Mailene P.o.v
"Pumunta ang lahat sa tanghalan"
Anong ibig sabihin nun?
Akala ko ba tapos na ngayon? Dalawa na nga yung nawala ngayong araw wag niyang sabihin na may mangyayare na naming patayan ngayon?!
"Luv anong ibig sabihin nun?" Tanong ko kay Mark. Nakakapit ako sa kanya at nandito kami sa Park ngayon.
"Pumunta nalang tayo baka may mangyare pa satin kung hindi tayo susunod" sabi sakin ni Mark at hinila na ko para maglakad.
Tumungo na agad kami sa may Tanghalan nandoon narin yung iba. Umupo na kami sa bandang unahan ni Mark at magkatabi kami.
Pagkaupong pagkaupo namin may humarang na agad sa mga binti namin."Ano ba to?!" Iritadong tanong ni Troy.
Napatingin ako sa kaliwa ko dahil umupo doon si Luis at nakangiting nakatingin sakin habang paupo na siya.
"Hi Mailene" bati niya sakin pero iniwas ko lang yung tingin ko sa kanya.
Tumingin ako kay Mark na ngayon ay nakatitig sa stage. Naka sarado pa ang kurtina kaya hindi pa namin alam kung anong meron.
Naramdaman kong may humawak sa kaliwang kamay ko. Si Luis na mukang masaya na hawak yung kamay ko. Kinikilabutan ako sa kanya dahil inilapit niya payun sa muka niya at hinalikan.
"Luis! Ano bang ginagawa mo?!" Bulong na tanong ko sa kanya. Mamaya makita siya ni Mark sa mga pinagagagawa niya.
"Bakit Luv anong meron?" Napatingin ako kay Mark at tinignan niya si Luis na hawak yung kamay ko na hinahalikan nito.
"Pre ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Tanong sa kanya ni Mark, siguro kung wala lang kaming mga harang dito nasuntok na'to ni Mark.
"Pre mahal ko si Mailene!" Sabi nito."Anong mahal mahal? Magising ka nga sa kahibangan mo!" Sigaw sa kanya ni Mark. Ramdam na ramdam ko yung galit nito dahil hawak niya rin kung kabila kong kamay at medyo mahigpit yun.
Binibitaw ko yung kamay ko kay Luis pero ayaw niya kong bitawan. Nakukuha narin namin yung atensyon ng ibang kasamahan namin dito.
"Luis! Ano ba!?" Sigaw ko rin habang binibitaw parin yung kamay ko sa kanya.
"Humanda ka sakin" sabi ni Mark sa kanya.
Jasmine P.o.v
Bakit naman pinapunta na naman kami dito sa Tanghalan? May nakuha na samin diba? Hindi pa ba sapat yun para ipagpabukas nalang ito?
May mamatay na naman ba?
"Luis! Ano ba?" Napatingin ako sa bandang kaliwa. Hindi ko kasi sila makita dahil sa harang sa binti ko. Ano kayang nangyayare doon?
"Hellena anong nangyayare?" Tanong ko kay Hellena pero nag kibit balikat lang siya sakin.
Maya maya pa ay nagbukas na ang telang pula. Naka upo doon si Clark?
Bakit nandon si Clark? Nakatali yung kamay at paa niya dun pati narin yung leeg niya.
"Clark!" Rinig ko yung boses ni Paulo.
"Bakit siya nandyan anong nangyare?" Tanong naman ni Johnloyd.
May lumabas na naka-hoodie at may tulak tulak na roleta. Nakakatakot yung mga print na pictures na nakadikit dito.
"Parang may mamatay na naman" sabi ni Hellena. Katabi ko lang sila ni Francheska at pinapalagitnaan nila akong dalawa. Nagulat din sila sa nakita kasi ang buong akala namin okay na at wala nang mamatay pero mukang mali yung akala namin.