cellphone.
"Anong ibig sabihin nito?" Tumayo si Jason at pati narin ang iba dito. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Masama na yung kutob ko.
Maya maya pa ay may pumasok nang lalaking may Tattoo.
"Saglit ikaw yung.." napalingon ako kay Frances.
May linabas siyang pang spray, yung ibang tumulong samin nag suot ng mask maliban lang samin.
*Shhhhhh