Chapter 47- Escape

17 3 4
                                        

Pag pasok nila sa loob muli nilang nakita ang mga kalansay sa dadaanan nila.

"Wag kayong gagawa ng kahit na anong ingay" pabulong na sabi ni Acun sa mga kasamahan. Dahil mainit sa loob mabilis pagpawisan ang mga ito.

"Hmmp" napahawak si Grace sa bibig nang makita ang mga kalansay. Pinipigilan niyang mapatili o makagawa ng kahit anong ingay dahil ayon ang sabi sa kanila ni Acun.

Sa kanan na pinagdaanan nila noong huling pumunta sila don ay may mahabang daan parin para makapunta sa pinanggagalingan nila Rosana. Sa kaliwa naman ay ang daan para makalabas sila sa lugar pero hindi naman sila sigurado kung mahabang lakaran pa iyon.

Nawala narin sa isip nila ang sinabi sa kanilang may malaking halimaw na nakakulong banda doon dahil ang iniisip nalang nila ay makalabas sa lugar na yon.

Sinipa na ni Acun ang manipis na pader sa kaliwa. Dahan dahan niya lang iyong ginawa dahil alam niya na maaring gumuho ang lugar kung masyado niyang lalakasan.

Tumulong narin ang iba sa kanila. Kahit na kumikirot parin ang dila ni Clark ay tumutulong parin siya sa abot ng kanyang makakaya.

Samantala ang iba naman ay pinapanood lang sila hanggang sa gumuho na ang pader.

"Tara na" anyaya ni Acun sa kanila.

Agad naman silang dumaan doon kahit na natatakot ang iba. Isang malawak na daan na naman ang nakita nila pa deretso.

"Natatakot na ko" sabi ni Francheska na nakakapit ang braso sa kaibigang si Jasmine.

"Ang init na dito, na su-suffocate na yata ako" sabi naman ni Maika na panay ang paypay gamit ang kamay. Mainit kasi sa  lugar lalo na't may dala pa silang mga kandila.

Johnloyd P.o.v

Ang haba na ng linalakad namin at naiinitan narin ako.

*Ting ting

"Ano to?!" Tanong ko sa kanila dahil nagsi ilaw ng pula ang mga relo namin at tumunog ng pagkalakas lakas, parang biglang dumagundong yung tunog.

*Dugdugdugdugdug

Lumingon kami sa likod dahil may narinig kaming mga yabag ng paa.

Inilapit ko pa ng onti yung hawak kong kandila na malapit ng maubos.
"Omaygad!! May humahabol satin!" Sabi ni Jasmine na agad nang tumakbo paabante.

"Halika na bakla!" Sabi ko kay Maika at hinila yung kamay niya para makatakbo, hindi na yata siya makagalaw sa takot.

"Bilisan niyo!!" Narinig kong sabi ni Acun samin kaya mas lalo naming binilisan ang pagtakbo. Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang nanghihina na yung mga tuhod ko dahil sa mga naka hood na nanghahabol samin.

Wala naring sindi ang mga kandilang hawak namin dahil sa pagtakbo. Kaya ang dilim na ng paligid.

"Takbo lang!" Sabi ko kay Maika na halos makaladkad ko na.

Lumiko sila sa kaliwa dahil siguro may daanan din dun kaya sumunod lang din kami sa kanila pero pag liko namin wala na kong makita, puro dilim nalang at wala na rin akong naririnig. Mukang katapusan na yata namin to!

Kumapa ako sa mga gilid gilid at may nakapa akong paloob kaya hinila ko doon si Maika at nagtago kami sa loob nun. Tinakpan ko yung bibig niya para hindi kami marinig ng mga ito.

Hindi na ko makahinga ng maayos dahil bukod sa wala na ngang hangin dito ang init init pa tapos pawis na pawis pa kami ngayon.

Naririnig ko nang papunta sila dito.

Potek kasi tong baklang to nagpahila pa grabe tuloy ang pagod ko sa kanya. Magkaharap kami ngayon ni Maika sa makipot na taguan na'to at hawak ko yung bibig niya. Ramdam ko yung hinga niyang sobrang lalim na kaya naaamoy ko rin yung bunganga niyang parang imbornal! Hindi ba to nag tu- toothbrush?

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon