Chapter 13- At Mini Mall

36 2 11
                                    

James P.o.v

Nandito kami sa loob ng Center, kakatapos lang namin kumain dahil wala naman kaming inabang choice kung hindi harapin to.

"Ano Luis nakita niyo na ba?" Tanong ko kila Luis. Naghahanap kasi kami ngayon ng gamot para sa braso namin na napaso nitong relo na nakakabit samin. Yung init niya kakaiba parnag sobra at sasabog na pero nung makarating kami agad sa stage nawala rin yung init.
"Ito"

Binigyan kami ni Jan ng tig iisang pamahid sa balat.

"Kaso ayaw maalis nung relo eh" tinatanggal ko kasi yung pagkakabit ng relo pero ayaw matanggal. "Ano ba yan ang hina mo" sinubukan ding tanggalin ni Luis yung relo niya pero halatang hirap na hirap siya.

Namumula parin yung sugat ko dahil sa sugat na natamo nung napaso ng relo.
"Ahh! Ano ba naman to!" Sabi ni Luis at hinampas hampas yung braso yung nasan yung relo sa pader.

"Pano ko magagamot yung sugat ang sakit pa naman niya!" Umupo si Luis at tumingin samin.

"Ayss bakit ba naman kasi tayo nagkaron bigla ng ganito?!" Sabi naman ni Jan.

"Tara na nga, hanap tayo paraan para makalabas dito" tumayo na si Luis at nagpagpag ng pwet.

"San naman?" Tanong ko dito.

"Sundan niyo ko" lumabas siya sa Center at sinundan naman namin siya.

Nakarating kami sa likod lang ng Center at kung titingala ka makikita mo kung gaano kalaki yung pader dito.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko kay Luis na parang bumubwelo.

"Aakyat" sagot niya naman. Paano naman siya makakaakyat sa ganyang klaseng taas na pader? Ano siya si Spiderman?

"Pag nahulog ka patay ka" biro kong sabi dito dahil nag-umpisa na nga siyang umakyat.

"Watch and learn!" Sabi niya habang umaakyat. Wala pa siya da kalahati nito pero mahulog hulog na siya.

"Wag mo na ipilit pre, baka mahulog ka lang" sabi ni Jan sa kanya.

Sa malayong lugar parang may nakikita akong mga tao.
Ano yun?.

Tinapik ko si Jan at nginuso sa kanya yung nakikita ko.

"Luis! Luis! Baba na jan bilis!" Sabi ni Jan sa kanya.

Yung mga lalaking nakamaskara papunta samin!! Agad namang nakita ni Luis yung mga naka hood na papalapit samin ang bilis nilang maglakad.

"Takbo!!"

--

Wendy P.o.v

"Ahhh!!"

Nakita namin sila James na tumatakbo papunta samin. Anong problema nitong mga to?

"Bakit anong nangyare?" Tanong ni Kim sa kanila nang makarating na sila sa gawi namin.

"Haa! Yung mga ha! Naka maskara ha hinahabol kami" naghahabol na hininga na sabi ni Jan habang itinuro yung gawing Center.
"Huh? Bakit naman kayo hinahabol?" Tanong muli sa kanila ni Kim.

"Si Luis kasi ha, umakyat sa pader" hingal na sagot ni James.

"Grabe! Kinikilabutan naman ako sa mga kwento niyo"sabi Eulla sabay yakap sa sarili.

Ako din nung sinabi nilang hinabol sila parang na imagine ko. Paakyat yung kilabot na naramdaman ko eh. Alam mo yung parang naiihi ka?

"Wala na nga kasing paraan para tumakas!" Naglakad na si Kim nung sinabi niya yun.
Hindi ko alam kung sasang ayunan ko siya sa sinabi niya kasi parang sinabi niya na wala na kaming pag-asang makaalis sa lugar na to..

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon