Haaayyy!!
Maaga na pala!
Kakagising ko lang at mukang napaaga ako ng gising dahil medyo madilim pa sa labas. Anong oras na ba?
5:36am palang pala.
Bumangon ako at linibot yung paningin ko sa loob ng silid nato. Lahat kasi kami dito magkakasama na, ito lang yung iisang silid na nakita naming bakante. Ang himbing ng mga tulog nila parang walang nangyareng kababalaghan kahapon lang.
Tumayo ako para maglakad lakad sa labas. Hindi na kasi ako makatulog eh.
Medyo malamig yung simoy ng hangin at ang daming gamo-gamo na patay sa lapag.
"Namimiss ko na sila Mimi at Dada!" Napatingin ako sa langit habang inaalala yung mga happy memories namin noong buo pa kami at hindi pa naghihiwalay si Mimi at Dada.
Haysss! Kamusta na kaya sila? Siguro masaya silang natanggap ako pero sana hindi nila malaman yung kalagayan ko ngayon kasi alam kong hindi nila makakayanan.
Naglakad lakad na ko hanggang sa makalapit ako sa may malaking gate kung saan kami pumasok. Hinawakan ko yung kandadong malaki.
'sana magbukas ka na' taimtim kong bulong sa sarili.
Hayy nako! Nababaliw na yata ako, as if naman na magbubukas yan kung hahawakan ko hahahaha ewan.
Naglakad na akong muli palayo doon, pero parang may nakita akong nakasulat sa may malaking pader katabi lang din ng malaking gate.
Lumapit ako para makita ko ng malinaw.
---
Grace
Eulla
Kisha
Kim
Clark
Troy
Polo
Mailene
Shaina
Fatima
Jasmine
Hellena
Francheska
Luis
Paulo
Jan
Mark
Macky
Wendy
Joy
James
Jason
Maika
Tristan
Frances
Facundo
Johnloyd
---Bakit nakaukit dito yung mga pangalan namin? Hinawakan ko pa ito at nakaukit nga. May guhit sa ibabang bahagi sa pangalan ni Polo.
Anong ibig sabihin nito?
Naglakad pa ko nang naglakad sa tabi ng pader. Tumingala at iniisip kung kaya ko bang akyatin yung ganitong klaseng taas.
"Uyy" napatingin ako sa likod ko. Si Joy pala at pangiting lumapit sakin. Bakit naman to nakangiti?
"Anong ginagawa mo jan?" Tanong niya sakin nang makalapit siya. Ang aga naman nito magising, sinundana agad ako.
"Wala, gusto ko lang maka amoy ng sariwang hangin" sabi ko dito."Saglit be tignan mo to" hinawakan ko siya sa braso at hinila kung saan ko nakita yung mga ukit na pangalan. Bakit ganon yung balat niya ang dry na, ilang araw palang kami dito ang dry na agad ng balat niya.
"Ito be, diba? Pangalan natin" hinawakan ko pa yung mga ukit na pangalan at tumingin muli sa kanya."Oo nga no" nakangiti niya paring sabi.
"Oy bat ba ang lawak ng ngiti mo jan! Ang creepy" sabi ko dito sabay hampas.
"Ganon ba?" Bigla naman siyang nag poker face.
Luh, ano kaya problema nito.
"Tara na nga balik na tayo" nauna na ko sa kanya maglakad. Pero mukang hindi siya sumunod sakin kaya liningon ko na siya.
Pero?
Nasan na siya?
"Joy!" Tawag ko dito pero wala namang sumasagot. Saan naman kaya yun dumaan?
Lumapit ulit kung saan kami nanggaling pero wala namang madadaanan para makalabas dun. Lumingon lingon ulit ako. Nasan na ba kasi yun?
