Chapter 12- Acceptance

30 2 6
                                    

Binitawan ko na siya at lumabas na doon..

Nakakainis!

Bakit ganito yung nangyayare samin ngayon? Dapat diba aarte lang kami? Tama aarte nga kami pero palaro.

Sinundan ako nila Wendy kaya hindi ko na napigilang mapaupo at humagulgol sa iyak. Dapat hindi ko sa kanila pinapakita yung nararamdaman ko ngayon dahil baka panghinaan lang sila ng loob. Pero hindi ko talaga mapigilan yung iyak ko, narinig ko rin silang nag iiyakan na.

---
Acun P.o.v

Alam ko na yung mga pangyayare ngayon.

Hindi naman ako tanga para mag bulag bulagan na hindi to totoong lahat.

"Pre anong nangyare?" Mukang hindi parin pumapasok sa isip ni Tristan ngayon yung mga nangyare samin.

"Napatay siya" tipid na sagot ko dito. Nagsilabahasan na ang iba dito sa loob at kami nalang yung natira.

"Ano ba tong napasok natin!" Napayuko si Paulo habang nakahawak sa ulo.

"Kailangan lang natin mag survive dito." Sabi ko sa kanila kaya napatingin sila sakin.
"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ni Clark.

"Totoo naman eh, walang mangyayare kung mahina at lalampa lampa tayo dito" sagot naman sa kanya ni Jason. Mukang nakuha niya rin yung punto na sinasabi ko.
"Kailangan maging matalino rin tayo" sabi muli nito na napayuko na.

"Alam ko lahat sa atin ngayon ay natatakot pero.. isipin mo.. pag nawalan tayo ng lakas ng loob at nagpakain lang tayo sa takot na nararamdaman natin ngayon. Hindi tayo makakaligtas dito. Siguro magiging kagaya lang din tayo ni Polo kung ganon" wika kong muli.

"Pangako natin sa sarili natin at sa isa't isa na hindi tayo magiging gaya niya" sabi ko at nag bro fist. Syempre idol ko si Pewdipie.

Tumango naman sila sakin at linapit yung kamao nila sa kamao ko.

---
Third Person P.o.v

"Alam niyo, walang mangyayare sa inyo kung nakatunganga lang kayo jan! Ayaw niyo bang kumain para magkalakas kayo?" Naka pameywang na sabi ni Johnloyd sa kanila.
Ang iba kasi sa kanila ay nakahiga at dinadamdam yung mga nangyare sa kanina sa isa nilang kasamahan.
"Anong gusto mong gawin namin? Magpakasaya kami? Nakita na nga nating lahat na namatay si Polo diba?" Medyo may galit na sagot sa kanya ni Macky. Hindi parin nito matanggap ang nangyare sa kaibigan.

"Ayy nako! Bahala nga kayo dyan, tara kumain na muna tayo" anyaya niya sa mga kasama niya. Tumayo naman ang mga ito at sununod kay Johnloyd.

Magkakasama si Kisha, Shaina, Maika, Johnloyd, Joy at Frances na pumunta sa maliit na kainan. Kahit na nagtataka sila kung bakit may mga lutong pagkain na doon ay hindi naman sila pwedeng tanggihan iyon dahil ayun lang yung pwede nilang makain. Nakapaikot sila sa lamesa at may mga pagkain narin dito na kinuha nila.

"Nakakainis sila, gusto ba nilang patayin sarili nila?" Sabi ni Johnloyd sa mga kasama habang sumubo ng malaki sa kinakain.

"Bakla hayaan mo na, lahat naman tayo hindi maka get over sa nangyare. Sila pa kayang kaibigan diba?" Sabi naman sa kanya ni Maika.

"Bukas may mamamatay pa kaya"
Napatingin silang lahat kay Frances na biglang nagsalita. Parang kinabahan sila sa sinabi nito, kahit na alam naman nila sa sarili nila na may mamatay at may mamamatay parin.
"W-Wag na muna natin isipin yan" sabi naman ni Kisha.

"Alam niyo tutal naman halos ngayon lang tayo nagkakilala bakit hindi tayo magtanungan sa isa't isa." Kahit na may bahid ng takot ang muka ni Joy. Naghanap parin siya ng paraan para may pag-usapan at kalimutan ang mga nangyare sa kanila kahit na sandali lang.

"Ito share ko lang sa inyo, mag pinsan kasi kami ni Shaina at mag bestfriend narin at the same time. Nakasali kami dito kasi sa pag uudyok ng mga iba naming friends kasi talented naman daw kami" biglang napatulala si Kisha.

"Gusto lang naman namin ipakita yung talento namin pero hindi ko naman sukat akalain na gani-"

"Enough na bakla! Dapat kalimutan na muna natin yung mga malulungkot na bagay, hindi naman tayo mamomotivate niyan" sabi ni Johnloyd kay Kisha na paiyak na sana.

"Ako din!! Hindi naman gusto ni Frances na sumali dito! Nasama ko pa siya sa kamalasan ko!" Biglang napahagulgol ng iyak si Joy. Naalala niya kasi na siya yung pumilit kag Frances na sumali sa ganito.
"Wag mo yan isipin! Gusto ko talagang sumali dito!" Sabi naman sa kanya ni Frances na pinapatigil siya sa iyak. Sa halip na makalimutan nila yung nangyare ay mas lalong naalala lang nila.

"Jusko bakla! Kami nga sumali kasi kapos sa pera eh, ang laki pa ng allowance na ibibigay tapos yung 50k na pala na yun yung kapalit lang ng buhay mo kaloka" sabi naman ni Johnloyd na humawak pa sa ulo.

"Next time na nga natin pag usapan yan" wika ni Maika at kinain na yung pagkaing nasa harap niya.
"Think positive!"- Johnloyd.

"Pero grabe talaga yung nangyare samin! Yung kaba talaga namin nung nagtago kami ni Shaina, grabe"- Kisha

"Nakita nga namin kayo sa CCTV eh" sabi naman sa kanya ni Frances.

"Hindi ko kasi maintindihan kay Grace, yung words na nga namin yung madali kasi madali lang i-act yung 'beaten to death' tapos hindi niya pa na act ng maayos" muling sabi ni Kisha. Si Shaina naman ay hindi nagsasalita at nakikinig lang sa kanila habang kumakain.
"Isa pa yun, sikat nga bobita naman" sabi ni Johnloyd.
"Parang nag-iba nga yung ugali niya eh"- Maika

"Hindi no, ganon talaga yun buti nalang hindi ko pinapanood yung mga teleserye niya" wika naman ni Johnloyd.

--

Samantala, tumayo naman si Jasmine sa pagkakahiga at yinaya na sila Francheska at Hellena para kumain.

"Ayoko pa, wala akong gana" sabi ni Hellena sa kanya.

"Manghihina ka nyan"-Jasmine

"Kailangan din natin kumain, wala tayong magiging lakas bukas" mahinang sabi ni Francheska.

"Pero kasi parang ayoko naring mabuhay eh" kitang-kita kay Hellena yung lungkot at takot na nararamdaman.

Hinarap ng magkaibigan si Hellena.

"Ano ba yang pinag-iisip mo? Tumayo ka na nga dyan" hinila nila si Hellena para makatayo. Nakatayo naman ito pero ang lanta parin ng muka.

"Natatakot ako" sabi ni Hellena at yumakap sa sarili.

"*Sniff" nagsimula na naman itong umiyak.

"Ano ba naiiyak din tuloy ako" tinangala ni Francheska yung ulo niya para hindi matuloy yung iyak.

"Ano ba kayong dalawa, tara na nga!" Hinila niya yung dalawang kaibigan para makakain na. Nagpadala naman ang mga ito dahil nakakaramdam na rin sila ng gutom, tanghali narin kasi.

"Luv tara na" anyaya ni Mark sa kasintahan na si Mailene.
"Sana makalabas na tayo dito" yumuko si Mailene at bahagyang napaluha sa sitwasyon.
"Wag ka nang umiyak" yinakap nito ang kasintahan para tumigil na sa pag iyak.

Hindi kalaunan ay tumayo rin ito dahil sa gutom.

----
Jasmine P.o.v

"Masarap siya ah" sabi ko kila Francheska at Helena habang kumakain. Hanggang ngayon malungkot parin sila.

Ako ayokong magpalamon sa lungkot na to. Kailangan naming lumaban para mabuhay sa lugar na to.

"Mag sikain na kaya kayo" binitawan ko yung kinakain ko at tumingin sa kanilang dalawa. Okay naman si Francheska kanina pero nahawa lang siya kay Helena kaya nag gaganyan na naman.

"Hindi kayo mabubusog kung titignan niyo lang yan" sabi kong muli. Hinawakan naman ni Helena yung kutsara at tinidor niya, gayon din yung ginawa ni Francheska. Gaya gaya talaga tong babaeng to. Sinimulan na naman nilang kainin yung mga pagkain na nasa harap nila.

Hayysss , mapapa buntong hininga ka nalang talaga. Kahit naman ako natatakot sa mga nangyayare, naiiyak at kinakabahan pero kasi.. hindi dapat kami mag mukmok lang dahil wala namang mangyayare kung ganon.

Kung pwede lang sana tumakas sa parang kulungan na lugar na'to.

---- ---

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon