Chapter 59- Final

27 1 0
                                        

Acun P.o.v

Hawak ko ngayon ang kamay ni Frances dahil alam kong kailangan niya ng tulong ko. Kahit papaano naman ay may lakas parin ako kahit na nakakaramdam na ko ng gutom.

"Haaa sila Maika" sabi sakin ni Frances habang natakbo kami. Tinignan ko naman yung tinuro niya at nakita ko nga doon sila Maika na hila hila ni Kim.

Kanina hinila rin ni Kim si Frances pero agad ko siyang nabawi. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang kinikilos niya.

Lumingon ako saglit para malaman kung malapit na ba samin yung mga humahabol pero nang makalingon ako wala na ang mga ito. Tumigil na kaming lahat sa pagtakbo pero nandito parin yung takot, lumingon ako kung nasaan sila Maika.

"Ligtas na ba tayo?" Tanong ni Hellena at hapong hapo na siya sa paghinga. Walang umimik sa kanya at lahat kami ay nakatahimik lang.

Hindi ko alam kung ligtas na ba kami pero kung sakaling oo mas maganda.

Naglakad na kami papalapit kila Maika. Ang wirdo talaga ng kinikilos ni Kim.

Nang dahil sa kidlat nakita ko yung mga ginagawa niya sa mga kasamahan naming si Maika at nakita ko rin na nasa lapag na si Johnloyd at mukang wala nang malay.

"Kim!! Maika!!" Lumingon samin si Kim na may suot na ngiti sa labi habang sinasakal niya si Maika. Hindi na ako nag atubiling lumapit at hawakan si Kim para mapigilan ko siya sa ginagawa niya.

*Cough cough

Pulang pula na yung mga mata ni Maika at panay na ang ubo nang matanggal ko ang pagkakasakal sa kanya ni Kim.

"Kim ano bang nangyayare sayo?!" Galit na tanong sa kanya ni Frances sabay lapit kay Maika na patuloy parin sa pag ubo.

"Anong nangyare?" Tanong ni Jason na kadadating lang, mas nauna kasi kami sa kanila sa paglakad.

"Johnloyd!" Lumapit si Joy kay Johnloyd na nakahiga na sa lapag. Pati narin si Frances at Maika sabay sinubukang gisingin dahil nakapikit na ang mga mata nito.

Habang hawak ko si Kim napapansin kong parang ang lakas niya dahil hindi ko na siya nahahawakan ng maayos kaya tinulungan ako nila Jason at Paulo na hawakan si Kim.

"Ahhh! Bitawan niyo ko!" Kasabay ng pagsigaw niya ay ang pag kulog at kidlat ng malakas.

Bakit ganito ang kinikilos ni Kim? Sa sitwasyon namin ngayon ganito pa siya kumilos at sinaktan niya pa sila Maika.

"Johnloyd!!" Kahit na uubo ubo parin hindi na mapigilan ni Maika na humagulgol ng iyak.

Wag nila sabihing patay na si Johnloyd??

"Bakla!!" Sinusubukan niyang hilahin patayo si Johnloyd pero hindi niya kaya.

"Pinatay mo si Johnloyd?!" Tanong ni Joy kay Kim na hawak namin ngayon.

"Aaaa!" sa huli niyang pagsigaw ay nakakawala siya sa pagkakahawak namin sabay layo sa amin. Hindi namin alam kung bakit ganon siya kalakas.

"Mga hangal!" Wika niya kasabay ng pag kidlat at paglakas lalo ng ulan. Sabayan pa ng hangin, binabagyo na yata kami dito.

Third Person P.o.v

Nagulat ang lahat sa inaasta ni Kim.

Wala silang kaalam alam na si Rosana na ang kausap nila.

"Iwan na natin sila" anyaya ni Mark kay Paulo na katabi niya lang pero ayaw nitong iwan ang mga kaibigan.

"Bahala kayo!" Sabi muli ni Mark umatras ng bahagya upang kumaripas ng takbo pero hindi pa siya nakakalayo roon ay hinarangan na siya ng dalawang lalaki at agad na hinawakan sa braso.

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon