Chapter 36- Reverse

18 3 3
                                    

Agad kinuha naman ni Eulla ang kutsilyong binitawan ni Fatima kanina lang at tumingin ng masama kay Wendy. Tila nasisiraan na ito ng pag-iisip at gusto nalang maka ligtas sa lugar ng walang pag aalinlangan.

Naglakad ito papunta kay Wendy na nakaupo parin.

Kumuha naman si Wendy ng itak na nasa harap niya at pinilit na tumayo.

"Eulla, pwede na tayong maligtas na dalawa. Sabi sa mechanics isa o dalawa ang pwedeng maligtas sa larong to diba?" Habang hawak ang itak na pangsangga niya kay Eulla kinukumbinsi niya ito na bitawan dahil pwede na naman silang lumabas na dalawa doon sa glasswall kung saan sila nakakulong.

"Ikaw dapat yung nasa kalagayan ni Fatima" gigil na gigil na sabi nito sa kaibigan kahit na wala namang luha ang lumalabas sa mga mata nito.

Habang paabante siya ng paabante, paatras naman ng paatras si Wendy dahilan upang mapasandal muli ito.
Ayaw na nitong kalabanin si Eulla dahil gusto niya na dalawa nalang sila ang lumabas doon pero mukang hindi naman yun ang gustong mangyare ni Eulla.

"Eulla huminahon ka ibaba mo yang hawak mo!" Sabi ni Wendy sa kanya.

"Bakit naman kita susundin?!" Inis na tanong ni Eulla sa kanya. Kahit na namatay na yung kaibigan nito dahil sa kanya mas pinapanindigan niya pa na si Wendy ang may kasalanan kung bakit namatay si Fatima.

Kung tatanungin si Wendy hindi niya na kaya ang nangyayare. May nabubuo nang sakit sa bandang lalamunan niya dahil kanina niya pa gustong umiyak. Habang pinangsasalag ni Wendy ang itak na hawak kay Eulla nag-iisip din siya ng paraan kung paano siya makakatakas at makakalabas sa loob. Ang buong akal niya kasi ay pagmay naligtas ng dalawa o isa pwede na silang makalabas doon.

"Maglaban kayo!" Sigaw ni Rosana na nasa labas pero mukang narinig nila iyon mula sa pinanggalingan nila.

Napangiti si Eulla sa narinig, mukang nasisiraan narin siya ng pag-iisip.

Sa labas wala manlang bahid ng pangungulila ang kaibigan nilang si Kim na nanonood parin sa kanila. Kahit na wala na si Fatima ay wala na itong ibang maisip at maramdaman. Ang tangi niya nalang talagang gusto ay makalabas sa lugar kahit na siya nalang mag-isa.

Ang iba namang nanonood ay makikitaan mo ng takot sa muka nila.

"Ayoko na hindi ko na kaya" wika ni Maika na hindi na maatim ang panonood.

"Grabe na si Eulla!" Galit na sabi ni Clark na  nonood din sa nangyayare.

"Hindi tama to! Akala ko ba kapag isa o dalawa yung nag wagi pwede nang lumabas?!" Pasigaw na tanong ni Wendy sa loob ng Glasswall.

"Tumahimik ka na! Kung ako sayo magdadasal na ko dahil ito na ang huling araw mo" matapang pang sabi ni Eulla sa kanya habang nakatapat pa kay wendy ang tulos ng kutsilyong hawak nito.

Wendy P.o.v

"Saglit!" Umatras atras pa ako.

Bakit ganon si Eulla? Hindi ko na nga kaya yung nangyare kay Fatima nagagawa niya pa kong isunod dito. Kanina ko pa gustong umiyak sa nangyare kay Fatima pero mas gusto kong makaligtas dito kaya kung maaari iniiwasan ko na siya dahil hindi ko makakaya kung mahaharangan ng mga luha ko yung mata ko.

Mukang desidido talaga siyang patayin din ako matapos mapatay si Fatima.

Sasaksakin niya na sana ako pero buti na lang ay nakaiwas agad ako sa kanya. Kahit na nangangatog na ko sa kaba na baka masaksak niya ko.

Ayoko pang mamatay! Sino ba namang gugustuhing mamatay sa ganitong lugar?!

"Eulla" binanggit ko pa yung pangalan niya dahil baka aa huling sandali makumbinsi ko pa siya.

"Eulla wag mo yang gawin" sabi ko sa kanya.

Pero parang wala siyang naririnig dahil palapit na naman siya sakin at inaamba na yung kutsilyo niya sakin. Meron akong itak dito pero ayoko naman siyang saktan pero kung kailanga ko nang gawin yun, gagawin ko na talaga. Kanina pa rin na ko napupuno sa kanya, hindi ko alam kung bakit ganon yung kinikilos niya.

"Ayy!" Umiwas akong muli.

Parang nag aral ako kung paano umiwas,
dahil sa galing kong umiwas sa kanya.

Sa bandang gitna ng kahon na'to may bumabang tali galing sa taas. Pareho naming nakita yun at hindi namin alam kung bakit may ganon na bumaba.

"Isa lang ang pwedeng umakyat dyan, ang makakaakyat ay ang maliligtas" sabi ni Rosana alam na alam ko yung boses nito, rinig na rinig ito ng dalawang tenga ko na parang nasa tapat ng tenga ko nag salita.

"Waaaahhh!!" Hindi ko napansin si Eulla na lumapit na agad sakin.

"Eulla?" Nasabi ko nalang sa kanya dahil nasaksak niya na ko sa braso. Halos hindi ko n siya maramdaman sa sobrang bilis ng pangyayare.

Hinugot niya na yung kutsilyong nakabaon sa braso ko at sasaksakin pa sana muli ako pero pinukpok ko na ng malakas yung paa niya ng kahawakan ng itak na hawak ko at agad na tumakbo doon sa may lubid. Kailangan ko nalang makaakyat agad para maligtas dito.

"Aray!!" Narinig ko pang sigaw niya. Habang ako abala na sa pag akyat dito sa lubid, pero hindi pa ko nakakakalahati hinila niya na yung paa ko pababa dahilan kaya mahulog ako at masalampak sa lapag.

"Uunahan mo pa kong hayop ka!" Sigaw ni Eulla sakin at agad na umakyat na sa lubid. Aakyat rin sana ako dahil gusto ko na talagang umakyat para maligtas pero sinipa niya yung muka ko at nahulog na naman ako sa lapag.

Malapit na siyang makapunta sa tuktok kaya yumuko nalang ako at hinawakan yung braso na nasaksak niya. Siguro ito na talaga yung huling araw ko.

Dito na pumatak yung mga luha ko. Parang naaalala ko na yung mga magagandang nangyare sakin. Kung hindi lang sana ako napasok dito siguro nadalaw ko pa si Nanay sa Hospital.

Dahil kay Nanay kung bakit ako napasali dito at dahil narin sa pag yayakag sakin nila Eulla na sumali rito. Pero hindi ko naman akalain na magiging ganito yung sitwasyon ko, namin. Sobrang laking tulong ng allowance na nakuha namin sa kanila at naipang dagdag ko yung sa gamutin ni Nanay.

Hayssst!! Dahil rin sa lugar na to mas nalaman ko pa yung mga baho ng ugali ng mga tinuring kong kaibigan.

Parang nauubusan na yata ako ng dugo dahil sa saksak sakin ni Eulla. Nararamdaman kong marami parin nang lumalabas galing dito.

Kim P.o.v

Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon ko sa mga nangyayare sa mga kaibigan ko sa loob ng kahon. Sobrang daming pumapasok sa isip ko kaya masyadong hindi na ko na-apektuhan sa mga nangyayare.

Ang gusto ko nalang na mangyare ay makaalis na sa lugar na'to. Habang nanonood sa kanila ang lalim ng iniisip ko gaya ng paano ako makakaalis dito. Kahit ako nalang sana ang makaalis dito. Wala na kong pakealam sa iba.

Nakita ko sa stage na si Eulla na ang nakaakyat sa tuktok gamit yung lubid na ibinaba.

Nakayuko nalang din si Wendy at mukabg umiiyak na. Patuloy parin ang pagtulo ng mga dugo niya galing sa nasaksak niyang braso.

Ang kailangan nalang namin gawin ay tanggapin na nawala na si Fatina at susundan na ni Wendy.

Ayokong matulad sa kanila..

Lalo na sa mga ganitong sitwasyon dapat hindi ibang tao yung iniisip mo kung hindi yung sarili mo mismo.

Nanonood parin ako sa mga nangyayare. Hindi ko na makita ang nasa taas na naakyat na ni Eulla dahil madilim na doon. Ano nang nangyare?

May nakita kaming paang gumagalaw galaw pababa.

Tumingin si Wendy sa taas para makita kung ano iyon..

Pababa nang pababa yung paa hanggang sa nakita ko na yung buong katawan nito..

Nakabigti si Eulla at hawak ang lubid na nakapaikot sa leeg niya.

Kumakawag kawag na yung buong katawan niya.

------ ---

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon