Chapter 5- Practice

55 3 5
                                    


Lahat sila ay nakatahimik at tila nag iisip sa mangyayari.

"Ano bang gagawin namin dito?" Medyo may nginig na tanong ni Jan.

"Magpakasaya na kayo ngayong araw na ito dahil bukas ay mag sisimula na ang inyong pag-arte. Ang script writter ay maaari ng gumawa ng isang kwento para bukas, maaari naring mag ensayo ang lahat ng mga kakanta, sasayaw at lalo na ang mga aarte. At ang mag aayos sa inyong kwento at pag-arte ay maaari naring aralin ang mga tao sa kwento. Meron lamang kayong isang oras para mag tanghal sa ating napaka gandang tanghalan. Nothing more, nothing less. Binibilangan ko kayo" sabi ng babae at nag lakad na ng dahan-dahan palabas. Rinig na rinig ang lagatok ng kanyang suot na sapatos.

Tila ay sumasakit ang ulo ng mga taga sulat ng script ng kwento na sina Tristan at si Mailene.
"Ano ng gagawin natin pre?" Tanong ni Tristan sa kaibigan niyang si Jason.

"Hindi ko rin alam pre, pero siguro kailangan na nating mag ensayo lahat" sagot nito.

"Ikaw ba si Tristan?" Tanong ni Mailene kay Tristan dahil hindi pa sila masyadong mag kakilala.
"Oo ako nga" sagot naman nito.

"Ako si Mailene, tayong dalawa ang taga gawa ng kwento" sabi ni Mailene kay Tristan.

"Ganon ba? Anong plano natin?" Tanong ni Tristan na tila blangko parin dahil sa sinabi ng babae kanina.

"Ganito nalang, ikaw ang gagawa ng buong kwento at ako nalang ang gagawa ng mga lines nila. Hindi tayo pwedeng mag hiwalay dahil baka magkamali tayong pareho" sabi ni Mailene.

"Sige tara na, sige pre mauuna na kami" pag papaalam ni Tristan sa kaibigan niyang si Jason.

"Be ano na ang gagawin natin nito? Na te-tense ako" tanong ni Joy sa kaibigan niyang si Frances.

"Hindi ko nga rin alam e, nabigla talaga ako sa nangyayari ngayon lang" halos utal na sabi ni Frances.

Frances P.o.v

Parang di ako makapaniwala sa mga kanina sa pinasukan naming tanghalan. Nakakagulat at nakakagulo ng isip, hindi ko alam kung anong gagawin namin.

"Frances" Tawag sakin ng lalaking nasa likod namin. Nasa maliit akong Mall at pansamantalang kumukuha ng notebook, lapis at iba pang kailangan para sa pag gawa na name plate para makilala ko silang lahat at mamukaan, wala si Joy kasi nakikipag kilala pa siya sa mga kapwa nyang aarte. Lumingon ako sa lalaking tumawag sakin.

"Hmm?" May hawak siyang bag at puno rin ito ng mga papel.

"Sino po sila?" Pormal kong pagtatanong sa lalaki.

"Ako si Facundo, yung magiging partner mo sa pag direct ng kwento" pagpapakilala niya sakin.

"Ahh, ganun ba? Name plate ba ang gagawin mo?" Tanong ko sa kanya sabay turo sa bag niya.

"Oo kikilalanin ko sila pero bago ko sila kilalanin yung partner ko muna syempre" sabi niya sabay ngiti sakin. Ano ba yan, nung ngumiti siya parang nahiya at natakot ako sa kanya. Hindi naman kasi ako sanay makipag usap sa mga lalaki eh, lalo na yung parang weird at may sariling mundo. Hindi naman sa judge mental ako pero ganon talaga yung tingin ko sa kanya eh.

"Ah hahaha sige ano nang plano natin" may pagka plastick kong tawa, syempre di naman talaga ako natawa.

"Yun na nga, gaya ng iniisip mo gagawan natin sila ng name tag para makabisado natin at makilala natin sila" ay iba itong lalaking to, bukod sa weird nakakabasa rin ng iniisip ng tao.

"Nabasa mo pala nasa isip ko" pabiro kong sabi sa kanya.

"Hindi ah, nahalata ko lang sa mga dala mo" sabi naman niya, ngumiti nalang ako sa kanya bilang pag sang-ayon.

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon