Joy P.o.v
Agad naming sinundan sila Acun na dinala si Clark sa clinic. Ang dami na nitong dugo kaya hindi namin alam kung makakaligtas pa ba ito. Pero sa palagay namin malakas naman si Clark at hindi siya basta basta mababawian ng buhay.
"Haysss! Bakit ganito ang nangyayare satin" umupo kami dito sa may upuan sa labas ng clinic, hindi na kami nakikigulo sa paglagay nila ng gasa sa bibig nito.
"Hmmp" hindi ko na mapigilang mapaiyak sa mga nangyayare samin.
"Ano bang nangyare sa inyo nung umalis kayo?" Tanong ni Johnloyd samin.
"Hindi ko alam" sagot ko dito habang patuloy paring pinupunasan yung mga luha ko. Pati si Frances hindi mapigilan ang pag-iyak. Rinig ang bawat hikbi niya habang nasa harap namin siya.
"Naiwan kasi namin si Clark *sniff kaya nahuli siya *sniff" napapaiyak din tuloy ako ng todo dahil kay Frances eh. Siguro sinisisi niya na yung sarili niya sa nangyare.
"Tapos nakuha na siya *sniff ganon na yung nangyare" sabi niyang muli na nakatingin na sa lapag.
"Sa tingin ko kasalanan ko to eh" sinasabi ko na nga at sinisisi niya na ang sarili niya sa mga nangyare. Wala naman siyang kasalanan.
"Haysss!!" Bumugtong hininga na siya habang naghahabol ng hininga dahil bumara na siguro yung ilong niya kakaiyak.
"Bakit ba kasi *sniff ganito ang nangyayare satin?"
"Wag ka na umiyak be! Napapaiyak din tuloy ako eh" sabi ko sa kanya na hinahagod hagod angi likod niya. Hapon na, akala namin tapos na yung nakakatakot na mangyayare ngayon tapos magulat gulat kami na may mangayayare pa palang ganon.
"Wag na nga kayo umiyak jan! Ang mahalaga ligtas si Clark" sabi ni Johnloyd.
Mark P.o.v
"Ano pre! Magsalita ka!" Hinawakan ko siya sa kwelyo niya. Kanina naiinis na ko sa mga pinagsasabi niya. Mahal niya? Si Mailene? Baka nasisiraan na siya ng ulo.
"Tama na yan Mark bayaan mo na siya" pag-aawat sakin ni Mailene.
Kami nalang ang natira dito. Tumutulong rin sa pag awat sakin sila Jasmine.
"Bakit mo ko pinipigilan?!" Tanong ko sa kanya. Hindi ko mapigilan yung tono ng boses ko.
"Wag na kayo mag away" sabi niya sakin kaya binitawan ko si Luis at humarap sa kanya.
Hinawakan ko siya sa balikat niya.
"Sabihin mo nga sakin, ano bang relasyon niyong dalawa?!" Nanggagalaiti na nako sa galit. Bakit ganito siya?
"Tama na yan" awat samin nila Jasmine.
"Nung umpisa napapansin pansin ko na kayong dalawa, pero pinag sa walang bahala ko na lang kasi may tiwala ako sayo" pumapatak na ang mga luha ko.
"Linoloko mo ba ko Mailene?! Sa sitwasyon natin ngayon may panahon ka pang lokohin ako?!" Nasasaktan na ko. Hindi ko balak na sigawan siya pero hindi ko na mapigilan yung sarili ko. Kala ko sapat na kami para sa isa't isa.
Hindi siya nagsasalita at tumitingin lang sa ibang lugar. Bakit hindi niya ko magawang titigan sa mata at sabihin na nagkakamali lang ako. Parang sa pinapkita niya sakin tinatanggap niya na may nagawa talaga siyang kasalanan.
May humawak sa balikat ko at hinila ng bahagya kaya lumingon ako.
*Booogshh
Isang sapak ang natamo ko kay Luis at dahil sa lakas nun hindi ko nabalanse yung sarili ko kaya na padapa ako sa lapag. Pinatungan niya naman ako at muling sinapak.
Ang lakas ng pagkakasapak niya sakin dahil nararamdaman ko na yung mga ngipin ko na parang matatanggal na.
"Tama na yan!" Sigaw ni Mailene na nagulat sa nangyare.
"Wag mong sinisigawan si Mailene!!" halos hindi ko na marinig yung boses ni Luis dahil natatamaan niya na yung tenga ko sa bawat suntok niya.
Itutulak ko sana siya pero sadyang mas malakas siya sakin.
Hellena P.o.v
Panay parin ang suntok ni Luis kay Mark at hindi na namin sila kayang pigilan. Naaawa na ako kay Mark kasi nakikita ko na yung maga niya sa pisnge.
Wala na kasing ibang mga lalaki dito kasi dinala nila si Clark sa Clinic. Tapos kami nalang yung natira dito sa loob ng Tanghalan. Ano ba ang nangyayare samin ngayon dito? Puro away, hindi pagkakaunawaan tapos muntik pa kong magahasa.
Tumayo na si Luis at iniwan na si Mark na nakahandusay sa nasa sahig. May dugo narin ito sa ilong at sa mata mukang matindi nga yung nangyare sa kanya. Lumapit kami kay Mark tapos si Mailene naman naiwang nakatayo na linapitan naman ni Luis. Totoo bang may relasyon sila?
Naaawa ako kay Mark kasi syempre nabugbog na nga siya mukang totoo pa yung hinala niya. Hindi manlang linapitan ni Mailene si Mark at naglakad lang palabas dito sa Tanghalan, sinundan naman siya ni Luis. Hahayaan niya nalang ba yung boyfriend niyang nakahandusay dito.
"Kaya mo pa ba tumayo?" Tanong sa kanya ni Francheska. Tinutulungan na namin siyang tumayo pero mukang wala siyang lakas. Nakikita ko lang na may likidong tumutulo sa mata niya.
"Okay lang yan wag ka na umiyak, mababara pa ang ilong mo" sabi sa kanya ni Jasmine habang hawak siya nito sa balikat. Tumango naman ako bilang pag sang-ayon sa kanya.
"Tara na tumayo ka na jan wag kang panghinaan ng loob" sabi ulit sa kanya ni Jasmine at tinulungan niya narin kami na buhatin ang sariling katawan.
"Punta tayong center" wika ni Francheska kaya inalalayan na namin si Mark na pumunta sa Center. Alam kong nandon sila Clark at hindi kami kakasya dun kasi isang kama lang ang nandoon. Siguro gagamitin nalang namin yung First aid kit.
Nang makadating kami sa tapat ng Clinic nakita ko dun sila Frances na umiiyak pati narin si Joy kasama nila si Maika at Johnloyd. Siguro dahil sa nangyare kay Clark kaya sila umiiyak. Pero buti nalang hindi siya namatay ang akala ko kasi mamatay narin siya.
"Anong nangyare sa kanya?" Tanong ni Maika na papalapit samin.
"Pinag susuntok siya ni Luis dahil kay Mailene" deretsong sagot naman sa kanya ni Francheska na binitawan na si Mark at kumuha ng bangko sa loob ng Clinic. Pinaupo niya agad dun si Mark at dala niya na rin yung first aid kit.
"Jusko! Ganito na nga nangyayare satin may oras pa kayo sa mga ganyang bagay" irap na sabi ni Johnloyd.
"Wag na natin sila pagsabihan" sagot naman sa kanya ni Jasmine.
Si Jasmine ang nanguna sa pag pahid ng sugat ni Mark gamit yung bulak.
"Kamusta na pala si Clark?" Tanong ko kila Frances.
"Nakita ko dun nakahiga si Clark" sagot naman ni Francheska kahit hindi naman siya yung tinatanong ko. Nakatahimik lang si Mark na maga parin yung mata dahil din sa umiyak siya dahil sa girlfriend niya at sa sapak sa kanya ni Luis.
"Ano ba kasing nakita niyo at grabe ang pagparusa sa kanya?" Tanong ni Johnloyd kila Frances. Akala ko nga magkakasama sila, hindi pala kasi hindi alam nila Johnloyd yung nangyare kung bakit pinarusahan si Clark. Nakakaawa na yung kalagayan namin ditong lahat.
"hayss! Hindi ko nga din alam eh *sniff basta hinabol nalang kami doon sa nakita naming under ground" sagot naman ni Joy.
"Underground?!" Tanong ko sa kanila. Ganon din yung reaksyon nila Jasmine nung narinig nila yun.
"Ang totoo niyan may nakita kaming underground" sabi ni Frances.
"May mga kalansay na dun *sniff" dagdag muli nito.
"Siguro doon na tayo makakalabas" sabi ko sa kanila. Parang nag shine yung mata nila Jasmine nung sinabi ko yun pero yung mga muka naman nila Frances hindi na maipinta.
"Hindi.. Dahil dun sa pinasukan naming underground ganon ang nangyare kay Clark" malungkot na sabi ni Frances habang nakatingin sa ibaba.
-------- ----