Chapter 42- The Real Murderer

22 2 5
                                    

Troy P.o.v

Pati ako natatakot na sa kinikilos ko. Hindi ko na alam yung mga ginagawa ko ngayon parang may kung sino nang kumontrol sa utak ko.

Mabilis na kong mainis at lalong lalo na nakakapanakit na ko ng tao. May napatay narin ako gamit ang mga kamay ko.

Pinipilit kong kalimutan ang mga nangyare pero kusa nalang siyang lumilitaw sa isip ko kahit ayoko.
Nandito ako sa kwarto namin, ako lang ang mag-isa na nandito kahit na umaga na. Yung iba hindi ko alam kung saan nag situlog, siguro nandoon sila sa Clinic at binabantayan si Clark.

---

Kinuha ko yung malaking bato at ipinupok ko sa kanya.

"Ahhh!!" Bakit ba naaalala ko na naman yung mga bagay na yun na hindi ko naman dapat alalahanin. Naiiyak na ko sa takot. Takot sa sarili ko na baka hindi lang siya ang  mapatay ko. Baka may iba rin akong mapatay.
"Huhuhu hindi ko gustong maging mamatay tao" tumutulo na naman yung luha ko. Dahil sa iniisip kong to hindi na ko nakakatulog ng maayos tapos lagi na kong balisa.

"Mamatay tao?" Napatingin ako sa kakapasok lang na si Acun. Wala itong damit pantaas.

"Ahh wala" pinunasan ko yung luha ko at tumayo.

"Ang pagkakarinig ko ayaw mong maging mamamatay tao tama ba?" Kumuha siya ng damit sa maleta niya na nakalagay sa ilalim ng double deck.

"Mali yung pagkakarinig mo, wala yun" sabi ko dito na pinipigilan ang paghikbi ko.

"Sige mauna na ko sayo" sabi ko at lumabas na sa kwarto. Madaling araw na kaya medyo madilim pa ang paligid.

"Buti nalang hindi niya ko nahuli" sabi ko sa sarili ko nang makalayo na ko.

Buti nalang nung mga panahon tinanong nila ako kung sino ang pumatay kay Kisha agad ko silang napaniwala. Oo ako ang pumatay kay Kisha pero hindi ko yun ginusto. Parang may ibang kumontrol sakin nung panahon na yun. Nagising nalang ako na may hawak akong malaking bato at may talsik ng dugo yung dami ko.

Inisip ko na baka ako nga ang pagbintangan nila kaya pumunta ako sa mga school supplies at pinatungan ng pulang poster paint yung damit kong natalsikan ng dugo.

Hindi ko talaga sinasadya yung nangyare. Hindi ako ang may kagagawan nun.

Habang naglalakad lakad nakita ko si Hellena na naglalakad mag isa na papunta yata sa kwarto nila. Kaya agad ko siya linapitan.

"Troy?" Sabi niya at napaatras biagla.

Wala naman akong balak na takutin siya gusto ko lang na humingi ng patawad sa lahat ng nagawa ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa braso at inilapit sa akin.

"Ano ba Troy nasasaktan ako" sabi niya at nagsisimula ng tumulo ang luha niya.

"Shh shh wag ka ng umiyak" sabi ko dito at pinunasan yung luha niya sa muka.

"Tulong!!!"

Acun P.o.v

"Tulong!!!" Sa hindi kalayuan dito may narinig akong boses ng babae kaya agad akong lumabas kahit na hindi pa ako tapos mag bihis.

Nakita ko si Troy na hawak sa braso si Hellena. Tumakbo ako papalapit sa kanila.

"Pre ano na naman bang nangyayare sayo?!" sabi ko dito at hinawakan yung braso na nakahawak kay Hellena.

"Hindi ako ang pumatay sa kanya" lumayo si Troy sakin at tumakbo na parang natatakot.

"Nababaliw na talaga siya" sabi ni Hellena na pinupunasan yung luha nito.

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon