Frances P.o.v
Tatlo ang namatay ngayong araw?
"Ayoko na!!" Sigaw ni Kisha.
Tumayo kami at lumapit sa kanya, wala ma kasing mga harang ang mga binti namin.
Yinakap namin siya ng mahigpit.
"Beee huhuhuhu" iyak din ni Joy habang yakap niya rin si Kisha.
"Si Shaina *sniff anong gagawin ko?" Tuloy na naman yung luha nito, hindi rin tumitigil yung iyak ko.
Ano ba ang pinaka pakay samin ni Rosana? Patayin lang kami? Para saan at bakit? Ano bang kasalanan ang ginagawa namin para pahirapan kami ng ganito.
"Wag ka nang umiyak be" sabi muli naman ni Maika na nakatayo sa likod namin na umiiyak rin. Katabi niya si Johnloyd na tahimik at malungkot na nakatingin samin.
"Ayoko na huhuhuhu" pulang pula na si Kisha dahil sa pag iyak niya. Kitang kita narin na nahihirapan na siya paghinga.
"Tara na lumabas na tayo dito" sabi ni Johnloyd at inalalayan si Kisha na makatayo. Lumabas naman na kami at nagtungo sa isang kwarto kung saan kaming lahat ay doon nagpapahinga.
Makikita mo rin sa iba naming kasama na sobra talaga ang pagkatakot at pagdadalamhati sa mga nangyare sa mga kasamahan namin.
Kim P.o.v
"Hindi ko alam ang nangyare" iyak ni Eulla habang nakatingin sa mga kamay niya at sa muka niya na may talsik ng dugo.
Nandito kami sa loob ng cr at sinasamahan namin si Eulla na maglinis ng muka. Si Wendy naman ay dinala na ng mga kasamahan namin sa Clinic para magpagaling.
Mas mabuting si Eulla ang samahan namin dahil mukang na trauma siya sa nangyare kanina.
"Hindi natin ginusto ang nangyare" sabi ko dito habang hinihimas himas yung likod nito.
Napatigil siya sa pag iyak, pero alam ko yung takot at pagtataka na nararamdaman niya ngayon.
"Oo tama hindi ko ginusto to" napatingin siya sa salamin. Meron paring mga dugo sa muka niya at hindi pa natatanggal. Pinunasan niya yun gamit yung kamay niya.
"Wag mo na yun isipin huh? Ang importante ligtas tayong tatlo" sabi sa kanya ni Fatima.
Tumahimik nalang ako tumingin sa kanilang dalawa. Naiinis na ko sa nangyayare samin ngayon, anytime pwede kaming mamatay.
Pumasok sa loob ng cr si Grace at ngumiting tumingin sakin. Anong problema nito? Bakit nagagawa niya pang ngumit sa mga oras na ganito? Nababaliw na ba siya?
"Bakit ka ngumingiti?" Tanong ko sa kanya. Papasok sana siya sa dulong cubicle pero natigilan siya at tumingin sakin.
"Anong pakealam mo?" Tanong niya sakin.
Wala akong pakealam pero na intriga lang ako sa ngiti niya.
"Wala akong pake, natanong ko lang" sabi ko dito at binaling na kila Eulla yung tingin. Narinig ko yung lakad niya na papunta sa gawi namin.
Lumingon akong muli sa kanya.
"Ahhh" nagulat ako nung nasa harap ko na siya at nakangiting nakatingin sakin.
"B-bakit ba?!" Medyo iritado kong tanong sa kanya .
Mukang nagulat din sila Eulla kay Grace kasi hindi sila makapag salita at nakatingin lang kaming tatlo sa kanya.
"Mag ingat ka sa mga sinasabi mo, hindi lang si Rosana ang kalaban niyo dito! Hahahaha!" Sabi nito at tumawa ng pagkalakas lakas. Ang sakit na sa tenga.
"Nababaliw ka na nga!" Sabi kong muli at yinaya na sila Fatima na umalis sa lugar na yun.
Nasira na naga yung pag-iisip niya dahil sa mga nangyayare samin ngayon.
