1
Lahat ng team ay may kanya-kanyang box na may laman na limang papel na may nakasulat na salita. Ngunit isa lang ang pwedeng kuhanin.
Ang bawat team ay pipili ng isang leader na kung saan ito ang magiging actor sa salitang mababasa sa papel.
Hindi pwedeng ituro ang mga bagay na pwedeng ipahiwatig ng salita, hindi pwedeng magsalita at lalong hindi pwedeng mandaya.
Meron lamang tatlong minuto ang actor upang i-arte ang salitang gagawin.------------
Ayan ang nakasulat sa screen.
Hindi masyado maintindihan ng mga ito ang gustong ipahiwatig ng nabasa.
"Ibig sabihin maglalaro nga talaga tayo" sabi ni Luis na medyo nagtataka parin.
"Sus easy lang pala eh!" Ngiting sabi ni Tristan.
"Pumili na ng Leader!" Sabi ni Romana na nasa taas.
"Ako nalang ang Leader" taas kamay na sabi ni Grace sa mga kagrupo sa Team A.
"Sige ikaw nalang" mahinahon na payag naman ng mga kagrupo nito.
"Sino sa atin?" Tanong ni Hellena sa mga kagrupo niya sa Team B.
"Hindi ako masyadong magaling dyan eh" sagot naman sa kanya ni Fatima.
"Ikaw?"
"Ayoko" tanggi naman sa kanya ni Jasmine.
"Si Jan nalang magaling yan" sabi naman ni Luis na may hapdi paring nararamdaman nung uminit ang relo nito kanina.
"Sige try ko" sabi ni Jan sa kanila."Si Acun nalang mag act" turo ni Jason sa kaibigan.
"Pero pre di ako masyadong magaling" sagot naman nito sa kanya.
"Oks lang yan, magaling ka namang mag adopt eh" sabi ni Jason sabay akbay dito."Ako nalang" itinaas ni Frances yung kamay niya bilang pag boluntaryo.
"Okay lang sayo?" Tanong sa kanya ng kaibigan na si Joy.
"Kaya yan" sagot naman nito.
"Nakapili na ba?" Napunta ang atensyon nila kay Rosana.
"Kung gayon ang mga nakatalagang leader ay pumunta sa unahan para makita kung sino ang mauuna" sabi ni Rosana.
May nakita naman ang mga leader na maliit na box.
"Dyaan sa kahon na yan may numero" sabi muli nito kaya ang mga nakatalagang Leader ay kumuha na ng tig iisang papel mula sa kahon.
"1" sabi ni Frances at ipinakita sa mga kagrupo ang numerong nakuha.
"Number 2 kami!" Ngiting sabi naman ni Grace kay Rosana.
"Huli" tipid na sabi naman ni Jan.
"Ang Team C ang mauuna, ang ibang grupo ay bumaba muna sa entablado para panoorin kung paano sila maglaro" mahinahon na paliwanag ni Rosana sa mga ito.
Nagsibabaan naman sila para makaupo at mapanood ang mangyayare.
Sila Frances ay may suot na pulang damit.
