Third Person P.o.v
Hindi makapaniwala sila Kim na makakaligtas na sila sa mga nanghahabol sa kanila.
"Salamat makakaalis narin tayo dito" sabi ni Troy sabay sandal.
"Bakit kaya hindi pa satin sumama si
Frances?" Tanong ni Mailene sa mga kasama. Habang nag-uusap sila may pinag uusapan din yung dalawang lakaking tumulong sa kanila."Ewan! Bahala siya kung gusto niyang maligtas hindi na siya bumababa" sagot naman sa kanya ni Kim.
"Kanina may narinig akong sinasabi niya pero hindi ko masyadong naintindihan" sabi muli ni Mailene na pilit inaalala ang nga sinabi nito.
"Wag mo na yun alalahanin" sabi naman sa kanya ni Luis at hinipan siya sa kamay. Binawi naman agad yun ni Mailene.
Habang nakasuot pa sa kanila ang relo patuloy nitong lalasunin ang mga utak nito. Dahil ayun din ang dahilan kung bakit sila may suot na mga relo.
"Sa tingin ko masarap yung isa"
"Oo nga wag ka nang maingay"
"Malalaman kaya nila?"
"Hindi yan tumahimik ka nalang"
Panay ang tingin ng dalawang lalaki kila Mailene at Kim na basang basa dahil sa ulan. Pababa sila ngayon sa gubat at papunta sa liblib na lugar. Pero wala silang ka ide ideya dahil hindi nila kabisado ang daan.
Huminto sila sa isang barong baro.
"Saglit lang kuya bakit dito tayo pumunta?" Tanong ni Mailene da dalawang lalaki. Nagkaka kutob narin sila Luis.
"Ahh. Ano kasi mahaba pa yung byahe kaya ipag pabukas nalang natin yung pag punta dun sa bayan" ngiting dabi sa kanila ng lakaking may Tattoo.
"Pero kailangan na po naming makaalis sa lugar na'to baka mahanap pa kami ng balis na babaeng yun" kabadong wika naman sa kanila ni Kim.
Bumaba na ang dalawnag lalaki sa sasakyan at binuksan yung pinto. Sinenyasan sila nito na lumabas na sa sasakyan.
"Kuya kailangan naming makaalis dito!" Sabing muli ni Kim sa dalawnag lalaki pero hindi na sila nito pinansin at naglabas na lamang ng baril.
"Ano?! Hindi kayo bababa jan?!" Tinutukan na sila ng baril ng lalaking maskulado ang katawan.
Nagulat sila sa ginawa nito. Masyado silang umasa na baka makaalis na sila sa lugar na yon pero may pagsubok na naman na dumating sa kanila. Wala nang nagawa sila Kim kaya bumaba nalang sila ng sasakyan at nakataas ang dalawang kamay.
"Puñ*ta bakit ba nangyayare sakin to?" Galit na sabi ni Troy sa sarili. Pinapasok sila ng mga ito sa barong baro.
Umiisip si Troy ng paraan kung paano siya makakaalis sa lugar na yon. Kahit siya nalang ang makaalis at makahingi ng tulong. Ganon din ang iniisip ni Kim sa mga panahon na yon.
Habang nakatutok sa kanila yung baril, kumuha naman yung lalaking naka tattoo ng lubid sa mga kahon na nandoon upang ipang tali sa kanila.
"Maawa po kayo samin kuya!" Pagmamakaawa sa kanila ni Mailene. Umiiyak na ito sa sobrang takot. Buong akala niya kasi ay makakaalis na sila sa lugar na yon pero mali pala ang akala niya.
"Tumahimik kayo!" Sigaw naman sa kanya ng lalaking may Tattoo at sa kanya unang lumapit. Tinalian niya ito sa kamay palikod at sa dalawang paa, linagyan niya rin ng tape ang bibig nito para hindi na makapag salita.
"Hmm! Hmm!" Pumipiglas pa si Mailene pero wala narin siyang nagawa kalaunan.
Sinunod niya ang iba pero nu si Troy na ang tatalian nila agad siyang gumawa ng paraan para para hindi siya mabihag ng mga iyon.