"Bakit mo ginawa y-un?" wika lang ni Wendy na nakahawak sa kamay ko para pigilan ito na bumaon pa lalo sa kanya.
"Ang bango ng dugo" sagot ko lang sa kanya, hindi ko alam kung bakit pati ako mismo ay nasisiyahan sa ginagawa ni Rosana ngayon sa katawan ko.
Matapos nun ay hinugot kong muli yung sanga at sinaksak muli siya ng apat na beses.
Third Person P.o.v
Tuwang tuwa si Kim sa ginagawa ni Rosana sa katawan niya. Kinuha kasi ni Rosana ang katawan ni Kim upang may bago na siyang katawan na magamit at abandonahin na ang dati niyang katawan.
"Masaya to" sabi lang ni Kim sa loob ng katawan niya. Hindi na kasi siya ang nagkokontrol dito at wala siyang ka-alam alam na sa oras na mahulog siya sa mga ginagawa ni Rosana sa katawan niya ay paunti-unting mawawala ang kaluluwa niya at madadagdagan lang ang buhay ni Rosana.
Pumatak na naman ang malakas na ulan kaya mas lalong dumilim ang paligid kaya hindi makatakbo ng maayos ang ibang magkakasama.
Napaupo si Wendy at tuluyan na itong nawalan ng buhay. Ngumiti naman si Kim at lumingon para tignan ang mga batang nagsisitakbuhan at tumatakas sa dalawang lalaking katulong nito.
"Ahh!" Napatingin sila kay Mailene na nawalan ng balanse sa pagtakbo dahil sa dulas ng daan.
"Mark!" Tawag niya kay Mark na kasintahan parin naman kahit papano ni Mailene. Nakatingin naman sa kanya si Mark at muling tinitignan ang mga lalaking nang hahabol sa kanila.
"Tulungan mo ko" wika nito dahil hindi na siya makatayo, masakit na ang paa nito at may naputol pang ugat dahil sa pagtakbo. Pinipilit niyang abutin ang kamay ni Mark pero sa halip na abutin at tulungan niya si Mailene ay tinalikuran niya na ito at tuluyan nang tumakbo palayo.
Naiwan nang nag-iisa si Mailene habang pinipilit tumayo. Basang basa narin ito sa patak ng ulan at hindi niya na masyadong makita ang daan dahil sa dilim. Napatingin siya sa lalaking may tattoo na nakatingin sa kanya samantalang yung isang lalaki naman ay patuloy paring hinahabol sila Frances.
"Aaaaaa!" Hinawakan siya nito sa kamay at hinila papalapit sa puno. Nanginginig na ito sa kaba. Inuntog siya nito sa puno dahilan kaya nawalan agad ito ng malay pagtapos at hinubad ang sinturon sabay itinali sa leeg nito.
Inakyat niya ito sa hindi kataasang puno at binigte doon. Muling tumakbo ang lalaki para mahabol ang ibang kasamahan nito.
Si Rosana naman na nasa katawan ni Kim ay tyumetyempo lang ng magandang pagtakbo para masundan niya na agad ang mga kasamahan ni Kim.
Napaka bilis nitong tumakbo na parang walang iniindang pagod at pagkagutom dahil gamit niya ang katawan ni Kim.
Frances P.o.v
Bakit ba lagi nalang ganito ang nangyayare samin? Hindi na ko makahinga ng maayos dahil sa pagtakbo ko pero wala na kong magawa dahil sagad na yung kagustuhan kong makaalis dito.
Lumingon ako sa likod at nakita ko si Kim na sumasabay na samin sa pagtakbo. Ang alam ko hindi siya napasama samin bakit siya nandito. Pero okay narin at least nagawa niyang tumakas.
"Frances" muli akong lumingon kay Kim habang patuloy sa pagtakbo. Kaunti nalang ay mapupunta narin kami sa kalsada. Pwede kaming tumakbo ng husto doon hanggang sa makapunta kami sa may bayan dito.
Nagulat ako nung biglang hinawakan ni Kim ang kamay ko at muntik na kong hilahin pero hinawakan ako ni Acun at mas malakas ang paghila niya kaya napabitaw sa kamay ko si Kim. Anong bang problema nito ni Kim sa kakahila niya sakin baka mawalan ako ng balanse. Ang dulas pa naman dito dahil sa putik.
Hindi ko na makita yung daan. Parang napupuno na yung mata ko dahil sa tubig na bumabagsak sa langit. Tapos sobrang dilim pa kaya hindi mo alam kung ano na ba ang mga natatapakan mo. Kahit na may nararamdaman ka nang nakatusok o sugat dito ay hindi ka dapat tumigil para tignan ito.
Hindi ko na makita si Kim.. Siguro nauna na siya pagtakbo kaya mas pinagtyagaan ko talagang tumakbo ng husto. Sana naman makaligtas kami sa lugar na'to.
Maika P.o.v
Ito na naman kami at tumatakbo na namang muli. Hinihila ako ngayon ni Johnloyd dahil sa hindi ko na nga kayang tumakbo pa.
Nanghihina na ko dahil wala pang laman ang sikmura ko. Kitang kita sa bawat isa na gusto na talaga naming makaalis dito. Ayoko na ng ganito!
"Maika" napatingin ako kay Kim na sumasabay sa pagtakbo namin. Kahit na madilim ang paligid parang napansin ko sa kanya yung kulay pulang nasa damit niya? Anong nangyare sa kanya bakit may dugo yata siya?
Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo. Hindi ito ang oras para magkamustahan dahil bukod sa wala ako sa tamang katinuan ko ngayon, nagugutom narin ako.
Hinila niya ako kaya napatigil kaming dalawa ni Johnloyd na hawak ang kabila kong kamay. Lumingon kami sa dalawang lalaking nanghahabol samin medyo malayo pa naman sila pero dapat makalayo na kami agad sa kanila.
"Ano ba?!" Sabi ko dito at binawi ang kamay ko pero sa halip na bitawan niya at mas lalo niya pa akong hinila sa gilid. Simunod lang si Johnloyd dahil nga sa hindi niya parin binibitawan yung isa kong kamay.
"Bitawan mo siya!" Sigaw ni Johnloyd kay Kim na patuloy parin kaming hinihila. Ano bang problema nito ni Kim at bakit niya ba ko hinila dito?
Kailangan naming makatakas at hindi gawin yung gusto niyang gawin.
Napatingin ako sa langit dahil mas lalong lumakas ang ulan at may mga kidlat narin kaya kapag kumikidlat nakikita ko si Kim na nakangiti.
Inipon ko yung lakas ko para mabitawan na siya at ikalag ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
Pero bago ko pa gawin yun ay binitawan niya na kamay ko at tumingin sakin.
"Ano bang problema mo?!" Taas boses na tanong sa kanya ni Johnloyd. Ngumiti na naman itong muli at gamit yung dalawa niyang kamay sinakal niya kaming dalawa ni Johnloyd.
"Kkkkkii" napasandal na ako sa puno samantalang si Johnloyd naman ay itinaas ang pagkakasakal sa kanya pero kumakalas kalas pa ito sa kanya. Ano bang nangyayare sayo Kim bakit ganito yung ginagawa mo samin? At bakit parang ang lakas niya?
Sa muling pag kidlat, sa pamamagitan ng ilaw ng kidlat ay nakita ko ang muka ni Rosana na nakangiting nakatingin sa dalawa kong mata. Habang tumatagal mas lalo pang dumidiin ang pagkakasakal niya sa leeg ko kaya hindi na ko masyadong makahinga.
Hinahampas ko pa siya at sinisipa sipa. Nakikita ko rin si Johnloyd na ganon ang ginagawa.
"B---" hindi na ko makapagsalita at alam kong parang luluwa narin yung mata ko dahil sa higpit ng pagkakasakal sakin.
Akala ko makakaligtas na kami sa huling pagkakataon pero hindi pala talaga.
Nakita kong tumigil na sa pagpalag si Johnloyd at nakababa na ang kamay niya. Kahit na sinasakal ako hindi ko mapigilang hindi maiyak. Pinilit kong abutin ang kamay ni Johnloyd pero bago ko pa makuha yung kamay niya ay binitawan na ito kaya nakahiga na ito sa lupa.
"Kim!! Maika!!" Napalingon si Kim sa gawing kanan kung saan namin narinig yung boses. Boses ni Frances na garalgal na sa sobrang lamig dito.
Maya maya pa ay dinalawa na ni Kim ang pagkakasakal sakin. Hindi ko na kaya! Dahil sa pag-iyak ko at sa ulan ay mas lalong nawawalan ako ng hininga.
Paunti-unti naring pumipikit ang mga mata ko.
Hinila nila Acun at Frances sila Kim pero sobrang kapit parin nito sa leeg ko.
----- ---
