Macky P.o.v
"TULONG.... SI GRACE NANDUN.." sabi ni Maika na hingal na hingal.
Pabangon palang sana kaming dalawa ni Macky nang bigla siyang dumating, naghahabol ng hininga.
Nagising lahat ng mga kasama namin dahil sa sigaw niya.
"Anong nangyare?!" Tanong ni Kim na mukang naalimpungatan. Turo lang ng turo si Maika doon sa labas.
"Samahan niyo.. ako.. haa" tumakbo muli siya papunta sa labas kaya agad namin siyang sinundan.
"Saglit Macky saan ka pupunta?" Napatingin ako sa likuran ko ng may babaeng pumigil sakin. Si Grace na nakatayo at hawak yung braso ko."Akala ko may nangyaring masama sayo" nakahinga ako ng maluwag.
"San ba sila pupunta?" Tanong niya sabay tingin sa mga kasama kong patungo dun. Liningon ko naman yung mga kasama naming nagsisitakbuhan.
"Ahh kala kasi nila may nangya-"
"Grace?"
Nawala siya sa harap ko, saan na ba nagpunta yun?
"Bilis!!" Sigaw ni Johnloyd, buhat buhat na nila ngayon si Grace na kanina kausap ko lang.
Kinilabutan ako sa nakita ko kanina.
Kanina nandito lang siya sa harapan ko ngayon wala na at hawak pa siya ng mga kasama namin.
Agad nilang hiniga si Grace sa may kutson dito sa may kwartong tinulugan namin.
"Bilis gising niyo siya" nanginginig na boses na sabi ni Johnloyd sa mga may hawak dito.Bakit kaya nakita siya kanina? Siguro namamalikmata lang ako.
"Grace" tinapik tapik ni Polo yung muka nito dahil nakapikit parin.
"Huminga pa naman siya" sabi ulit ni Johnloyd."Dumilat na mata niya bakla!" Sabi ni Maika kay Johnloyd na may paghampas pa ng likod nito.
"Okay lang ako" bumangon na agad si Grace na nakangiti at tumingin sakin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nung tinignan niya ko. Nakangiti pa siya talaga sakin.
Third Person P.o.v
Maaga na at agad na at nagsigising na ang iba sa kanila. Yung iba naman ay halos hindi na nakatulog matapos yung nangyare kay Grace. Nakaupo lang sila doon at parang walang gustong lumabas sa silid.
"Pumuntan na kayong lahat tanghalan.."
Boses ng babae na nanggaling sa bawat speaker na nakakabit sa iba't ibang lugar doon.
"Ano yun?" Tanong ni Luis na agad na bumangon sa pagkakahiga.
"May mga speaker palang nakakabit dito? Tanong naman ni Jan.
"Baka may camera din, baka reality show to?" Sabi naman ni Mailene na tumingin tiingin sa paligid.
"Baka nga Luv" sabi naman sa kanya ng katabi niya na si Mark. Mag iisang taon na silang mag nobyo.
"Meron nalang kayong limang minuto para pumunta dito"
Sabi muli nito.
"Tara na" mahinang boses na anyaya ni Fatima sa mga kaibigang sila Kim, Eulla at Wendy. Maging sila ay kinakabahan sa maaring mangyare sa kanila.
"Let's go" anyaya naman ni Johnloyd sa mga kasama at pinaunahan na ang lakad.
"Pero nagugutom pa ko" wika naman ni Shaina.
"Ano to?!" Itinaas ni Troy ang braso at ipinakita sa mga kasama at nakalagay sa braso niya. Isang bakal na relo na may count down na limang minuto.
Meron nalang itong 3:58 minutes para pumunta doon sa Tanghalan.