Chapter 50- Fall

17 2 0
                                        

Nakatago na sia Frances at nakalayo na sila sa halimaw. Pansamantala silang nagppapahinga para magkaroon na muli ng lakas para makatakbo kung sakaling may humabol muli sa kanila.

"Salamat sa pagtulong samin" sabi ni Frances na malungkot na nakatingin sa sahig. Naalala kasi nito kung paano kinain si Francheska ng halimaw na nakita nila.

"Nasan na pala si Francheska?" Tanong ni Kim sa kanya. Mas lalo tuloy siyang nalugmok dahil wala siyang nagawa para tulungan ang kasamahan.

"Nakain siya ng halimaw" nanginginig nitong sabi kay Kim.

"Una palang kasi dapat hindi na tayo tumuloy dito. Tignan niyo ang nangyare!" Galit na sabi ni Kim habang hinahampas pa nito ang sariling hita.

"Mas maganda narin na tinuloy natin to kasi kung hindi baka hindi ko na alam kung sino pa ang mapapatay ko" napatingin silang dalawa kay Troy kahit na madilim sa lugar.

"Mapapatay?" Tanong sa kanya ni Frances.

"Tutal nandito narin naman tayo aaminin ko na dahil hindi ko naman na kayang itago pa sakin yun" sabi ni Troy sa kanila.

"Ano?" Malakas na ang kutob ni Frances na may nagawa itong nakakatakot na bagay. Kaya hinintay nalang nila ang sasabihin nito.

"Ang totoo kasi nyan ako talaga ang nakapatay kay Kisha" nakayukong sabi ni Troy sa kanila.

Napahawak naman si Frances sa bibig niya.

"Alam niyo hindi ko naman gustong gawin yun parang may kumontrol lang sa katawan ko" Sabi muli ni Troy sa kanila. Akala niya dahil sa tinulungan niya ang mga ito ay ayos lang sa kanila kung malaman nila na may nagawa siyang kasalanan.

"Kalimutan niyo na lang yun, basta nasabi ko na yung gusto kong sabihin" parang wala lang sa kanya ang nangyare habang sinasabi niya yun.

"Pumatay ka ng tao" Sabi sa kanya ni Kim.

"Pero tinulungan ko naman kayo, kaya sana satin satin nalang yun" sabi naman sa kanya ni Troy. Sa oras na yun nalilito pa naman din si Troy at sumasakit ang ulo niya kakaisip kung saan ba ang pinto palabas doon.

Hindi nalang nagsalita pa si Frances dahil nahahalata na nito yung kinikilos ni Troy.

"May tao ba dyan?" Naputol ang pag-uusap nila nang may biglang mag salita na papalapit sa kanila.

"Oo" sagot sa kanya ni Frances at tumayo pa ito para buksan ang lighter na nakalagay sa bulsa niya.

"Mailene" tawag nya kay Mailene at magkasama pa sila ni Luis na papalapit sa kanila.
"May nanghahabol parin ba?" Tanong niya sa mga ito pero walang sumagot sa kanya at tumayo na lamang sila Kim.

"Tara na hanapin na natin yung daan palabas dito" anyaya ni Kim sa kanila at pinagpag ang pwet.

Nawala narin yung sakit ng paa niya sa pagkakatisod niya pero may mga sugat parin siya sa muka dahil nga nangudngod ito.

"Nasan na yung iba?" Tanong ni Mailene sa kanila.

"Hindi pa namin alam" sagot naman sa kanya ni Frances.

Kasama ni Mailene si Luis dahil pareho lang sila ng daan na tinahak noong nagkahiwahiwalay sila. Kaya itong si Luis ay hindi mapakali na kasama si Mailene, parang kahit anong oras ay hahagkan niya na si Mailene pero pinipigilan niya lang ang kanyang sarili dahil sa sitwasyon nila doon.

"Tara na umalis na at maglakad na" sabi naman sa kanila ni Troy kaya naglakad na sila para muling hanapin ang lagusan.

----

"Takbo!" Sigaw sa kanila ni Acun na kasalukuyan din tumatakbo. Hinahabol na naman sila ng mga naka hood at may mga patalim nang dala. Hinabol rin sila ni Rosana para wala talaga silang takas dito.

Tinatahak na nila ngayon ang kakahuyan. Maraming malalaking puno kaya magandang pagtaguan pero hindi sila makakuha ng magandang timing para magtago dahil hinahabol parin sila ng mga to.

Buti nalang ay nakapag paghinga sila kahit saglit kaya nagkaroon muli sila ng lakas para makatakbo.

"Hindi ko kayo titigilan" galit na galit na si Rosana habang hinahabol niya ang mga ito.

"Kahit saan kayo pumunta ma ta-track ko parin kayo dahil sa mga relo na nasa braso niyo ngayon" sabi muli nito kahit na wala namang nakakarinig sa kanya dahil abala ang lahat sa pagtakbo.

-----

"Nasa labas na tayo be!" Sabi ni Hellena kay Jasmine na hindi na nakakalakad ng maayos. Pasan pasan niya na ito hanggang sa makalabas sila.

Ipinaupo niya si Jasmine sa may ilalim ng puno at tinignan ang kaibigan. Namumutla na ito at pawis na pawis pa.

"Jasmine nandito na tayo" ginising niya ang kaibigan na ngayo'y nakapikit na. Pero hindi ito magising.

"Jasmine!" Gising niyang muli.

Madaling araw na at nagbabadya pa ang malakas na ulan.

"Beee!!" Nanginginig na ito habang inaalog ang katawan ni Jasmine na wala ng malay. Wala narin itong pulso at hindi niya na kinaya, masayado nang napwersa ang binti niya sa pagtakbo at hindi na siya makahinga ng maayos sa loob. Hindi napansin ni Hellena na kanina pa ito binawian ng buhay nung nasa loob pa sila.

"Jasmine huhuhuhu" nagsimula na itong umiyak dahil sa nangyare sa kaibigan. Hindi na nga nila nakasama si Francheska sa pagtakbo, ganito pa ang nangyare kay Jasmine.

"Huhuhuhu"

Maika P.o.v

Hinahabol na naman kami! Wala na bang katapusang habulang tong nangyayare samin. Hindi ko na alam kung saan na ba kami napupunta ngayon. Hawak parin ni Johnloyd yung kamay ko at ang dami ko ng sugat sa binti dahil sa pagtakbo namin, gumagas gas yung binti ko sa mga halaman at mga kahoy na nadadaanan namin. Hindi ko narin alam kung saan na nagsitakbo yung iba basta may dalawang humahabol samin ngayon.

"Woaaahh" napatigil kami saglit dahil nandito na kami sa may dulo kung saan may ilog sa ibaba. Pagtumingin ka paibaba sobrang malulula ka talaga.

"Anong gagawin natin bakla! Nandyan na sila" sabi ko kay Johnloyd dahil wala na kaming madadaanan dito. Nasa edge na kami ng gubat na'to at may ilog pa sa ibaba.

"Talon tayo" sabi sakin ni Johnloyd at muling hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Bakla mamatay tayo jan" sabi ko naman sa kanya dahil medyo mataas ang kinalalagyan namin kung sakaling tumalon kami ang laki ng chance na mamatay kami.

"Wag na dumada talon na! Pag sabi ko ng Go sabay tayo tatalon okay?"

"Go!"

Magsasalita pa sana ako kaso wala na kong nagawa at napatalon nalang din sa ilog. Ang lalim ng ilog na tinalunan namin.

Naalala kong hindi pala ako marunong lumangoy kaya kumapit agad akong kay Johnloyd.

"Wala na sila" sabi niya sakin habang kaharap ko siya ngayon at nakakapit ang dalawang braso ko sa leeg niya at pati narin nag paa ko sa katawan niya, buti nalang marunong siyang lumangoy at walang nangyareng masama samin nung tumalon kami.

Bumuhos pa ang malakas na ulan at halos hindi ko na maramdaman yung lamig dahil nakayakap ako kay Johnloyd na ngayo'y nakatingin sakin.

"T-tara na bakla" sabi ko sa kanya tumaliwas ng tingin. Nagulat nalang ako ng bigla niya rin akong yakapin.

"Buti nalang walang nangyare sating masama" sabi niya.

Buti na lang kasama kita kaya wala sakin nangyareng masama.

Ang lakas na ng ulan kaya kailangan na naming lumusong sa tubig. Nasa gilid lang ng tinalunan namin yung Talon kaya nakakadagdag din to ng lamig. Kanina napaka init tapos ngayon ang lamig naman jusko.

Hinila na ko ni Johnloyd hanggang sa makaahon na kami.

Kamusta na kaya yung iba naming kasama?

Paano naman kami makakaalis dito sa gubat? Nagugutom pa naman din ako.

"Nakakapagod" umupo si Johnloyd sa tabi ko.

"Wag ka na mag-alala sa kanila bakla, makakaligtas yung mga yun" hinawi niya yung buhok ko na nakatakip na sa pisngi ko .

"Yan pretty!"

-------- ---

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon