Chapter 43- Things

13 2 6
                                    

"Magtatago tayo? Na naman?" Sabi ni Jasmine na may halong takot sa tono. Ang huli kasi niyang pagtago ay may kababalaghan pang nangyare.

"Hindi ito basta basta taguan, ito ay may mechanics" sabi nito at tinuro ang nasa screen.

-----------------

Ang lahat ng grupo ay magpipiring sa mata ng panyong ilalabas. Ang lahat ay maglalagay sa lapag ng isa sa mga suot nilang gamit na walang kahit sino ang makakakita.

Ang lahat ng gamit ay itatago dito lang sa loob ng entablado.

Kapag nakita ang sariling gamit ay pwede na itong bumalik sa entablado para mag hintay na lamang kung sino ang matatalo. Ang matatalo ay ang huling makakakita ng gamit nito.

Babala:
Kapag may nakitang gamit na hindi naman sa kanya ay hindi pwedeng itanong sa iba kung kanino ba iyon. Walang tulungan! Ang maaari lang tulungan ay ang inyong sarili.

Good luck!

-------------------



Tila napa-isip sandali ang lahat. Pati narin si Clark kahit na may iniindang sakit sa bibig.

Mga ilang minuto lang may lumabas ng mga naka hood na may dalang panyo na kakulay ng nga damit ng bawat team. Inilapag nila ito sa tapat ng mga magkakagrupo.

"Simulan na ang pagpiring" sabi ni Rosana. Kumuha naman ang lahat ng panyo na naka lapag at pumunta na sa pwesto sabay piring sa sarili. Nang mapiring na nila ang sarili hinintay nalang nila ang hudyat kung mag uumpisa na ba sila na maglagay ng mga suot nitong gamit.

Naisip ni Frances na ang gamit na suot na ilalapag niya ay ang kanyang hikaw. Si Joy naman ay ang kanyang panali sa buhok. Ang iba ay hindi pa alam kung ano ba ang kanilang ilalapag.

"Mag lapag na ng inyong gamit" hudyat ni Rosana upang magsimula na silang maglapag ng sariling gamit.

Linapag ni Acun ang kanyang singsing at yung si Tristan naman ay ang tsinelas na suot.

Matapos mag lapag ang lahat sinimulan nang itago ng mga naka hood ang kanya kanyang gamit sa loob nga Tanghalan. Ang iba ay itinaga ko ilalim ng mya upuan, gilid ng pinto, likod ng kurtina at kung saan saan pa.

Rinig ang paglakad ni Rosana upang hindi siya makaistorbo sa kanilang gagawin. Hindi na ito makapag hintay na may patayin na naman. Pumasok siya sa gilid kung saan may salamin na kahit wala siya sa loob ng Tanghalan ay makikita niya parin ang mga taong nandoon.

"Tanggalin na ang mga piring at pag tapos ng isang minuto na lalabas sa screen maaari nang hanapin ang mga gamit" may lumabas sa malaking screen na orasan.

59

58

57

56

---

3

2

1

Agad bumaba ang iba sa entablado at nagsimula nang hanapin ang mga gamit ng mga ito.

Frances P.o.v

Natatakot na ko sa maaaring mangyari samin ngayon. Kasalukuyan ko nang hinahanap yung hikaw ko, nasa dulo na ko ng mga upuan dito. Nanginginig na nga ako habang hinahanap yung hikaw ko kasi iniisip ko na baka hindi ko yun mahanap at ako yung mamatay diba.

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon