"ahh!!" Pinipilit ko nang alisin ang pagkakahawak sakin pero sobrang kapit talaga nito sa paa ko.
"Tulungan niyo ko! Nandito ako!" Sigaw ko sa kanila, sa boses na naririnig nila mula doon sa kabila na kaboses ko rin. Siguro kapag nanghingi ako ng tulong sa kanila malalaman nilang ako talaga to.
Bakit ba ayaw parin ako bitawan ng kung sino man tong nakahawak sakin!
Third Person P.o.v
"Tulungan niyo ko! Nandito ako!" Sigaw ni Hellena sa kanila pero mukang hindi sila kombinsado na si Hellena ang nandoon.
"Mukang hindi yun si Hellena" sabi ni Francheska sa kaibigan na si Jasmine.
"Ibig sabihin nandun siya?" Tinuro ni Jasmine yung Kaliwang parte sa loob ng mall. Madilim parin dahil parang may sumakop na itim kaya naging sobrang dilim kaya kumakapa kapa nalang sila sa bawat nadadaanan nila.
Kinakabahan na si Hellena sa nangyayare sa kanya pero pinipilit niyang maging positibo dahil alam niyang may kung sino lang na pinaglalaruan sila.
"Hellena?" Tinulungan ni Jasmine tumayo ang nasanggi nilang tao na nasa sahig na inakala nilang si Hellena.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Francheska sa taong hinawakan nila.
Maya-maya pa ay nagbukas na ang mga ilaw sa loob ng mall at nagliwanag na ang paligid.
Nakita nila ang hawak nilang tao na mannequin na. Kaya agad naman nilang binato ito palayo.
"Nasan na si Hellena?!" Natataranta ng tanong ni Jasmine kay Francheska.
"Ayun siya!" Agad silang tumakbo kung saan talaga naroroon si Hellena na nakaupo at tila may tinitignan sa malayo.
"Nandito ka pala" agad na sabi ni Francheska kay Hellena.
"Ano naman tinitignan mo?" Tanong ni Jasmine dito.
"Sa tingin ko pinaglalaruan na naman tayo" sagot lang nito at nagawa namang tumayo mag-isa. Gaya sa nangyare kay Jasmine may naiwan ding itim na bakas ng kamay sa paa nito.
"May humawak din sayo?" Tanong ni Jasmine sa kanya ng makita ang paa nito. Tumango lang ito sa kanya bilang sagot.
Nagmadali na silang umalis na doon kahit na wala pa silang nakuhang mga damit na ipangpapalit sana nila. Matapos ang nangyare kay Hellena noong nakaraan lang ganito naman ang nangyare sa kanila ngayon.
Samantala, dahil ito na ang huling araw na walang laro ang nangyayare sa kanila. Minabuti na ng iba na hanapin ang mga records kung saan napapanood ang bawat kilos nila.
"Magtatapos na naman yung araw na wala parin tayong napapala" sabi ni Clark sa mga kaibigan.
"Alam naman natin kung nasaan yung ibang cctv dahil sa napanood natin sa screen diba?" Sabi ni Tristan sa kanila.
"Oo nga, pero hindi naman lahat at iilan lang yun" sagot naman sa kanya ni Acun.
Naglalakad sila sa mga gilid malapapit sa pader at pasimpleng tumitingin sa mga taas at paligid para malaman kung saan ba nakalagay ang ibang mga cctv.
"Ang sakit na ng leeg ko" pagrereklamo ni Tristan dahil sa pag angat ng ulo niya.
Habang sila ay abala sa pag hahanap, ang grupo ni Kim ay naghihintay nalang sa kanila at walang balak tumulong. Ayaw kasi nilang masayang yung lakas nila dahil baka nagsasayang lang sila ng oras. Nasa parke sila ngayong apat at nakatambay lang dito.
"Tulungan na kaya natin sila?" Sabi ni Wendy sa kanila kaya agad naman siyang tinignan ng mga kasamahan.
"Bakit ayaw mong ikaw nalang ang sumama sa kanila para maghanap? Alam mo you're free to leave naman" medyo iritadong sabi ni Eulla at wala namang bago doon.
Tutal naiinis naman na sila kay Wendy at na a-awkwardan sila sa sitwasyon kapag kasama nila to mas maganda nang umalis na to sa grupo nila ng tuluyan. Wala namang silbi sa kanila ang kaibigan at wala naman silang pake na dati dahil sarili nalang nila ang iniisip nila.
"Hindi naman" sabi naman nito at yumuko. Hindi niya alam pero ayaw niya talaga umalis sa grupo.
"Ano ba? Hayaan nalang nga natin siya dito" sabi naman ni Kim at tumingin sa malayo. Ayaw niya nang dumagdag pa ito sa mga iniisip niya.
Tumingin nalang si Wendy sa mga kaibigan at tumayo. Parang mas maganda naman talaga na umalis na siya sa grupo dahil hindi niya narin naman kaya na ganito ang trato sa kanya. Minsan lang siyang naging kaibigan nito at kapag may kailangan pa kaya naisip niyang umalis na lang rin sa grupo.
Naglakad siya palayo sa grupo na ikinaasar naman ng mga ito. Kaya hinablot ni Eulla ang buhok nito galing sa likod, kahit na medyo masakit pa ito sa ginawa ni James sa kanya nung inuntog yung ulo niya dito.
Sumalampak yung pwet niya sa lapag at parang bigla siyang nahilo sa nangyare.
Sa totoo lang, sobrang nalalason na kasi ang mga utak nila Eulla. Gaya ng sinabi ng sumapi kay Grace kaya ganito na kasama ang naiisip at nagagawa nila.
"Ang bastos mo naman!" Sabi ni Eulla kay Wendy habang si Fatima naman at dinuraan na siya sa muka at naka crossedarms pa ito. Nakatulala parin si Kim sa malayo na parang walang nangyayare sa kaibigan."Aray! Masakit pa ang ulo ko!" hinawakan ni Wendy ang kamay na nakasabunot sa kanya at pinipilit tanggalin pero mas lalo lang sumasakit ang ulo niya.
"Wag ka kasing nang babastos!" Sabi ni Eulla sa pagmumuka nito.
Sa hindi kalayuan nakita sila nila Frances sa ginagawa nila kay Wendy kaya agad silang lumapit dito.
"Oyy babaita anong ginagawa mo sa kanya?!" Matapang na tanong ni Maika kay Eulla at tinulungang tumayo si Wendy.
Napabitaw agad si Eulla sa pagkakahawak niya sa buhok ni Wendy."Bakit kayo nangengealam?" Tanong ni Fatima sa kanila kahit na alam naman niya na walang wala siya dito kahit si Joy lang ang katapat niya.
"Bakit kayo nananaket?!" Pabalik na tanong naman ni Joy sa kanya.
"Hindi niyo alam kung ano ang ginawa ng babaeng yan samin!" Galit na si Eulla dahil parang sobrang laki ng atraso ni Wendy sa kanya kahit na wala naman talaga.
"Hoy mga babaita! Wala kayong karapatang manaket!" Sabi naman ni Johnloyd sa kanila. Tama naman ang sinabi nito na wala silang karapatang manaket pero sadyang nalalason na talaga ang pag-iisip nila kaya ganyan ang nagagawa nila.
"Tara na" yinaya na ni Frances ang mga kaibigan kasama narin si Wendy at umalis na sa lugar na yun. Samantala si Kim naman ay nakatulala parin at parang wala lang nangyare.
"Mailene, mahal na yata kita" sabi ni Luis kay Mailene. Nasa loob sila ng school supplies at nakaupo sa booth si Mailene sabay si Luis naman at nakatayong nakaharap sa kanya.
"Anong pinagsasabi mong mahal?" Takang tanong sa kanya ni Maika. Tumitingin tingin din siya sa labas dahil glass lang yung pintuan dito kaya makikita mo yung mga taong nasa labas.
"Hindi ko alam yung nararamdaman ko, parang mahal na nga kita" sabi muli ni Luis na nalilito narin sa naiisip.
"Wag ka ngang magpatawa! Wag mong bigyan ng meaning yung ginawa natin! Wala lang yun" sagot naman nito at tumayo na sa pagkakaupo.
"Pero Mailene pakinggan mo naman ako, totoo tong sinasabi ko" sabing muli ni Luis.
"Wag ka ng magsalita! Hindi ngayon ang oras para sa mga ganyan" lumabas na si Mailene mula sa loob ng establisyamento at naglakad na palayo. Ayaw niyang dumagdag pa ang mga kasalanan niya sa nobyo at ang nais niya lang ay makalabas na sila sa lugar na yun. Kahit na hindi rin maintindihan ni Mailene ang nararamdaman niya mas minabuti niya nalang na pigilan na iyon habang hindi pa malala.
"Mailene pakinggan mo naman ako" napaluha na si Luis at napayukom na ang mga kamao nito.
Hindi niya rin maintindihan ang sarili dahil iba talaga ang nararamdaman niya kay Mailene.
------- ----
![](https://img.wattpad.com/cover/226042594-288-k855407.jpg)