Chapter 16- Asido

38 2 9
                                    

Jan P.o.v

Nagising ako sa ingay ng nasa paligid ko.

Pag gising ko nakatali ang mga braso ko at nakatayo ako kahit na wala akong lakas na binibigay sa paa ko.

Nanlalabo narin yung paningin ko dahil sa pawis.

"Hmmm" bakit hindi ko mabuksan ang bibig ko?

"Hmm! Hmm" may takip ang bibig ko.

"Jan!!" Sigaw sakin ng taong hindi ko alam kung nasaan. Nahihilo parin ako dahil sa pagpukpok sa ulo ko kanina habang nakatago ako sa may mall na malapit lang dito.

Ako ba yung nahuli?

Pinipilit kong magkaroon ng pakiramdam. Pero parang lalo lang akong natataranta.

"Hmmm!!!" May bigla akong naramdaman na mainit na likido sa likod ko.

"Hmm!!" Inikot ko yung paningin ko at may nakita akong naka hood na may hawak ng isang bote.

"Hmmm!" Napapaluha na ko sa sobrang hapdi ng nararamdaman ko.

Ang sakit na parang pinupunit ng paunti-unti yung mga balat ko.

Frances P.o.v

Hindi ko kayang panoorin siya. Sa sobrang tagal at dahan dahang paglagay sa kanya ng asido mas lalong nakikita ko yung mga usok sa bawat pagdampi ng likido sa katawan ni Jan.

"Be!!" Napasabi sakin ni Joy at humawak sa braso ko. Naiiyak na naman siya, ako pinipigilan ko yung pag-iyak ko pero parang hindi ko kaya dahil nagsisimula na naman silang mag ipon sa mata ko.

"Hmmm!!!" Sinimulan na naman siyang buhusan ng asido at sa muka na siya nito binuhusan.

"JAN !! WAG MAAWA KAYO SA KANYA HAAA!"
Boses ni James na awang awa na sa kaibigan.

"Wag maawa kayo huhuhu" rinig na rin sa boses ni Luis yung pagkatakot niya at pagka-awa niya sa kaibigan.

Naaawa narin ako sa kanila at lalong lalo na kay Jan na nasa entablado na.

"Hmm!!" Nakita namin kung paano mahulog ang iilan sa mga buhok niya at kung paano na matunaw ang muka niya. Sa sobrang takot ko pumikit nalang ako at hindi na siya pinanood.

"Huhuhuhu"

"Tama na"

"Hindi tama to"

"Pakawalan niyo na siya"

Mga boses ng kasamahan ko dito sa loob na nagmamakaawa na pakawalan na si Jan.

Third Person P.o.v

Kita sa mga muka nila ang pagkatakot nang makita nila ang kasamahan na nahihirapan na nakatayo sa entablado. Halos hindi na makilala ang muka nito at wala narin itong malay pero dahil sa taling nakaalalay sa kanya galing sa taas nakatayo parin ito.

"Haa.. ha"

Rinig ang mga hinga ng bawat isa habang nakatitig kay Jan na wala nang buhay. Napayuko si James at nagpatuloy na naman ang agos ng luha niya.

"Bakit kailangan mangyare to sayo" wika nito na nakayuko parin.

"Nandito lang naman tayo para tulungan ang pamilya natin! Bakit kailangan pa tong mangyare?" Tanong nito sa sarili..

"Totoo bang patay ka na Jan? Pano na yung mga kapatid mo na umaasa sayo? Wala nang tutulong sa kanila! Gumising ka!!" patuloy parin ang paghagulgol nito kaya hindi napigilan ng iba na maiyak din.

"Gusto lang naman nating matulungan sila bakit ganito ang nangyayare?" Maga na ang muka nito kakaiyak at hindi narin siya makahinga ng maayos.

"Tama na pre, wala na siya" sabi naman sa kanya ni Luis at hinagod ang likod ng kaibigan.

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon