Third Person P.o.v
"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ni Francheska kay Hellena na kakadating lang sa Clinic kung nasaan ang dalawa niyang kaibigan. Binantayan kasi ni Francheska si Jasmine dahil hindi parin ito nagigising.
"Ang creepy nga kasi" sabi naman sa kanya ni Hellena at tumingin kay Jasmine.
Ikinukwento nito ang nangyare sa kanya, magmula nung sinundan siya ni Troy sa loob ng banyo ng mga babae hanggang sa tawa ni Grace sa dulo ng banyo.
"You mean? Tumawa bigla si Grace?" Tanong sa kanya ni Francheska.
"Oo nga! Pero mas creepy parin nung sinundan ako ni Troy sa loob" sabi naman sa kanya ni Hellena.
"Nabaliw na yata si Grace sa nangyayare satin ngayon" ani ni Francheska.
"Nababaliw narin nga yata ako eh"-Hellena
Tumingin sila kay Jasmine na gumagalaw ang paa, na animo'y may tinatanggal dito.
"Aaahh!!" Sigaw ni Jasmine na ikinagulat ng dalawang mag kaibigan.
"Jasmine!!" Uyog sa kanya ni Hellena na katabi niyang nakaupo.
"Aahh!" Napabangon si Jasmine at naghahabol ng hininga.
"Anong nangyare? Okay ka lang ba?" Tanong ni Francheska sa kanya.
"Haaa.. haaa" hindi niya ito pinansin at tumingin sa paa. Nandito parin yung bakas ng parang kamay na may grasa na humawak sa kanya nung nagtago siya.
"Nagtataka din kami kung bakit ka may ganyan" sabi sa kanya ni Hellena. Nag-aalala ang mga ito sa kaibigan dahil sa nangyare dito.
"Hindi kaya? May multo din dito?" Tanong bigla sa kanila ni Jasmine na paos ang boses kaya agad binigyan ni Hellena ang kaibigan ng baso ng tubig para inumin."Ganyan din yung hinala ko nung may narinig akong tawa eh" wika nito habang inaabot sa kanya yung tubig. Agad naman nitong ininom at ipinagpatuloy yung kwento.
"Hindi kayo maniniwala na muntik na kong mahuli" panimula ni Jasmine. Nag-aabang lang sa kanya ang mga kaibigan sa susunod niyang ikukwento.
"Nag tago ako doon sa ilalim ng lamesa kung saan nakapatong yung printer, pero may biglang humawak sa paa ko. Nung tinignan ko grabe! Sunog na kamay yung kumapit sa paa ko at hinila pa ko kaya akala ko nakita na ko, ayan ang patunay na hindi ako nag sisinungaling" itinaas niya yung paa niya para ipakita sa mga kaibigan.
"Oo nakita namin" wika naman sa kanya ni Francheska.
"Nga pala, sino pala yung nahuli?" Malungkot na tanong niya dito.
"Si Jan Billie Reyes" malungkot din na sa sagot ni Francheska.
"A-anong ginawa sa kanya?" Tanong nitong muli.
"Hindi ko kayang sabihin, sabihin mo nga Hellena" wika ni Francheska.
"Binuhusan siya ng asido yata yun" sabi naman sa kanya ni Hellena.
Samantala, naka upo naman ang grupo nila Clark at nakapalibot sa kwarto kung saan sila lahat ngayon natutulog.
"Hindi ko na yata kaya to" napahawak si Jason sa ulo habang piniproblema kung ano ba ang mangyayare sa kanila sa susunod.
"Parang gusto ko na lang magpatiwakal hahahaha" pabiro pero totoong sabi naman ni Paulo.
"Ano ba kayo? Hindi dapat pumapasok sa isip natin yan" sabi ni Acun sa kanila.
"Sa tingin ko, lahat tayo mamatay dito kasi diba isa lang mananalo sa larong to?" Sabi naman ni Tristan sa kanila. Hindi nagkakamali si Tristan dahil totoo naman na isa lang ang tatanghaling panalo sa kanila.