Chapter 26- Gather

20 2 3
                                        

Third Person P.o.v

"Anong nangyare sa kanya?!" Tanong nila Hellena na galing sa ibang kwarto. Narinig kasi ng mga ito ang sigaw na nanggagaling dito.

"Si Maika ba yan?" Tanong naman ni Jasmine pero walang sumasagot sa kanya.

Sinubukan ni Johnloyd na talunin ang kaibigan.

"Saglit lang Maika" sabi nito at tatalunin na sana siya pero may biglang nagbato sa kanya ng mga gamit gamit na nasa silid.

"Awch" sabi niya nang napukol siya sa noo.

Maya-maya pa ay nahulog na si Maika.

"Aray!" Wika nito nang sumalampak yung likod sa sahig.

"Okay ka lang ba bakla?" Tanong ni Johnloyd kay Maika.
"Oo, okay lang ako" sagot ni Maika sa kanya.

Lumabas na silang lahat sa kwarto at pumunta sa kwarto ng mga babae. Kasama din nila si Johnloyd na inaalalayan si Maika.  Meron itong natamong sugat sa siko.

"Bakit ganon ba ang nangyare?" Tanong ni Frances kay Maika.

"Hindi ko alam, may sunog na babae akong nakita. Nung una muka siya ni Kisha pero naging kakaiba na yung itsura niya" sagot naman nito.

"Ah parang yung nakita kong kamay na sunog" sabi naman ni Jasmine sa kanila na nakaupo sa lapag. Yung iba ay natatakot na sa mga nangyare kanina lang.

"Sabi ko naman kasi sa inyo, hindi lang si Rosana ang kalaban niyo dito" mahinahon pa na sabi ni Grace na nakaupo sa isang kama sa loob ng Girls room.

"Isa pa tong si Grace, dinadagdagan pa yung takot namin" ani ni Eulla.

"Baliw na yan wag niyo na pansinin" insultong sabi naman ni Kim sa kanila.

"Bakit ba hindi natin siya tanungin, malay mo may alam yan sa nangyayare satin ngayon diba" - Frances.

"Wala yang alam pwede ba?" - Fatima.

"Ikaw? Pwede bang tumahimik ka nalang?" Pagtataray sa kanya ni Johnloyd.

"Bakit madilim yung kwarto nating lahat?" Tanong ni Acun na hindi pa pumapasok sa room ng mga babae. Kasama niya rin ang ibang kaibigan at nagising na rin si Troy na may benda pa sa ulo at kasama rin nila.

Acun P.o.v

"Hindi ko alam yung nangyare" sabi ni Troy na parang pinipilit isipin yung nangyare.

Hindi ko alam kung bakit ang lakas pa ng loob niyang tumanggi eh meron na ngang witness.

"Mag sabi ka na ng totoo" sabi naman sa kanya ni Tristan at hinawakan pa ito sa kwelyo.

"Ano ba pre? Kausapin muna natin ng maayos" pag pipigil sa kanya ni Paulo.
Dapat sa ganitong sitwasyon hindi na siya tumatanggi kasi kawawa ang mga babae at baka kami rin ay hindi na pagkatiwalaan.

"Hindi talaga ako yun, hindi ko alam yung nangyare" sabi ulit nito.

Biglang may nagbukas ng pinto at pumasok si Kisha.

"Anong hindi mo alam? Ikaw ang nakita kong nakapatong kay Hellena" sabi naman ni Kisha.

Oo tama. Siya ang nakakita kay Troy sa ginawa niya kay Hellena.

"May saksi sa nangyare kaya wag ka nang tumaggi Troy" - Clark

"Hindi ako yun, wala akong alam sa mga pinagsasabi niyo" umiiling pa ito. Kung titignan mo talaga siya parang nagsasabi siya ng totoo pero dapat hindi kami mahulog sa mga sinasabi niya kasi mamaya patibong lang yung arte niya samin.

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon