Chapter 4- Exclusive Place

82 6 11
                                        

Congratulations to all of you!!
Nasa ibaba ang mga maswerteng natanggap sa aming pa-audition sa School na ito. Ang mga nabanggit ay maaari lamang pong pumunta sa Maliksi Building upang makuha na ang mga paunang allowance para sa inyo. Ang mga nakapasa ay magkakaroon ng exclusive na lugar kung saan gagawa kayo ng mga activity at marami pang iba. May mananalo rin dito at  ang mananalo ay makakatanggap ng 2million cash at house and lot.
Paunawa: Ang mga napili ay hindi na maaring umatras maraming salamat sa inyong kooperasyon.

Actresses
Grace Guevarra
Fatima Ui
Jasmine May Eve
Hellena Sardosa
Wendy Riz Tuasan
Eulla Fate Cruz
Francheska Marie Ann Guardorendo
Kisha Choi Delo Santos
Crissha Joy Jimenez
Kimberly Santos

Actors
Luis John Fentoza
Clark Soriano
Kriss Paulo So
James Venus
Jan Billie Reyes
Troy Valenzuela
Mark Kylle Tomas

Dancers
Jason Karl Pablo
Polo Rivera
John Loyd Janda
Maika Fay Chui

Singers
Macky Delos Reyez
Shainna Suki

Writters
Tristan Froy Guani
Mailene Gunet

Directors
Yumie Frances Gias
Facundo Abarquez

Ayan po ang mga maswerteng nakapasa. Maligaya kami sa inyong tagumpay.

------------------------

"Kyaaaaaaahhh Omg! Nakapasa tayong dalawa!" Tiling pagkasabi ni Joy.

"Oo nga eh, mantakin mo yun?"
Ngiti kong sabi sa kanya, kahit kasi ako di makapaniwala na nakasama kami sa mga nakapasa.

"Sinuswerta ka!" Pumukaw samin ang boses na nang gagaling sa likuran. Maraming estudyante na nagtutumpukan doon kaya hindi namin pinalampas ang oras na maki usyoso hahaha.

"Hindi ako sinuswerte! Magaling lang talaga ako" sabi ni Kim kay Grace. Sila na naman pala yung nag babangayan.

Tumahimik nalang si Grace dahil napansin niyang marami ng nakapalibot sa kanila.

"Ang sama mo! Alam ko naman na mas magaling ka sakin eh" tila nag iba ang kilos ni Grace na kaninang matapang ay parang naging maamong tupa. Nakayuko siya at tila iiyak na.

"Huh?! Anong pinagsasasabi mo?" Takang tanong ni Kim kay Grace. Hindi ko alam ang nangyayari pero mukang si Grace yung inaapi dito.

"Tama na! Mas deserve mong makasama dyan kasi magaling ka talaga" tuluyan ng humikbi si Grace at tumulo ang luha.

"Nababaliw ka na ba?!" Sabi nalang ni Kim na mukang nagtataka.

"Grabe ka Kim! Ang sama mo! Tama nga yung mga nasa article na nababasa ko!" Sabi nung isang estudyante at yinakap si Grace na umiiyak na. Hindi na nakapag salita si Kim kaya tumakbo nalang siya papalayo sa mga nag tutumpukan. Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang sundan.
"Frances tara sundan natin siya" sabi sakin ni Joy na parang naaawa ang muka.
Tumakbo si Kim doon sa likod ng Cr at napayuko. Nag mamasid lang kami ni Joy sa mga kinikilos niya hanggang sa humikbi na siya habang nakayuko.

Lumapit kami sa kanya ni Joy pero bago pa kami makalapit ay agad siyang nagtaas ng tingin.

"Grabe ka na talaga Grace!!" Sabi niya na mukang galit na galit. Wala akong ideya sa mga kinikilos niya, siguro di nalang kami mangengealam dahil wala naman kaming alam sa issue nila.

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon