Frances P.o.v
Siguro nalilito parin siya sa mga nangyayare samin ngayon. Buti nga't hindi niya alam at nasaksihan kung paano patayin yung mga kasama namin. Na sobrang nakakawala ng kumpyansa.
Tumahimik lang siya at humawak sa ulo nito na parang biglang sumakit dahil napapikit pa ito.
"Wala talaga akong ideya sa mga sinasabi niyo" medyo natataranta na siya dahil sa mga sinasabi namin sa kanya.
"Kung patay na sila? Ibig sabihin tayo nalang dito ang natira?" Tanong niyang muli.
"Oo" sagot ko naman dito. Hindi naman sa pagiging swerte siya, pero para sakin mas okay nang hindi ko nakikita yung mga nangyayare at wala akong alam dahil hindi ako sobrang masasaktan at matatakot.
"Pasalamat ka nung wala ka sa katawan mo hindi ka nasama sa mga namatay" sabi ni Luis sa kanya.
"Hindi ko talaga kayo maintindihan" nakahawak parin si Grace sa ulo nito.
"Basta wag mo muna yang isipin, ang isipin mo lalabas na tayo sa lugar na'to" sabi lang sa kanya ni Acun sabay labas na sa kwarto. Lumabas narin kami dun at iniwan na namin siya, nandoon naman sila Jasmine para sagutin ang iba niya pang mga tanong eh.
"Saan tayo pupunta? Hapon na oh, kala ko ba tatakas na tayo ngayon?" sabi ni Joy na itinuro pa yung relo.
"Kung tatakas tayo diba mas maganda na gabi para hindi tayo agad makita at makakapagtago agad tayo" sagot naman sa kanya ni Maika. Naglalakad na kami ngayon at papunta kami sa park.
Umupo ako sa may swing dito, hmm ang sarap ng amoy ng simoy ng hangin pero kahit na sobrang sarap ng amoy hindi parin mawala sa isip ko ang pag-aalala na baka may mangyare saming masama kung bigla bigla kaming aalis sa lugar na'to. Balak kasi nila na pagkagising ni Wendy doon na kami magsisimulang lumabas dito.
"Nakakamiss na sila Dada!" Hindi ko na namang mapigilang hindi umiyak. Pag naaalala ko kasi sila mas lalo akong nanghihinayang sa mga panahong hindi ko na sila nakakasama. Bukod na nasa ibang bansa sila ganito pa ang nangyare sakin kaya mas hindi ko sila makikita kapag naging kabilang ako sa mga namatay dito.
"Nakakamiss din yung mga parents ko" sabi naman ni Joy na humagulgol din ng iyak. Ito talagang kaibigan ko kapag naiyak ako naiiyak din siya sakin.
"Ano ba mga bakla lagi nalang kayong naiyak eh" sabi ni Johnloyd. Sila lang matibay saming apat dahil hindi nila pinapakita na napanghihinaan na sila ng loob.
Maika P.o.v
Lagi nalang silang umiiyak.
Dapat sa ganitong panahon na susugod kami sa planong hindi namin alam kung magiging successful dapat positive ka lagi mag-isip. Namimiss na nila mga parents nila, pareho lang kami pero hindi naman yung sobrang miss kasi first of all wala namang may pake sakin sa Family ko.
Umupo nalang din ako sa may kabilang duyan.
"Ayy p*ta" sabi ko nang may biglang tumulak sakin sa likod. Si Johnloyd pala na panay tulak na sakin ng marahan.
"Muka ka kasing malungkot!" Sabi niya sakin habang itinutulak parin ako. Alam ko yung ganitong feeling kapag lumalabas kami ni Johnloyd dati, lagi kaming napapahinto sa may playground at lagi niya kong tinutulak. Ganitong ganito yun.
Kailang kaya ulit mauulit iyon?Makakalabas kaya kami ng ligtas?
"Ayy shettee! Ano ba bakla wag mo naman lakasan ng sobra" sabi ko kay Johnloyd kasi linakasan niya na.
"Ayaw mo nun? Nakakalipad ka hahaha" tawang sabi niya naman sakin. Itong baklang to mapang insulto talaga eh. May nakita na nga siyang umiiyak tapos tatawa naman siya.
Ayy ewan ko ba dito!
Hellena P.o.v
Nandito kami sa may kwarto namin, hinihintay nalang namin magising si Wendy at tatakas na daw kami dito. Sana maging successful ang gagawin naming pagtakas at walang mapahamak samin.
Si Grace nakahiga parin at mukang nalilito parin siya sa mga nangyayare. Mukang wala nga talaga siyang alam. Mas gugustuhin kong wala akong alam sa nangyayare at least hindi ko sila mapagmamasdan kapag pinapatay na sila sa stage.
"Wendy!" Napatingin ako kay Jasmine na papunta ngayon sa higaan ni Wendy. Nung nagising siya mas lalo akong kinabahan kasi mukang magsisimula na kaming tumakas sa lugar na'to.
"Ang sakit ng ulo ko! Ano ba ang nangayare?" Tanong niya samin habang hawak ang ulo niya.
"Wala naman, basta tatakas na tayo ngayon" sagot sa kanya ni Jasmine. Medyo madilim na ang paligid dahil mag 6:00 pm na.
"Tara na" anyaya samin ni Jasmine na. Tumayo narin si Grace kahit na medyo nalilito pa siya sa mga nangyayare.
Paglabas namin nakita na namin yung ibang kasamahan namin na papunta na dito."Tatakas na ba tayo?" Tanong ni Jasmine kay Acun.
"Shh hinaan mo lang ang boses mo, baka may nakakarinig satin" sabi lang sa kanya nito.
Tumingin si Acun saming lahat at ipinabalik kami sa may kwarto. Nag siupo kami para makapag usap sa mangyayare."So ganito ang plano, kailangan lahat tayo focus lang sa pagtakbo at pagtakas dito." Sabi ni Acun sa amin.
Kailangan talaga namin maging focus kasi kung hindi mapapahamak kami.
"Ano gusto niyo ba?" Tanong ni Acun samin.
Para sakin, gusto ko nang makalabas dito. Pero natatakot kasi ako na baka sa biglaang kilos namin mapahamak kaming lahat.
Pero naiisip ko rin na kailangan din naming lumaban."Hindi tayo makakalabas basta basta" sabi ni Kim samin.
"Sasama ka ba samin?" Tanong ni Acun kay Kim pero hindi ito sumagot.
Third Person P.o.v
Naiwan lang doon si Kim dahil hindi pa ito sigurado kung sasama siya. Balak niya kasing manalo sa palaro doon, bukod sa may makukuha siyang malaking pera, makakaligtas pa siya kahit na mandaya siya, gagawin niya.
Naglakad na sila papuntang mall. Nandoon kasi yung under ground na sinasabi sa kanila. Sa may dead end, bukod sa nakita nila doon sa dulong manipis na pader meron din manipis na pader sa kaliwa na pwedeng daan nila para makaalis sa lugar na yon.
Pero ligtas bang dumaan sa lugar na yun?
"Itulak natin sabay sabay ah" sabi ni Frances na inalalayan ang pagtulak ng aparador na pinanghaharangan ng pinto papunta sa under ground.
"Saglit ha.. sasama na ko sa inyo" tumakbo si Kim para masundan sila kaya hinihingal pa ito. Napag isip isip niyang sumama nalang kahit na hindi iyon ang totoong plano niya.
"Sige, tanggalin na natin to" sabi naman ni Acun at pinagtutulungan tanggalin ang aparador.
Pagbukas ng pinto makikita mo agad na walang kaliwa liwanag ang loob nito."Ang dilim, wala tayong ilaw" sabi ni Johnloyd.
"May kadila akong nakita sa mga kwarto natin" sabi ni Jasmine sa kanila.
"Kunin natin Hellena" anyaya ni Jasmine sa kaibigan kaya umalis na sila para kunin yung kandila at kinuha rin ni Jasmine ang lighter nito na nakatago sa maleta niya. Hindi na nila dinala pa ang mga maleta nila dahil malaking sagabal lamang iyon sa gagawin nila.
Nang makarating na sila Jasmine na may dalang apat na kandila binigay niya sa iba ang tatlo at sa kanya naman ang isa. Sinindihan na nila yun gamit ang lighter na dala rin ni Jasmine.
Kahit na nalilito si Grace sa mga nangyayare sa kanila dahil hindi niya naman nalaman o nasaksihan kung paano patayin ang iba nilang kasamahan ay sumasabay lang din siya sa mga kasamahan upang hindi siya mapag iwanan. Sumasakit parin yung ulo niya kakaisip kung anong nangyare dahil wala naman siya sa katawan niya nung may mga nakakatakot na nangyare.
Pero buti nalang kahit na hindi niya alam yung mga nangyayare hindi siya nasama sa mga namatay niyang kasamahan. Kaya kung maaari ay pinipilit niyang makahabol sa mga balak nila.
Isinarado nila ang pinto upang walang makapasok dun at bumaba na sila ng hagdan na kandila lang ang nagsisilbing liwanag nila. Si Acun, Johnloyd, Joy at Jasmine ang may hawak ng mga kandila.
Pumasok na sila sa loob.
------ --