Chapter 27- Trust

28 2 10
                                    

Mailene P.o.v

"Pero bakit mo naman yun ginawa?!" Galit na tanong ni Francheska kay Troy.

Hindi ko alam kung anong nangyayare sa kanila ngayon. Buong hapon lang akong nasa-

Kapag naaalala ko yun nahihiya ako sa sarili ko. Mali tong ginagawa namin pero hindi ko alam yung nararamdaman ko ngayon parang mas nararamdaman ko kay Luis yung proteksyon na dapat kay Mark ko nararamdaman sa mga ganitong sitwasyon. Pero maling mali, dahil dapat hindi ginito yung nararamdaman ko ngayon.

"Hindi ko alam ang ginagawa ko" napatingin ako kay Troy na mukang nagsisisi sa mga sinasabi nito. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila pero ang narinig ko kanina ay tinangkaan ni Troy gahasain si Hellena.

"Paanong hindi mo sinasadya yun?!" Biglang tumayo si Hellena sa pagkakaupo niya at nagsisimula nang umiyak. Naaawa ako sa kanya dahil ganon ang nangyare sa kanya.

"Binaboy mo yung katawan ko! Hinawakan mo yung dibdib ko!" Galit na ito at ipinagtatanggol na ang sarili. Gusto ko ring magsalita pero sino ba naman ako para magsalita? May nagawa rin akong kasalanan.

"Be" pinakalma nila Jasmine ang kaibigan nila. Napatingin ako sa orasan, malapit na ring mag 11:00pm.

"Dahil ba wala si Mommy para sayo kaya ako yung ginaganito mo?!" Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Hellena. Mommy niya? Diba teacher ang Mommy niya?

Alam ko sa school namin may kumakalat na  chismis. Si Ma'am Sardosa daw ay may jowang estyudante sa school namin. Wag niyang sabihin na si Troy yun?

Tumingin kami kay Troy na mukang nagulat  sa sinabi nito.

Siya ba yung sinasabi nilang kabet ni ma'am?

"Bat mo alam yan?" Tanong sa kanya ni Troy.

"Bakit? Akala mo ba hindi ko alam? Mommy ko yun at iba ako sa kanya!" sagot naman sa kanya ni Hellena. Nagpapatuloy na naman yung iyak nito, bakit ba parati nalang iyak yung  nangyayare samin dito?

"Binalak mo ko gahasain" patuloy paring umaagos ang mga luha niya.

Gahasain?

Naalala ko yung nangyare samin.

Hindi ko naman ginusto yun pero bakit parang hindi ako nagsisisi sa mga nangyare?

Flashback

Naglalakad ako papunta sa mga school supplies, hinahanap ko si Mark dahil hindi ko siya makita. Magdidilim narin ang paligid. Saan na kaya nagpunta yun?

"Mailene" napatingin ako sa tumawag sakin sa may bandang gilid. Medyo madilim narin doon kaya hindi ko siya makita ng maayos.
"Sino yan?" Tanong ko at naglakad ako papalapit doon. Mamaya kasi si Mark lang yun at binabalak akong taguan, pero hindi siya boses ni Mark.

Malapit na ko sa taong tumawag sakin nang bigla niya kong hinila at yinakap ng mahigpit. Nararamdaman ko yung kabog ng dibdib niya na parang may gustong sabihin.

"Luis?" Pero bago pa ko magsalitang muli ay linapat niya yung labi niya sakin. Sa sobrang gulat ko natulak ko siya.
"Luis" nasabi ko nalang pero tinulak niya rin ako hanggang sa mapasandal ako sa pader dito.

Hindi ko alam pero napapaganti ako ng halik sa kanya hanggang sa nakawak na siya sa waist ko at yung kaliwang kamay niya sa leeg ko. Tumigil siya saglit at ipinagdikit ang mga noo namin.

"Mali to Luis" tumingin ako sa ibang lugar, pero yung katawan ko parang ayaw umalis.

"Ngayon lang huh?" sabi niya sakin at hinalikan na naman ako ng sobrang lalim. Hindi na ko makahinga sa ginagawa niya pero nakalimutan ko lahat ng problema ko, namin dahil sa halik na ibinigay niya.

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon