Hellena P.o.v
Nasaan na ba si Jasmine?
"Nakita mo na sya?" Tanong sakin ni Francheska, naghiwalay kasi kami kanina para hanapin si Jasmine pero ngayon lang kami nagkasalubong.
"Hindi ko nga makita eh" sagot ko naman sa kanya.
Nasaan na kaya yun? Kanina pa kami naghahanap sa kanya hanggang ngayon hindi namin siya makita.
"Hellena!" Tawag samin ng babae sa likod. Si Frances pala at si Joy, kanina nakasalubong namin sila at tinulungan kaming hanapin si Jasmine.
"Nakita niyo na?" Tanong ko sa kanila.
Umiling naman si Frances.
Nasaan naman kaya yun?
"Nandito siya!" Sigaw ng lalaki sa may bandang booth ng school supplies.
"Nanghingi din kami ng tulong sa kanila" wika ni Joy, agad naman kaming tumakbo papunta sa kanila.
"Wala siyang malay!" Sabi ni Acun habang hawak niya ang katawan nitong wala ngang malay.
"Oyy!" Hinawakan naman siya ni Francheska.
"Jasmine gising!" Sabi ko naman at hinawakan yung kamay niya at marahang hinilot. Ano ba naman kasing pinaggagawa niya dito?
Inilapit ko yung daliri ko sa ilong niya para malaman kung humihinga pa siya. Humihinga naman siya at wala naman siyang kahit anong sugat sa katawan.
Pero?
"Ano to?" Wika ni Francheska na itinuro yung Paa niya na may parang bakat ng inulingan na kamay.
"B-bakit parang kamay siya?" Tanong ko dito.
"Oo nga" sabi naman ni Joy.
"Mabuti pa dalin nalang natin siya sa may Center dito" sabi ni Jason at tinulungan naman kaming buhatin na si Jasmine.
"Hala bakla anong nangyare sa kanya?" Tanong samin ni Johnloyd na kakalabas lang sa mini restaurant kasama niya sila Kisha.
"Basta" sabi ko lang at tumungo na kami ng Center. Buti nalang ay may isang higaan dito kaya agad namin siyang hiniga doon.
Joy P.o.v
"Bakla anong nangyare dun?" Tanong sakin ni Johnloyd, hindi na kasi kami pumasok pa sa Center kasi hindi pa rin kami kumakain at medyo madami kami baka ma suffocate lang si Jasmine dun.
"Diba nawala siya kanina?" Sagot ko dito at hinila na si Frances. Hindi kami naghihiwalay ni Frances kasi ayaw naming mawala yung isa't isa. Kung pwede nga lang ibulsa ko na siya eh, pero mas matapang pa sakin si Frances kaya mukang siya pa yung mag bubulsa sakin.
"So? Anong nangayare?" Tanong naman ni Maika.
"Nahimatay siya eh, may nakita pa nga kaming uling sa bandang paa niya" sagot naman sa kanya ni Frances.
"Legit ba yan?" Tanong ulit ni Johnloyd.
"Oo naman tingin mo sakin nagloloko?" - Frances.
"Tapos na kayo kumain?" Tanong ko sa kanila.
"Hmm, oo kanina pa namin kayo hinihintay pero di pa kayo dumadating kaya kumain na kami"- Kisha.
"Samahan niyo nalang kami" ani ko sa kanila at tumungo na sa may kainan. Ang bango na naman ng amoy, lagi nalang may bagong luto dito pero hindi namin alam kung sino yung nagluluto. No choice naman kami kasi wala naman nang ibang makakain dito.
Nag sandok na kami ni Frances ng pagkain at umupo sa may malaking table para magkasya kami.
"Hmm, may sasabihin pala ako sa inyo" wika bigla ni Frances habang may laman pa yung bibig.