Chapter 41- Memories

14 2 2
                                        

Mailene P.o.v

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagalit sa kanya. Nagagalit ako kay Mark dahil sinigawan niya ko at ginawa niya kong tanga sa harap ng mga kasama namin. Bakit ba ganon siya mag-isip? Pinagsisihan ko na nga yung mga ginawa namin ni Luis. Pumunta ako dito sa may parke, gusto ko munang mapag-isa.

Pero sinundan ako dito ni Luis at tumabi sakin.

"Tatanggapin mo na ba ako?" Tanong niya bigla sakin.
"Anong tatanggapin pinagsasabi mo!?" Galit na sabi ko sa kanya.

"Ibig sabihin hindi mo parin ako tatanggapin pagtapos nang pagtatanggol ko sayo?" Tumayo naman siya at humarap sakin.

"Ano ba Luis! Gumising ka nga! Bakit ba ganyan ka?!" Sabi kong muli sa kanya. Sa ginagawa niya ngayon mas lalo lang akong nagagalit.

"Hindi pa ba sapat ang pagsuntok ko sa kanya?" Sobrang lungkot ng pagmumuka niya ngayon. Ano bang nangyayare sa kanya bakit ganon yung ikinikilos niya!

Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin sa iba. Inaalala ko si Mark dahil naaawa ako sa mga nangyare sa kanya. Sa pag sapak sa kanya ni Luis pero hindi ko ring mapigilan na mainis kay Mark dahil ipinahiya niya na nga ako ipinapakita niya pa sa iba na magagawa ko yun sa kanya.

Kahit na ginawa ko yun, pinagsisihan ko naman na at isang beses lang yun hindi na naulit pa kaya bakit ganon niya ko pagsabihan na parang sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya.

Umalis na si Luis sa harap ko, mabuti naman dahil wala na kong panahon na makipag usap sa kahit kanino ngayon. Si Luis na pinakitaan ko lang ng kabaitan dahil naaawa ako sa nangyare sa kanya at sa mga kaibigan niya. Tapos bibigyan niya ng meaning ang lahat.

Kim P.o.v

Kasama ko ngayon si Wendy na bumalik na dito sa kwarto namin. Nawala na sila Eulla at Fatima pero parang wala lang para sakin ang nangyare. Parang natural na lang na may mamatay at ang mahalaga hindi ako yun.

Naiinis na ko sa sitwasyon namin dito. Gusto ko nang matapos na itong lahat at ako nalang yung kaisa isang makaligtas dito.

Tumayo ako para pumunta sa Cr. Iniwan ko na dun si Wendy na mag-isa.

Pagpasok ko palang sa loob ng Cr may narinig na kong tumatawa at alam kong si Grace yun na nababaliw na. Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok na sa isang cubicle. Wala na kong balak pagtuunan siya ng pansin. Sana namatay na siya sa lugar na'to.

Naaalala ko lang kung paano niya ko kutyain nung nalaman niyang hindi ako yung nanalo sa audition na dapat ipapalabas sa mga commercial sa Tv. Siya yung napili at hindi ako. Hindi niya naman deserve na purihin ng kahit sino dahil masama ang ugali niya. At inangkin niya yung posisyon na dapat sa akin talaga.

Flashback

Kinuha ko na yung mga bagong tahing damit na ginawa ni Lola. Nakakatuwa nga dahil sobrang proud sila lolo at lola sakin.

Sumakay na ko ng jeep para makapunta na sa lugar kung saan kami mag a-audition sa commercial. Kailangan kasi nila ng sexy at hindi ganoong kapayat na dalaga para sa bagong product.

Agad akong pumila at mukang ako yata ang nauna dito sa audition area kasi padating palang yung ibang mag a-audition at pumila na sila sa likod ko. Muka ngang ako ang unang nakarating dito.

"Umusog nga kayo" napalingon ako sa babaeng ipinapausog yung mga kagaya ko na nakapila lang din. Papalapit na siya sa akin.

"Ikaw bakit ka nandyan?" Tanong niya sakin na ikinagulat ko. Hindi ko naman siya kilala kaya bakit siya ganyan makipag usap sakin?

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon