Tristan P.o.v
Simula nang napunta kami dito, wala na kong ibang naiisip kung hindi mag survive sa mala impyernong lugar na to. Natatakot na kaming lahat sa mga nangyayare at pati narin ang mga babae dahil sa bukod na yung may papatay at paglalaruan kami. Mukang may gusto pang pumatay samin na kasamahan lang din namin. Paano naman kami mabubuhay kung ganito ka toxic ang paligid.
May namatay pero hindi namin alam kung sino. Sa mga kasamahan namin si Kisha, Luis at Troy lang ang wala pero sabi ni Mailene babae daw base sa nakita niya so mukang si Kisha yung namatay. Si Grace naman tinali namin siya dahil ayaw niya saming makipagtulungan. Hindi ko nga rin maintindihan yung babaeng yun eh, parang pumangit tuloy yung tingin ko sa kanya. Manghang mangha pa naman ako sa mga acting skills na pinapakita niya sa Tv tas ngayon parang nababaliw na siya.
Ano ba ulit yung sabi niya? Sila daw yung first batch na napunta dito at pumangalawa lang kami? Hindi ko alam kung may sumanib ba sa kanya o sadyang nababaliw lang talaga siya.
"Si Kisha, may guhit na ang ibabang pangalan niya dito" sabi ni Acun habang hinahawakan at ipinapakita sa amin ang ukit na pangalan ni Kisha. Mukang si Kisha nga ang namatay, at yung dugong nakita namin ay galing sa kanya.
Sino naman ang may kagagawan nito?
Nandito kami sa may gilid ng malaking gate kung saan nakaukit ang mga pangalan namin dito.
----
Grace
Eulla
Kisha
Kim
Clark
Troy
Polo
Mailene
Shaina
Fatima
Jasmine
Hellena
Francheska
Luis
Paulo
Jan
Mark
Macky
Wendy
Joy
James
Jason
Maika
Tristan
Frances
Facundo
Johnloyd
----Nakakatawa diba?
Kakawala lang ng pinsan niya siya naman yung sumunod. Nagkanda malas malas na yung mga buhay namin kahit hindi naman dapat!
Naging mabait na anak naman ako sa mga magulang ko. Naging masunurin naman ako sa kanila? Bakit ganito yung nangyayare samin? Sakin?
Gusto ko nalang mamatay at magpakatiwakal! Bakit sa dinami dami ng tao ako pa at ang mga ka tropa ko pa ang nasama sa ganito. Okay lang sana tatanggapin ko pa kung ako nalang ang papatay sa kanila.
Oo ako nalang!
Bigla kong nasapak ang sarili ko na ikinagulat ng lahat.
"Anong nangyayare sayo pre?" Hinawakan ako ni Paulo.
Hindi ko alam ang nangyayare sakin, bakit ganito ang pumapasok sa isip ko.
Hindi tama! Mali to!
Paulo P.o.v
Napatingin kami agad kay Tristan dahil sinapak niya ang sarili niya. Anong nangayayare sa kanya bakit niya sinapak ang sarili niya?
"Anong nangyayare sayo pre?" Hinawakan ko siya sa balikat at para siyang nagising.
"Hindi ko alam" sagot niya lang sakin at tumingin ng malayo.
"Si Kisha kaya yung sinasabi ni Mailene?" Tanong ni Kim sa mga kasamahan.
Kung si Kisha nga, bakit siya? At sino ang papatay sa kanya sa ganitong sitwasyon?
"May guhit na kasi ang pangalan niya kaya mukang siya nga" sagot naman sa kanya ni Acun. Hindi parin ako makapaniwala na nangyayare to samin pero dapat siguro maging bukas na yung isip ko at pakiramdaman na ang paligid sa mga nangayayare ngayon.
"Hindi pa naman tayo nakakasigurado na yung may mga guhit na pangalan jan ay mga patay na" sabi ni Maika, hindi rin siya makapaniwala at maging ang lahat na kay Kisha yung dugong nanggaling doon sa nakita namin.