Chapter 57- Borrow

13 1 0
                                    

Frances P.o.v

Wala na kaming mga tali sa kamay at sa paa. Kaya habang marami paring insektong nag sisiliparan ay tumayo na kami at naghanap ng malalabasan dito. Kailangang hindi masayang yung pag takas namin kaya kailangan naming kumilos at makaalis.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit may ganoong nangyayare kay Troy. Nung kinuha kasi siya ni Rosana at dinala sa bilog na ginuhit niya mismo gamit ang dugo ni Luis. May ganoon nang nangyare sa kanya.

Naawa ako pero dapat hindi ganoon ang nararamdaman ko dahil baka mapanghihinaan ako ng loob. Kailangan na talaga naming makaligtas hanggat may mga lakas pa kami kahit papano.

"Hmm!!" Napatingin kami kay Kim na nagwawala at nakahiga parin. Wala kasing nagtanggal ng mga tali niya sa paa at kamay kaya lumapit ako sa kanya para tanggalin yung tapal niya sa bibig.

Sinunod ko naman yung mga tali niya sa kamay..

"TUMATAKAS SILA!!" Hindi ko pa siya tapos kalasan ay sumigaw siya ng pagkalakas lakas kaya nakuha namin ang atensyon ni Rosana na masayang pinapanood si Troy. Lumingon siya samin at dahan-dahang lumapit.

Bakit ka naman nagsusumbong Kim?! Tatakas nga tayo habang may pagkakataon pa!

*Boogshh

"Tara na!" Hinila ni Acun yung kamay ko papalabas sa Lugar. May nagsisipasukan naring mga insekto da loob ng damit ko kaya hindi ako makatakbo ng maayos.

Pwinersa na nila yung yerong pader dito  kaya nasugatan yung iba doon sa pagmamadali. Pati narin ako ay nagiwaan ng yero sa bandang binti.

Gabi na naman pala talaga, isang buong araw kaming walang kain kaya kumakalam na yung sikmura ko. Patuloy paring hinihila ni Acun yung braso ko kahit na matamlay na yung mga tuhod ko dahil sa gutom.

Lumingon ako..

Nakita ko yung dalawang kasamahan ni Rosana na ang bilis ng pagtakbo at hinahabol kami. Wala na bang katapusang habulan ang mangayayare samin dito? Ang gusto ko lang naman ay makaalis na sa lugar na'to. Pero parang hindi naman yun yung nangyayare.

Ramdam ko na yung kabog ng dibdib ko sa kaba at takot na nararamdaman. Pero sa paulit ulit na nangyayare to parang hindi na ko masyadong tinatablan. Nagugutom ako, oo ayon ang tamang salita na nababagay sa nararamdaman ko ngayon.

Magkakasama parin kaming tumatakbo at wala ni isa saming humihiwalay. Naalala ko na hindi na pala namin kasama ngayon si Kim dahil naiwan siya don, silang dalawa ni Troy na hindi ko alam kung si Troy ay buhay pa ba sa mga nangyare sa kanya.

Takbo

Takbo

Troy P.o.v

Hindi ko alam kung anong nangyayare sakin. Sumakit lang bigla yung tyan ko na parang may mga laman sa loob. Napapansin ko rin na lumolobo na siya.

Nalaman pa ng mga kasamahan ko na ako talaga yung pumatay kay Kisha, hindi ko namnan yun ginusto. Nakahiga nalang ako sa gitna ng bilog na'to at nakapikit na sa sakit na nararamdaman.

*Boogshh

Dumilat ako para makita kung ano ba ang bumagsak na iyon. Kahit na maraming insektong palipad lipad ay na kita ko parin sila na tumatakbo na papalayo dito. Sinira nila yung pader na yero sa barong baro na to.

Bakit hindi nila ako sinama? Deserve kong makaligtas dito at ayoko pang mamatay!

Hindi dapat ako nasa ganitong sitwasyon.

"Buaaa!!" Nagsuka na naman ako ng dugong may kasamang insekto. Hindi ko na maintindihan kung anong nangyayare sa katawan ko ngayon. Namimilipit na rin ako sa sobrang sakit.

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon