Frances P.o.v
Kasama namin ngayon sila Luis at Mailene na nagalalakad lakad. Buti nalang may hawak akong lighter para mag silbing ilaw namin dito.
"Pagod na talaga ako" sabi ni Mailene.
"Kaya natin to onting push nalang" sabi ko naman sa kanya.
May nakita kaming maliit na butas sa gilid kaya agad namin itong pinuntahan.
"Ito na yata yung daan" sabi ni Troy.
Piling ko hindi ito yung daan at aksidente lang na may butas, pero okay narin to ang mahalaga ay makaalis na kami dito.
Sinimulan na namin itong hataw hatawin ng dahan dahan. Baka kasi gumuho yung lugar kapag sobra naming pinukpok. Wala pa naman mga pundasyon dito.
"Makakalabas narin tayo" sabi ni Mailene.
Naka gawa na kami ng maliit na butas na kasya naman siguro kami. Medyo mahirap kasi siyang tanggalin kasi medyo makapal to at gustong gusto na namin lumabas, kaya ayos na'to.
Unang lumabas si Kim at sumunod naman ako sa kanya.
*Dug dug dug dug
Nung nasa labas na kami ni Kim narinig na naman namin yung mga yabag ng halimaw at mas pinabilis pa ito.
"Umalis na tayo Frances!" Anyaya sakin ni Kim pero hindi ko naman pwedeng basta basta nalang iwan sila Mailene dun. Mapapatay ako ng kunsensya ko kung ganon.
"Saglit lang to tulungan na natin sila" Hinawakan ko yung kamay ni Mailene at hinila iyon palabas sa ginawa naming daan.
"Bilis!!" Natataranta na si Kim. Pati ako natataranta narin, sabayan pa ng malakas na ulan dito. Naka sports bra nalang pa naman din ako kaya dumoble yung lamig. Ang init sa loob tas biglang lamig baka magkasakit ako nito.
Si Luis naman yung hinila namin ni Mailene at agad naman namin siyang nahila dahil dalawa kaming nagtulong. Nakatingin lang si Kim samin sa gilid at natataranta.
Last one.
Hinila namin si Troy palabas pero nakakalahati palang yung katawan niya may humila sa kanya sa loob.
"Hila pa!" Sabi ko sa kanila at muli namin siyang hinila.
"Tara na!!" Sabi ni Troy na nauna pa sa pagtakbo nang nakalabas na siya. Sumunod nalang kami sa kanya.
Ang lamig na sobra dito at nangangatog na yung katawan ko sa lamig. Pero tumatakbo parin kami papalayo doon. Syempre importante parin na makalayo kami.
"Haaa hindi ko na talaga kaya" sabi ni Mailene at humawak sa dibdib. Tumigil na kami sa pagtakbo dahil wala na namang humahabol samin.
Alam kong gagabayan kami ng Panginoon para ligtas na makaalis dito. Lord sana po kung nasan man yung iba kong kasama, wag niyo po silang pabayaan.
Third Person P.o.v
Hinila ni Hellena si Jasmine pahiga sa may balat ng saging. Umiiyak parin siya habang ginagawa niya iyon, ayaw niya naman kasing iwan nalang basta basta ang katawan nito.
"Jasmine gising ka ba?" Umaasa pa siya na baka buhay pa si Jasmine na kahit hindi na naman talaga ito buhay.
"Hellena" habang inaayos ni Hellena yung bangkay ng kaibigan napatingin siya sa babaeng tumawag sa kanya sa likod. Si Wendy pala na kakalabas lang sa lagusan. Kahit na malakas ang ulan kita parin ang pag iyak niya.
"Anong nangyare sa kanya?" Lumapit ito sa kanila at tumingin kay Jasmine na wala nang buhay.
"Patay na siya" tinakpan na nya ang muka niya at humagulgol ng iyak. Inayos na muli ni Hellena ang pagkakahiga ni Jasmine at kumuha pa ng bulaklak sa tabi tabi at inilagay sa dibdib ni Jasmine.
