Frances P.o.v
"Enjoy your 3 days off"
Nagising kami nang may biglang nagsalita sa speaker. 3 days off? Anong ibig sabihin nun?
"Day off? Ano to work ganon?" Sabi ni Johnloyd na may pagka sarcastic.
"Bakit ba tayo nagkakaganito?" Tumingin naman ako kay Joy na yumuko sa pagitan ng kanyang mga tuhod.
Sabihin ko na kaya sa kanila na may nakita akong mga pangalan namin sa gilid ng gate kung saan kami nanggaling?
"Uhm guys" paumpisa ko.
Nandito kasi kaming lahat sa kwarto, ayos na si Wendy at dito na nila pinatulog para sama sama kami.
"Bakit?" Tanong ni Acun sakin.
"May gusto akong sabihin sa inyo" sabi kong muli.
"Nakita kong nakaukit yung mga pangalan natin sa pader" sabi kong muli sa kanila. Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto.
"Huh? Pangalan?" Sabi naman ni Jason na katabi niya.
"Oo tara ipapakita ko sa inyo" sabi kong muli. Sumunod sakin ang grupo ni Acun at sila Joy pero yung iba naman ay mas piniling mag stay na lang doon.
"Ito" itinuro ko sa kanila yung mga pangalan namin pero bakit parang nag iba. May mga nadagdagan na ibang pangalan na may guhit sa ibabang pangalan nila.
----
Grace
Eulla
Kisha
Kim
Clark
Troy
Polo
Mailene
Shaina
Fatima
Jasmine
Hellena
Francheska
Luis
Paulo
Jan
Mark
Macky
Wendy
Joy
James
Jason
Maika
Tristan
Frances
Facundo
Johnloyd
----
"Oo nga mga pangalan natin" hinawakan ni Acun yung ukit.
"Yung mga pangalan na may guhit sa baba, mga patay na sila" sabi naman ni Jason. Tumango naman ako sa kanya bilang pag sang-ayon.
"Oo nga" sabi naman ni Johnloyd.
"So? Planado pala kung bakit tayo nandito?" Napatingin kaming lahat kay Clark. At napaisip saglit, hindi ko alam kung planado o hindi pero piling ko naman hindi. Wala naman silang pinilit na sumali sa pa audition nila nung umpisa palang.
"Jusko hindi yata" sagot sa kanya ni Johnloyd.
"Tara na nga at baka mapahamak pa tayo dito" sabi ko sa kanila. Ang alam ko kasi kapag napatagal ka sa may tabi ng pader may hahabol sayong mga naka hood. Sinisigurado talaga nila na walang makakatakas sa lugar na to kaya bantay sarado kami.
Wendy P.o.v
Ang sakit ng ulo ko pero buti nalang hindi ako napa sama. Ang sabi nila sakin tumirik daw yung mata ko at parang may sumapi sakin. Pero wala akong matandaan nung mga oras na yun. Ang sabi pa nila sakin si James daw yung napa sama talaga at balita ko isa daw siya sa mga namatay. Natatakot ako, ayokong may mamatay saming mga mag kakaibigan. Sino ba naman ang gustong mamatay sa ganitong klaseng lugar? Walang Burol at wala ring lamay. Hindi mo makikita yung pamilya mo sa huling sandali.
"Alam niyo kailangan na nating tumakas dito" sabi ni Kim na tumayo.
Masakit parin yung ulo ko kaya medyo nag bu-blur yung paningin ko.
"Paano tayo makakatakas? Wala tayong lakas at mahihina yung mga katawan natin" sabi sa kanya ni Hellena.
"Dahilan ba yan para hayaan nalang natin na patayin at pagalaruan tayong lahat?!" Taas boses na tanong sa kanya ni Kim. Hindi nalang ako nagsalita pero mas maganda narin talaga na makatakas kami dito kesa naman na isa isahin kaming patayin. Sa kanya na yung premyo niya dahil mas mahalaga parin talaga yung mga buhay namin.
