Death Play

236 4 2
                                    

PROLOGUE

Umaga palang makikita mo na, na maraming mga estudyanteng papasok na sa kani-kanilang klase.
Halos isang buwan na ang nakalilipas matapos mag umpisa ang unang araw ng pasukan. At ito na ang araw para magbigay ng bagong aktibidad ang kanilang Paaralan.

"Bigyang oras sa pagbasa, Sa darating na Hulyo 20 araw ng biyernes. Ang mga magagaling po sa pag sayaw, kanta, arte at iba pang klaseng talento ay maaari na pong mag audition sa iisang lugar na babanggitin, ito po ay para sa mga estudyanteng magbibigay kulay sa ating Paaralan at magpapakita ng iba't ibang talento sa iba pang panig ng lugar. Ang audition ay gaganapin sa roof top ng Magiliw Building 11:00am to 6:00pm lamang po at paunawa sa mga sasali ay kailangang buo na ang loob sa desisyon sapagkat, kapag napili ka na ay wala ng atrasan pa. At sa mga mapilili naman po ay magkakaron kayo ng paunang allowance na nagkakahalaga ng 50,000. Maraming salamat"

"Bigyang oras sa pagbasa, Sa darating na Hulyo 27 araw ng biyernes ay maaari narin kaming pumili sa mga estudyanteng magagaling sa pag di-direct ng isang kwento. Kailangan lang po namin ang inyong talento para sa pag-gawa ng kwento mula sa ating Paaralan. At sa mga magagaling naman po sa pag-gawa ng script ng kwento ay maaari narin pong magbigay saamin ng inyong entry. Ito po ay ipapasa sa Guidance Office sa oras na 11:00am to 6:00pm lamang po kasabay sa mga mag di-direct at paunawa po sa mga sasali ay kailangang buo na ang loob sa desisyon sapagkat, kapag napili ka na ay wala ng atrasan pa. At sa mga mapipili naman po ay magkakaron kayo ng paunang allowance na nagkakahalaga ng 70,000 Maraming salamat."


Ayan ang mga nakapaskil sa kanilang bulletin board. Mukang sa unang araw palang ng pagpaskil dito ay marami na agad ng karoon ng interes na mag audition dito. Mapa lalake, babae, bakla, tomboy ay may mga balak na mag pakita ng kanilang mga talento.

Ilan kaya sa mga estudyanteng ito ang mga matatanggap?

--- ---

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon